Fire's POV:
Turns out it's a draw, no one got the extra levels. Walang champion at ngayon ay nakabalik na kami sa Academy. Nakakapagtaka din dahil tumatahimik si Ash kapag nandyan si AJ at Four, tinatanong ko naman sya pero wala lang daw yun.Si AJ naman todo kulit kay Ash pero hindi sya pinapansin ni Ash, "There's something wrong about them." Sabi ko habang nakapangalumbabang nakatingin kay Aj at Ash na naglalakad. Kinukulit sya ni Aj pero snob ang lola mo!
"I think Ash is feeling awkward to Aj," Sabi ni Four kaya tinignan ko sya. Nagkibit balikat sya at tinignan ako, nasa cafeteria kami dahil lunch at hinihintay namin na makalapit sila Ash. Nakita ko namang pumila na sila sa cashier.
Bumalik ang tingin ko kay Four, "What do you mean? Awkward? But why?" Sunod sunod kong tanong at nakita ko namang tumingin si Four kayla Ash. Ginaya nya ang pangangalumbaba ko at tinignan ako,
"I may not be a love expert, but I think AJ did something during our battle." Sabi nya kaya napatinign ako kayla Ash ulit. Pwede! Pwede! Kasi matapos naming magusap ni Four, nakatitig pa din si Ash sa kawalan.
Tapos wala dun si Aj, nasa labas na sya. Kaya naging draw ang laban namin, natalo si Aj at natalo naman ako. Ano namang ginawa ni AJ na nakapagpa-awkward kay Ash?
"Hala, iyan na sila! Act normal, nakakahiya naman kapag nalama nila na pinag uusapan natin sila-"
"Pinaguusapan nyo kami?"
"Aba syempre hindi!" Sigaw ko at napatingin sa likudan ko, "Oh Ash, AJ! Andyan na pala kayo, tara na! Kain na tayo, hehe." Full f energy kong sabi, syempre act normal nga diba. Nagkatingin naman sila Ash, napakunot ang noo ko nang mamula si Ash.
Agad kong binalingan ng tingin si Four, napangisi sya kaya mas napakunot ako ng noo. Yung ngisi nya kasi, parang ngisi ni Aj nung nasa clinic ako during retreat. "Hey, Aj." Pagbati nya at umiwas naman ng tingin si Aj.
"Hala, sige. Kain na tayo!" Masaya kong sabi at pinaupo si Ash sa tabi ko, nasa harapan ko si Four kaya sinipa ko ang paa nya. Tinignan naman nya ako at nginuso ko naman si Aj, "Umupo ka na, Aj."
Nang makaupo si Aj ay tahimik kaming kumakain, nagkakatinginan kami ni Four at nagtuturuan kung sino unang magsasalita, "Aj? Four?" Napalingon naman kami ni Ash mula sa likudan naman.
Sino naman ang mga 'to?
"Kyla? Jamie?" Tanong naman ni Aj at Four, mas kumunot ang noo ko ng hindi nila kami pansinin. Kyla? Jamie? Sino naman ang mga yun? Napatingin ako kay Ash at nakakunot din ang noo nya.
Siniko ko naman sya kaya napatingin sya sakin, "Childhood friends silang apat." Bulong sakin ni Ash, nakatalikod pa din kammi sa kanila at rinig ko ang pagkamustahan nila. "Umalis sila dito kasi may long term mission sila."
"Isa sila sa mga matataas din ang level, Kyla controls time and Jamie controls gravity. To be honest, they're a great time." Sabi nya kaya napabaling ako kayla Four. Nakayakap si Kyla kay Aj kaya napatingin ako kay Ash.
Para namang wala lang sa kanya yun kaya nagkibit balikat na lang ako, "This is Ash and Fire." Pagpapakilala samin ni Four, tinignan ko naman sila Kyla at tumango. Habang si Ash parang walang paki.
Sobrang weird ng atmosphere, para may mali kay Ash.
"You know what, you guys should catch up." Sabi ni Ash at tumayo na kaya tumayo din ako. Alangan namang magpaiwan ako dito! Edi ako lang OP samin, ayoko nga! Hindi na namin hinintay ang sasabihin nila Four at umalis na.
Agad ko namang inakbayan si Ash ng mawala na kami sa paningin nila, "So, tell me. Sino si Kyla kay Aj at ganyan ka?" Tanong ko sa kanya, agad namang lumayo si Ash sakin at tiningnan ako na parang baliw.
"What? Look, wala akong paki kung mag-ex sila. I really don't! Ayoko lang ma-op kaya mas okay kung umalis na tayo dun." She reasoned out, tumango na lang ako at inakbayan syang muli. But her eyes told otherwise.
Nang makarating kami sa room namin ay konti pa lang ang estudyante, sabagay may 10 mins pa kami. "Ash, diba medyo matagal ka na din dito? Bakit hindi mo close sila Kyla?" Tanong ko nang makaupo kami sa kaduluhang upuan.
"They left before I got here, nakilala ko si Aj dahil nagdadrama sya. Three years din sila ni Kyla kaya sobra syang nasaktan. First love nya yun, and you know how they say it, first love never dies." Bored nyang sabi at umubob na sa desk nya.
Napabuntong hininga ako at nakapangalumbabang tumingin sa bintana. Kung si Kyla at Aj may past? Ano meron kay Jamie at Four? Napailing naman ako sa naisip ko, ano namang paki ko diba?
"Omg, I can't believe na mas lumaki muscles mo!" Napalingon ako at nakita si Jamie na hinahawakan ang braso ni Four. Tumawa naman si Four at inakbayan nya, hala sya? Napaiwas naman ako ng tingin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ash, "Ash," Tawag ko at humarap naman sya sakin kahit naka ubob pa rin sya. "Ano meron kay Jamie at Four?" Bulong ko at tinignan naman nya sila Four bago tumingin ulit sakin.
"Hindi ko alam, si Aj lang ang nagkekwento sakin. Hindi ko din naman tinanong si Four dati, sa kanya mo na lang itanong." Bulong din nya kaya nakapangalumbaba akong tumingin ulit sa bintana.
Hindi tulad nang dati, sa unahan umupo sila Four ngayon. Ang arrangement nila; si Four, Jamie, Kyla, then Aj.
"Grabe Aj, pumogi ka ngayon ah!"
"Ikaw ang pangit mo pa din."
"Ay, naman 'to e! Hilig mo pa din mang asar."
"Oy, Four. Libre mo na ulit ako gaya nang dati ah?"
"Oo naman, lakas mo kaya sakin!"
Umubob na lang din ako kagaya ni Ash dahil sa ingay nilang apat, akala mo naman sila ang nasa room e. Bwisit!
"Good afternoon, Class."
Tumunghay na kami ni Ash ng marinig ko ang prof namin, syempre boring na naman ang class dahil personal development ang paguusapan. "Today we will talk about relationships." Napairap naman ako dahil sa sinabi ng aming prof.
"But first, how can you tell that you're inlove?" Tanong nya pa at tumingin samin, madaming nagtaas at tinawag naman nya si Kyla. "Pag bumibilis tibok ng puso mo kahit makita mo pa lang sya."
Napalingon naman ako kay Four at napahawak sa puso ko, "Kapag nagaalala ka sa kanya." Naalala ko naman ang nangyari sa final battle namin during retreat. "Kapag naiinis ka dahil may kasama syang iba." Napabaling ang tingin ko kay Jamie.
"Good, now, how can you define if the relationship is good or bad?"
Nawala na ang mga boses nila at nakatingin na lang ako sa labas, kung check lahat ng sinabi ni Kyla.... Ibig bang sabihin nito...
Pero hindi e.
Paano naman nangyari yun?
Impossible!
Pero kasi e....
Yung puso ko... sinasabi na gusto ko sya, gustong gusto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!