Peculiar Chapter 17

198 11 0
                                    

Fire's POV:
"And the winner for this activity," nag-drum roll naman kaya napatingin ako kay Ash. Nginitian naman nya ako kaya tumango ako. "The team of Four, Fire, Ash, Aj, Bale, and Scarlet!" Lumawak naman bigla ang ngiti ko.

So, maybe falling wasn't a bad thing, "WAAAAH! PANALO TAYO!" Rinig kong sigaw ni AJ at iika ika naman kaming pumunta sa harapan ni Ash, pati pala sya nagka-aksidente. Buti na lang at okay lang sya.

"Oh, picture picture!" Sabi ng mentor namin kaya nag-compress kami, nagulat naman ako ng bigla akong akbayan ni Four. Napatingin ako sa kamay nya at mabilis na napailing, nababaliw na talaga ako.

Napanganga naman ako ng biglang hawakan ni Four ang ulo ko at guluhin 'yon, kasabay nun ang pag-flash ng camera. Waaaah, punyeta! Nakanganga ako tapos ipo-post sa board namin sa school.

"Okay, students. Gather around!" Sunod na sabi ng aming mentor, hapon na ngayon at palakas na ng palakas ang hangin. Naglapitan naman ang mga estudyante, "For our last activity, dual battle."

Malakas ang bulungan nila at miski sila Ash ay nagchi-chismisan na din. "Yes, battle. This is not just about fun, students. I want you to learn something, strategies for example." Sabi nya at mas lumakas naman ang ingay.

"The winner will receive 2 plus on their levels." Sabi nya kaya humina ang bulungan at nagusapan na tungkol sa paggamit ng kapangyarihan. Ako naman ay naga-abang lang nang sasabihin ng aming mentor.

Tinaas nya ang kamay nya at kusang kumalas samin ang mga bracelets naming suot, muli kong naramdaman ang kakaibang lakas. "Well then, you may choose your partners." Napatingin agad ako kay Ash at nakatingin din sya sakin.

After a month, naging level 10 na si Ash at level 4 naman ako, wala naman kasi syang paki sa level level na yan pero alam kong matalino sya pagdating sa pakikipag-laban, "Partner tayo!" Sigaw namin sa isa't isa.

"Waaah, paano na ako?! Iiwan mo ko, epal?"

"Hoy baklang epal, dyan ka kay Four. Diba best friends kayo?"

"Oo nga naman baklang epal- ay etse Aj, tayo partners!"

Napatingin naman ako kay Aj at nakitang alam nyang wala syang choice. "Well then, after choosing your partners. Stay with each other then let the sensor be the judge." May lumabas na malaking screen at nakita ko ang iba't iba naming pictures.

"One lose and you're out." Anunsyo pa nang aming mentor. Napahawak naman sa kamay ko si Ash kaya hinawakan ko pabalik ang kamay nya. "Don't worry, we'll win."

Nagulat ako ng unang lumabas ang mukha ni Aj at Four, kalaban ang isang time user at isang sound wave. "Hala, sila Aj agad?" Takang tanong ni Ash at tinignan si Aj. "Baklang epal, wag kang papatalo. Maglalaban pa tayo!"

"Kung yan ang tinitibok ng puso mo, why not?"

"Yang mukha mo papatibukin ko e."

"Di naman ikaw kinakausap ko, si Fire kaya."

"Oy, wag mo nga akong idamay dyan!" Tanggi ko naman at nagmake face naman sya. Natawa ako at mas natawa pa ng higitin siya ni Four sa collar nya. Inabangan namin sila hanggang sa makapasok sila sa stage.

Tama lang ang laki nun at may wall na nakapalibot dun, "Good luck, students." Anunsyo ng aming mentor at lumabas na ang countdown. Hindi naman ako dapat kabahan diba, kasi kayang kaya ni Four yan.

Nagulat ako ng bago pa mapabagal ng time user ang oras ay nabalutan sya agad ng force field. Napalingon ako sa may sound wave at nakitang sumigaw na ito. Napatakip si Aj at Four kaya napakapit ako sa dibdib ko.

"Baklang epal, galingan mo!" Sigaw ni Ash at parang narinig naman yun ni Aj dahil biglang pinalibutan ang ulo ng sound wave user at napahawak sya sa sarili nyan tenga. 

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon