Peculiar Chapter 13

197 14 0
                                    

Fire's POV:
Naramdaman ko ang pagpupumilit ni Yael na makawala sa batong pinapalibot ko sa kanya pero mas idiniin ko pa ang mga bato. Naramdaman kong nagshape shift na sya bilang baboy, "We're close!" Sigaw ko at mas hinigpitan pa ang mga bato.

Naglalabasan na din ang mga ugat ko sa kamay at ramdam ko ang sakit, nang maramdaman kong mag transform sya bilang mice ay agad ko syang inipit, "Yael of junior-C, out!" Narinig ko ang sigawan nila Ash.

"Ahh!" Sigaw ko ng tamaan ako ng kidlat, nangalahati ang buhay ko at tinignan si Jamie. Lumingon ako sa paligid at nakita si Marie, "Marie!" Tawag ko at syempre dahil control namin si Hailey.

Ako ang ginamot nya, muling namuo ang buhay ko.

Nagulat naman si Jamie kaya ngumisi ako, mas lalo naman syang nainis at gumawa ng tornado, "Four!" Sigaw ko at mabilis syang lumipad patabi sakin. "Now?" Tanong nya kaya tumango ako, obviously.

Nakita ko ang pagkawala nya ng apoy at ng lupa kaya mabilis kong pinag-sama yun, ito ang matagal naming pinractice ni Four, hindi kasi nya kayang magcombine ng elements kaya yun ang gagawin ko.

Agad kong pinalipad yun papunta kay Jamie at hinarangan naman nya ang sarili nya ng makakapal na ulap, mukhang ginawa nyang shield yun, "We need a better view." Sunod ang pagpapakawala ni Four ng elements nya.

Sunod sunod din naman ang pag-combine ko nun, "Let's go up!" Sigaw nya bago lumipad kaya lumipad din ako. Nagulat naman si Jamie ng makita kami sa taas, mabilis kong pinababa ang mga combined elements-

"Ahh!" Sigaw ko ng may dumiretsyong sunod sunod na kidlat kaya napapikit ako, nagulat ako ng may maramdaman akong yumakap sakin, "Jamie of junior-A, out!" Hindi ko pa din minulat ang mata ko.

Naramdaman ko ang unti unting pagbitaw sakin ng yumakap sakin, "Four of junior-D, out!" Napamulat ako at nakita ang nalalaglag na si Four bago sya mawala. Lumingon ako sa labas ng stage at nakitang nandun na sya.

Muli akong tumingin sa paligid, air user na lang- "Anna of junior-A, out!" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Nakita ko si Marie na nagpakawala ng iba't ibang puppets pero tinatangay lang ng hangin.

"Be smart..." Narinig ko ang bulong ni Four sa ulo ko at napapikit ako, an air user, hindi ko control ang element nya. Pero- agad kong pinalipad ang naiwang mga lupa ni Four at mabilis na lumapit kay Marie.

Tinignan ko naman sya, "Heal me while I die." Bulong ko at nagtataka naman syang tumingin sakin. Tumingin ako kay Hailey bago sa kanya, nang makuha nya ang sinasabi ko ay mabilis kong binitawan ang lupa.

Tumayo ako at kinuha ang mga natitirang lupa na may apoy, kung hindi ako nagkakamali... Air can manipulate fire, kaya nyang palakasin o pahinain. Hindi ko pinahalata sa kanya ang paggalaw ng mga apoy at nakatingin lang sa kanya.

Naramdaman ko ang matutulis na humahati sakin, air blades. Pero nararamdaman ko din ang unti unti kong paggaling, tumingin ako sa kanya at nang makitang iilang hakbang na lang kami sa isa't isa.

"Kill me then," bulong ko at nagpakawala sya ng malakas na hangin pero kasabay nun ang paghagis ko ng elements-

*******

Ash's POV:

Walang nagsalita samin dahil sa intense na ginagawa ni Fire, unti unti syang lumalapit sa air user. Mabilis akong tumingin kay Marie at Hailey at nakitang nakaharap ang kamay ni Hailey kay Fire.

Bumalik naman ang tingin ko kay Fire, "I think..." Narinig kong bulong ni Aj pero hindi ko sya pinansin, hindi naman kasi nagiisip ang isang yan, mema lang talaga. "I think she's aiming for a better shot."

"Ano na naman bang sinasabi mo?"

"You know, just like in basketball, para sureball ka, lumapit ka sa ring."

"Ha?"

"Just watch." Nakita ko na puro dugo na si Fire, napahigpit naman ang hawak ko sa table ng nasa harapan ko, nang iilang hakbang na lang si Fire ay nagulat kami sa sinabi nya, "Kill me then."

Napapikit ako pero mabilis akong hinampas ni Aj kaya napamulat ulit ako, kahit kelan talaga epal ng isang 'to! Napatingin ako sa stage at nakitang puro usok lang, wala pa ding nagsasalita sa audience.

Miski ang mga profs namin ay naga-abang, miski nga si AJ shut up sya e. "One of the twins, Hail of junior-B, out!" At tila biglang may nagsabog ng confetti at narinig ko ang ingay ng madlang people.

"WAAAH! NANALO SILA, NANALO SILA!" Pero wala pa din palang tatalo sa bunganga ni AJ, agad kong kinuha ang papel na malapit sakin at sinubo sa bibig nya. Agad naman nya yung dinura at napangiwi ako.

May kasama pang laway e, kadiri! "Hoy, ano na naman bang problema mo?" Masungit nyang tanong pero hindi sya sakin nakatingin. Nakatingin sya sa stage kaya hindi na lang ako sumagot.

Nang tuluyang mawala ang usok ay nakita ko si Fire na nakaluhod, "Hailey of junior-C, out!" Napatingin ako kay Hailey na walang malay. For sure hinigit ni Marie ang lakas ni Hailey dahil nalagyan nya yun ng puppet strings.

"The winner of the team battle, team of Four!" Mas lalong lumakas ang ingay sa paligid kaya napatakim ako sa tenga. Minsan talaga mga epal ang mga tao dito e. Parang kelan lang takot na takot sila kay Fire.

Ngayon mga epal na, "WOOOH! IDOL TALAGA KITA FIRE! WOOOH!" Pero ang pinaka-epal talaga sa lahat ng epal ay itong panget na katabi ko.

"Hoy, baklang epal, wag ka ngang maingay."

"Bakit hindi ka na lang din mag-ingay? Epal na 'to."

"Ikaw ang epal dyan e! Baklang epal!"

"Ikaw kaya ang epal, di naman ikaw sinisigawan ko ah!"

"E syempre katabi mo lang ako, ako pinaka-affected!"

"Arte mo! Manhid manhid mo nga tapos affected affected ka pa dyang nalalaman! Don't me nga, epal na 'to."

"Dami mong sinasabi, baklang epal!"

************
Fire's POV:

Nanghihina akong tumingin kay Marie at nakitang nakatingin na sya sakin. Mabilis nya akong niyakap at inalalayan patayo, "Thanks for planning all this." Sabi nya at ngumiti naman ako. Ang plano talaga namin e si Four ang huling kakalaban.

One thing i've learned, you gotta let other members lose so the whole team would win. Nakita ko naman na naga-abang na samin sa labas ang iba naming member;

"Nice one, Fire!"

"Good job, guys!"

"Ang galing natin guys, hihi!"

"Group hug!" Sigaw ni Anna at mabilis akong hinigit, naramdaman ko naman ang bigat nang iba. Ilang segundo din kaming magkakayakap ng may tumawag samin, nandun ang mga profs namin.

Nginitian naman nila kami, "Job well done, students. You have earned 3+ of your levels." Napatingin naman ako sa ID ko at nakitang level 4 na ako. Nagiritan naman sila Anna kaya napangiti ako.

"Good job guys." Bati ko sa kanila at tinginan naman nila ako, "Thank you for believing na paplano ang plano ko." Sabi ko at nginitian naman nila ako. Umalis na ang mga profs at nagpaalam na din ang iba naming miyembro.

Napabaling ang tingin ko kay Four na may paso pa sa braso, "You did well, Fire. You did well."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon