Peculiar Chapter 3

363 16 0
                                    

Fire's POV:
Dahan dahan kong inatras ang paa ko dahil baka may makakitang tao sakin, naririnig ko pa din ang bulungan dahil sa nangyari sa school kahit tatlong araw na ang nakalipas. Oo, tatlong araw.

At sa loob ng tatlong araw na 'yon, tumira ako sa ilalim ng bridge. Kapag may dadaan ay hinaharang ko ang mga bagay para hindi ako makita, hindi na din ako kumakain dahil sa takot na may makakita sa akin.

W-what am I?

I never felt this energy before, parang kaya kong takbuhin ang buong mundo. And I'm scared, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Napabuntong hininga ako at sumandal sa pader, it was cold.

Magga-gabi na rin kasi at hindi ko na kailangan makipagsiksikan sa mga basura, sobrang baho ko na panigurado pero ayokong i-take yung risk at makita ako ng kahit sino. Mahirap na, nag-post na din kasi sila ng mga pictures ko. 

I even saw one ng may magtapon ng papel, narinig ko rin na may nag-post sa social media ng video ko. They were calling me different names: monster, demon, or even the evil witch. Pumikit ako at pinigilan ang luhang gustong lumabas, hindi ko na kailangang umiyak. Wala rin namang silbi.

"Sabi sa sensor nandito raw sya," Napatunghay ako ng may marinig akong mga yabag sa taas ng bridge. Kusang lumakas ang panrinig ko, miski ang eye sight ko ay sobrang linaw. Hindi ko din alam pero nakakapag-pagalaw ako ng mga bagay.

Bumuntong hininga na lang ulit- "Wait... hear that?" Napamulat ako at napahawak sa puso. Ako ba ang narinig nila? Pero... ang hina lang nun ah! Pinakiramdaman ko sila pero walang kumikilos miski sino.

"She's close... I can feel her." Rinig kong sabi ng isang babae kaya napatunghay ulit ako sa bridge. Kung may x-ray vision lang kasi ako e! Napabuntong hininga ulit ako at mabilis na tinakpan ang bibig ko.

Biglang tumahimik ang mga tao sa taas kaya mahina kong sinampal ang sarili ko- "SHE'S HERE!" Agad kong pinakawalan ang nakapalibot saking basura papunta sa kung sinong nagsalita.

"Hey, listen!" Pero syempre hindi ko sila pinakinggan, nakita ko din kasi sa papel na kung sino makakapagpunta sakin sa prisinto ay may kapalit, reward kumbaga. Paniguradong gusto nila akong kunin.

Tinaas ko ang kamay ko at tumaas naman ang babae na nagsalita, "Let her go." Napalingon ako sa likod ko at nabitawan ang babae. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa dilim, at nakitang may hawak syang apoy.

"S-sino kayo?!" Sigaw ko at naramdaman kong nanginig ang lupa namin, may bumabang isa pang lalaki at lalapit pa bali sya sakin pero nauna ang instinct ko at napatalsik agad sya. Lahat sila nakapalibot sakin, tatlo lang naman sila.

Bumuntong hininga ang lalaki na may hawak na apoy, "I asked her nicely." Bulong nya sa mga kasama nya at umiling naman ang dalawa pero hindi nya pinansin yun. Naramdaman ko ang biglang pagyakap sakin ng mga bato at bumalot iyon sa katawan ko.

"W-what are you doing?!" Sigaw ko dahil hindi na ako makagalaw. Sino ba talaga sila?! Nag-enhance ba ang mga technology sa tatlong araw? Napatingin ako sa taas habang nagiisip, pero imposible naman.

Alam ko laging Pilipinas ang late sa pag-upgrade ng mga bagay bagay, it's our nature. Pero paano nya 'to nagagawa? Siguro ilegal ang gamit nila 'no? "Hey! Focus here, Fire." Kumunot ang noo ko at natigil sa pagiisip.

"Pano mo ako nakilala?" Tanong ko sa lalaking may edad na bago tumingin sa lalaking may hawak na apoy kanina at napakunot ng lumapit sya sakin. He's not holding fire, he's actually the fire!

Pinilit kong kumawala pero ayaw pa din, mas lalo lang humihigpit. "I'm Mr Javier, this is Ms Narzabal," Turo nya sa babaeng naka puting dress, ang ganda nya ah! Tinuro naman nya ang lalaking may hawak na apoy.

"That's James Four delos Reyes, he controls the four elements." Mr Javier explained kaya tumango na lang ako. Four elements, as in... Fire, water, earth, and air? Dahan dahan akong tumingin kay James Four delos Reyes at sa bato.

Mahina naman syang tumawa at tumango tango, "I did that." Sabi pa nya kaya naiinis akong umirap sa kanya. Hindi kaya sila yung mga gumagamit nang masasamang magic?! Diba sa mga movies ganun?

"Hey, you're spacing out again." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Miss Narzabal at tumingin sa mga bato. Hindi ba nako-control ko ang mga bagay? Does that mean... agad kong pinikit ang mga mata ko at nakawala sa mga bato.

Lahat sila ay gulat na gumawa ng kanya kanya shield, "Anong kailangan nyo sakin?" Tanong ko at pinalibutan din sila ng mga bato. Naiinis naman akong tinignan ni James Four delos Reyes kaya inirapan ko sya-

"AHHH!" Sigaw ko ng biglang nakawala si James Four delos Reyes sa batong ginawa ko at pinalibutan ako ng apoy. Huhu, hindi ko na alam kung pano control-in ang iba pa nyang element e, ang tanga ko. Huhu, dito na ba ako mamamatay?

Naramdaman ko ang pag-alis ng bato kayla Mr Javier dahil nanghihina ako, parang hinihigop ng apoy ang lakas... "Enough, Four!" Sigaw ni Mr Javier at narinig ko naman ang pag-'tss' ni Four bago mawala ang apoy.

"Don't be stupid, Fire! We're here to help you, dumb ass." Bulong sakin ni Four pero hindi ako nakasagot sa kanya, busy ako sa paghinga ng malalim. Pakiramdam ko inubos lahat ng hangin ko sa katawan.

Inalalayan naman ako ni Ms Narzabal, "Okay ka lang ba, Ms Fire? Do you need anything? Water?" Naramdaman ko ang paglaki ng isang halaman at sa loob nun ay may tubig. Napatingin ako sa kanya at tumango tango lang sya.

"It's okay, we're not here to harm you." Sabi nya kaya tumango ako at ininom ang tubig. Nakahinga ako ng maluwag dahil sobrang refreshing ng tubig. Kakaiba ang tubig na binigay nya at gusto ko pa.

Narinig ko namang nagbubulungan si Mr Javier at Four, mukhang pinapagalitan nya si Four. "Why are you here?" Tanong ko sa kanila at naagaw ko naman ang pansin nilang tatlo, "Anong gusto nyo sakin?" Tanong ko pa ulit.

"Nandito kami dahil gusto ka naming tulungan." Sagot ni Ms Narzabal at tumango tango naman si Mr Javier. Pasimple akong tumingin kay Four pero ang sama ng tingin nya sakin. Grabe ang isang 'yon, sya nga 'tong muntik na akong patayin e!

Naramdaman ko naman ang mahinang pagtapik ni Ms Narzabal, "Isa kami sa mga professor ni Mr Javier, isa naman sa mga estudyante si Four. Pinasama sya samin ni Headmaster upang makita ang sagot sa research nya."

"Fire, we're just like you..." Napatingin ako kay Mr Javier at tumango naman sya, a-anong sinasabi nya? Nakita kong nagpalabas na naman ng apoy sa kamay si Four at sa kabilang kamay nya ay tubig.

Ngumisi naman sya sakin, yabang! "I have the ability to control the four elements... while you can control anything and anyone." Sabi nya kaya napatingin naman ako sa kamay ko. Pero isa pa din ang namumuong tanong sa isip ko,

"Sino ako?" Tanong ko bago tumayo at tignan sila, nakangiti sakin si Ms Narzabal at umiling iling naman si Four. Nagtatanong lang naman ako, ah? "Ikaw pa rin si Fire, yung Fire na kilala mo ay yung Fire na ngayon."

Tinitigan kong muli ang mga kamay ko, "Paano ko nagagawa 'to?" Tanong ko pero nagkibit balikat silang lahat, "Una kong nalaman na may kapangyarihan ako nung ginalit ako ng sobra ng isa kong kaibigan." Sagot ni Ms Narzabal.

"My roots almost strangle her to death." Napa-iling na sunod ni Ms Narzabal, naalala ko tuloy ang ginawa ko sa prom namin. I almost killed four girls there. "I killed someone." Napatingin ako kay Four dahil sa sinabi nya.

Walang nagsalita samin at hinawakan naman ni Four ang buhok nya, "Let's move, nararamdaman kong may mga parating." Sabi nya at tumango naman si Mr Javier.

"We have this school... It's called the Peculiar Academy, are you willing to transfer there, Fire?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon