Fire's POV:
Napatitig ako sa salamin habang nakangiti, naiinis kong kinuha ang unan na malapit sa kama ni Ash at umirit. Ano bang nangyayari sakin?! Pakielam ko kung cute ako kapag ngumingiti. Naman e!"Fire," Napalingon ako at nakitang tapos na si Ash maligo, "Bakit pulang pula pa din mukha mo? Kahapon pa yun nung sinabi ni Four yun ah!" Sabi nya at natatawang umupo sa kama ko. Binato ko naman ang unan at nasambot nya yun.
Napabuntong hininga ako at kinuha na ang blow dryer, "Nakakainis naman kasi, bakit kaylangan nya pang sabihin yun?!" Inis kong sabi at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ash.
"Ano namang masama sa sinabi nya-"
"Masama? Yung mismong line na sinabi nya ang masama!"
"But you are cute-"
"Oh cut that bullshit, I am not-"
"But you are, Fire. You are."
Napabuntong hininga na lang ako at nakitang tuyo na ang buhok ko. "Let's just go, magaaral pa ako para sa exam ni Mr Leekwood." Sabi ko at tumango naman si Ash bago kunin ang bag nya kaya kinuha ko na din ang bag ko.
"Sila yung may task ngayong week sa dungeon?"
"Oo, I heard na napakawalan nila ang isang dark element."
"Yeah! I saw her, kung wala si Four for sure wala na yan."
"Shh, dadaan na sila."
Napabuntong hininga ako, ilang araw na yun ah. Bakit hindi sila maka-move on? Ganun ba kahirap ang mag-move on? "Don't let them get under your skin." Bulong ni Ash kaya tumango na lang ako.
"Hey, Ash!"
"Oh great, the jerk of the year."
"Aw, babe!"
"Wag mo nga akong i-babe babe!"
"But whyyyyy?"
"Stop it, you moron!"
"Aw, babe!"
"Isa pa talaga ha-"
"Tumigil na nga kayo!" Napatigil din naman ako ng may kasabay akong nagsalita, paglingon ko ay nakita ko si Four kaya biglang nag-init ulit ang pisngi ko. Tinignan ako ni Ash at nanlaki ang mata.
Agad akong kumuha ng libro at iniharang sa mukha ko, "Fire," Rinig kong tawag ni Four pero hindi ko sya tinignan at nagsimula nang maglakad. "Wait," Hinawakan nya ang balikat ko. "Baliktad yung hawak mong libro."
"Hala," Bulong ko at inikot ang libro bago magsimulang malakad. "Tanga mo talaga, Fire!" Bulong ko sa sarili ko at narinig na naman ang away ni Ash at AJ. Huhu, sana mas lakasan pa nila ang away.
Nang makapasok ako sa room ay napabuntong hininga ako, syempre kasunod ko nang pumasok ang tatlong kasama ko kanina, "Bakit hindi mo ako ngayon pinapansin?" Tanong ni Four sakin pero hindi ko pa din sya pinansin.
"Ang bulok mo naman sa pakikipaglaban."
"At least hindi baklang kagaya mo!"
"Hoy, hindi kaya ako bakla!"
"Yeah yeah, save your excuse."
"Totoo! Halikan pa kita dyan e!"
Pagtunghay ko ay nakita ko agad ang mukha ni Four kaya napa-atras ako at napasandal sa upuan ko. Lilingunin ko lang bali sila Ash e! "H-huy! Ano ba, umalis ka nga sa harapan ko. Baka dumating na prof natin."
"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong nya na seryosong nakatingin sakin kaya tinulak ko na sya. Gamit ang ability ko ay pinilit ko syang paupuin sa upuan nya, "Hey!" He exclaimed pero hindi ko sya pinansin.
Nang makaupo sya ay napatingin ako kayla Ash na nakatingin din sakin, "What?" Tanong ko at sabay silang umiwas ng tingin ni AJ. Napabuntong hininga ako ng bumalik sila ni AJ sa paghampasan.
"What's wrong with you?" Tanong ni Four mula sa likudan ko kaya naiinis ko syang hinarap, "Nothing! I... just don't feel well today." Sabi ko at nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang leeg ko.
Hinawakan naman nya ang leeg nya, "You seem fine to me... but you do look odd, your face is all... red." Sabi nya kaya umiwas na ako ng tingin, mabuti na lang ay dumating na si Ms Layla at nasimula nang magturo.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Fire."
*********
"Ano ano ang kapangyarihan ng nasa kabila?" Tanong ko kay Marie, magkakasama kaming lima ngayon sa isang gazibo habang ako naman ay may hawak na notebook. Nililista ko ang mga information tungkol sa kabilang panig.Tumingin naman si Marie sa labas, "Ang alam ko si Jamie na leader nila ay kayang control-in ang weather." Tumango tango naman ako, "Ang apat nyang miyembro ay level 30-40 kaya mahihirapan tayo."
"Cut that shit, hindi tayo mahihirapan dahil lang mas mataas ang level nila. It depends on our strategy." Sagot ni Four kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Tama sya, parang si tom and jerry, malaki si tom pero madiskarte si jerry.
Napahawak naman ako sa baba ko, "Anong abilities ng apat?" Tanong ko kaya naagaw ko na ulit ang atensyon nila. "Hailey have the ability to heal," Tumango ako at sinulat 'yon. Mahihirapan kami kung may healer sa kanila.
"Yael, he can shape shift to any form." Kung may isang shape shifter, ano ang pwede kong gawin para mapigilan sya? "And the two last members are the twins, they can combine their powers together."
Tumango ako at patuloy pa din sa pagsusulat, "The other one have the ability to control water, and the other one have the ability to control air." Napalingon ako kay Four at nakitang nakatingin sya sakin.
"That all for today," Pahayag ni Four kaya tumayo na silang lahat maliban sakin. Wala akong maisip na strategy, mahihirapan kami! Kung nagkataon na matalo kami, ako ang mapapahiya. Sa harap ng buong academy.
Nagulat ako ng biglang may humampas sa table, "Kung pangungunahan ka ng takot, una pa lang talo na tayo." Sabi ni Four bago umupo sa tapat ko, napatingin naman ako sa kamay nya bago sa kamay ko.
"I just don't know how to be a leader." Nahihiya kong sabi at tinignan ko si Four, nagulat ako ng ngumiti sya at guluhin ang buhok ko. "Everybody can be a leader." Sabi nya bago tumayo at tumalikod sakin.
Bago sya umalis ay may sinabi pa sya, "Just look at a different angle." Sabi nya bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga ako at tinabingin ang ulo ko.
Different angle....
Napasinghap ako ng makitang nagpalabas ng fire at water si Four.... "Pwede kayang..." mabilis kong kinuha ang papel ko at nagsimulang i-drawing ang stage na paglalabanan namin. Tama si Four, hindi ako dapat pangunahan ng takot.
"Ngayon, anong pwede kong gawin para mapigilan si Hailey sa pag-heal, matalo ang twins, paliitin ang shape shifter, at patumbahin ang leader nila?"
Muli akong tumingin sa pinuntahan ni Fire at tumayo- "Ouch!" Ungol ko ng bigla akong mauntog at naglaglagan ang mga dala ko. Naiinis naman akong yumuko at kinuha isa isa ang mga gamit ko-
Tumingin ako sa damuhan at sa field, sunod kong tinignan ang mga lupa at mga taong naka tayo dun, "Different angle!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!