Peculiar Chapter 6

300 15 0
                                    

Fire's POV:
Napamulat ako at nakita ang puting kisame, "Nasan ako?" Tanong ko at nakita sa tabi ko ang isang babae na mahaba ang buhok, "Good afternoon, Fire. I am the head nurse of this school, Ms Miranda."

"Good afternoon- AFTERNOON?! I missed my morning classes!" Sigaw ko at tinginan ang handbook ko. Meron pa din naman pala akong tatlong klase na pwedeng attend-an. Okay na siguro yun?

Umiling naman si Ms Miranda, "Hindi ka na aattend ng class mo, pinapatawag ka ni Headmaster kaya ginising na kita. Nandun na din ang iyong kaibigan, ikaw na lang ang hinihintay." Tumango ako at sinuot na ang combat boots ko.

"Fire.... don't use your ability when you're angry." Bilin nya kaya tinignan ko sya at tumango, tama sya. Lagi na lang galit ko ang pinapauna ko, dapat talaga ayusin ko na ang anger issue ko sa sarili.

Mabilis akong nakapunta sa office ni Headmaster at nagdadalawang isip kung kakatakot ako- "Hala!" Gulat kong sabi ng biglang bumukas ang pintuan at nakitang nakatingin silang lahat sa akin.

"Come in, Ms Cole." Sabi sakin ni Headmaster kaya tumango ako at umupo sa tabing upuan ni Ash. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa kamay ko at ang pagbalik ng lakas ko. A-anong nangyari?

Tumikhim si Headmaster kaya napatingin ako sa kanya, "I am Headmaster Kally, pinatawag ko kayo dahil sa paglabag nyo sa mga rules." Madiing sabi ni Headmaster kaya kinagat ko ang ilalim kong labi.

"Chloe, Kam, and Dyla, hindi nyo dapat tinatakot ang bago nating estudyante dito." Seryosong sabi ni Headmaster kaya napayuko silang tatlo. Bleh, buti nga sa kanila! Sama sama nang ugali nila eh, huhu.

Bumaling naman sakin si Headmaster, "Fire and Ash, I thought I made sure na walang gagamit nang kapangyarihan kapag hindi klase!" Napaayos ako ng upo dahil sa bigla nyang paghampas sa mesa.

"Hindi nyo ba naisip na maaaring hindi lang kayo ang masaktan?!" Sigaw nya pa ulit kaya napakapit ako sa palda ko. Huhu, patay na talaga ako! Unang araw ko pa lang pero ginalit ko agad si Headmaster, huhu.

Napabuntong hininga naman si Headmaster, "Hindi ako nagagalit sa inyo, Fire. I'm just... disappointed." Napigil ko ang hininga ko dahil sa sinabi nya. Hindi lang po ikaw ang disappointed sakin.

The whole world thinks i'm a big mistake.

"Fire, the news are just the news. Maaaring totoo at maaaring hindi, at ang sinasabi nila tungkol sayo? Alam kong hindi yun totoo." Tinignan ko si Headmaster at ngumiti naman sya sakin. Kung ganun, mind reader pala si Headmaster? Hala! Nakakahiya!

Mahinang tumawa si Headmaster, "I can manipulate and control any mind, but mostly I just read it." Sagot nya at tumango tango naman ako. Ang astig naman pala ng headmaster namin! Pak na pak ang peculiar ability.

"Telekinesis is no joke, Fire kaylangan mong ingatan ang ability mo at gamitin iyon sa mabuting paraan. Kagaya ninyo Chloe, Dyla, and Kam, wag nyong abusuhin ang kapangyarihan ninyo dahil baka iyon na ang kumontrol sa inyo."

"But back to the issue, one week community service," napabuntong hininga kaming lahat dahil yun lang naman pala. "In the dungeon." Lahat sila ay napasinghap pero nanatili akong nakatitig. Ano namang masama dun?

Bagsak balikat na lumabas sila Chloe pati na si Ash at sinundan ko lang naman sila, "Ash... bakit? Anong mali? I mean, buti nga paglilinis lang ang gagawin natin?" Tanong ko at napabuntong hininga naman sya.

"Fire, ang dungeon... ay kung nasaan ang mga dark elements."

********
"Dark elements, nabubuhay sila sa ilalim ng mundong ginagalawan natin. They eat souls so they can live. Iba't iba din ang anyo ng dark elements, at ang iba... nagtataglay ng abilities kagaya natin." Explain ni Mr Javier.

Napalunok naman ako dahil ito ang bungad sakin ngayong umaga, first class ko. Oh diba, naka-attend din ako sa wakas! "Maaari ding magkunwaring kakampi ang mga dark elements." May mga bulong bulungan akong narinig,

"Ibig sabigin, maaaring may kasama tayo ngayon?" Tanong ng isa naming kaklase at lumakas naman ang bulungan. Oo nga 'no? Maaaring may kasama kami ngayon, tumingin ako sa buong klase.

Ginamit naman ni Sir ang stick nya at hinampas ng tatlong beses ang lamesa nya, "Naniniwala ako na lahat ng estudyante ko ay mabubuti, light elements." Kinilig naman ang ibang babae dahil sa sinabi ni Sir.

"Back to the topic, naniniwala ang mga dark elements na kapag nakuha nila ang mga souls natin, lalo na nang mga peculiar, dadating ang araw na hindi na nila iyon kakaylanganin at mas lalakas pa sila."

May isa pang nagtaas ng kamay kaya tinignan ko sya, "Totoo po ba ang paniniwala nila? Let's say naubos nila tayo. Magiging malakas po ba sila?" Ay, taray! Ganda ng tanong nya ah, intense masyado.

"Walang makakasagot nyan pero ayon sa legend, milyon milyong taon bago ang kasalukuyan... Maunti pa lang ang mga peculiar at dahil sa kasamaan ng dark elements, kinuha nila ang mga peculiar at ibinigay sa head nila."

"Ang head ay sinasabi na ultimate link power, para syang mga nanay ng maliit na dark elements. At ayon din sa legend, kapag lumabas na ang God of Life ay duon na magsisimula ang War sa pagitan ng god of Death at god of Life."

Lahat kami ay nakikinig sa kanya, grabe! Ganito pala ang mga lessons dito, sobrang intense at minsan weird. "E, Sir? Paano po kung patayin natin ang god of Life?" Tanong ng isa ko pang kaklase at lumakas muli ang bulungan.

"Don't say such thing! Kapag pinatay natin ang God of Life, wala nang magre-reincarnate sa atin at ang mga dark elements ay maaring gamitin iyong pagkakataon na 'yun para kunin ang lahat ng souls natin."

Napasinghap ako at pinunasan ang tumulong pawis galing sa noo ko, "It is our duty to serve the god of Life, just like how the dark elements serve their god.... Pero hanggang ngayon, hindi pa din lumalabas ang god of life."

"Sir, paano po ba natin malalaman kung sino ang god of life?"

"Sinasabi sa book of histories na lalabas ang god of life kapag may isang peculiar na namatay at muli nya itong bubuhayin... pero hindi natin alam kung sino ang dapat na mamatay."

"Sir, naniniwala po ba kayo sa sinasabi ng mga libro?"

"I believe in everything, proven or not. Just like how I believe in every one of you, naniniwala ako na magigin mabubuti kayong peculiar. At sa pagdating ng araw, sabay sabay nating paglilingkudan ang god of life."

God of life, maybe I do have a purpose in life.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon