Ash's POV:
"Baklang epal, nasan na ba kasi tayo?" Inis kong tanong habang tinitignan ang likod nya, ang yabang yabang kasi! Magyaya ba naman ng adventure sa forest, tapos ililigaw lang pala nya kami.Naka-pout na humarap sakin si Aj, "Tigilan mo ko ha! Ang yabang yabang mo naman kasi, nagyaya ka pa dito. Tapos ikaw pa magliligaw sating dalawa?!" Inis kong reklamo sa kanya at para syang aso na inaaway.
"Sorry na nga, epal e. Kasi naman paepal yung mga puno, bakit magkakatulad sila?!"
"Ano gusto mo? Different colors?"
"Bakit? Hindi ba pwede yun?"
"Hindi ka special para pinturahan pa yang mga puno para sayo!"
"Epal naman e!"
"Yan yan yan, nababakla ka na naman!"
"Gabi na kasi huhu, dapat makalabas na tayo dito. Sayang naman yung pag-book natin sa hotel, dapat nagha-hot shower na ako e-" Agad ko syang binatukan at nagrereklamo nyang hinimas ang batok nya.
Paawang tumingin sya sakin, "Hay nako, baklang epal. Isusumbong talaga kita kay Sr Fare! Ikaw pa pasimuno na maghiwa hiwalay tayo ah!" Sabi ko at hinawakan naman nya ang braso ko ng magsimula na akong maglakad.
"Bakit ako??? Si Four kaya sisihin natin? Sila naman kasi unang nawala, ginaya ko lang sila." Inusenteng sabi nya kaya hinampas ko ulit sya, minsan talaga walang kwenta kausap ang isang 'to e.
Dahil mas matangkad sya sakin, nakasandal ang braso nya sa ulo ko habang hawak hawak nya ang baba nya. "Paano tayo makakalabas dito?" Tanong ko, syempre sarili ko lang kakausapin ko. Wala kayang kwenta kasama ko, pasalamat sya gusto ko sya.
"Oh? Bakit namumula pisngi mo? Nilalamig ka na ba? May kumagat ba sayo?" Iniwas ko ang mukha ko ng balak nyang hawakan yun, nakakainis talaga kausap ang isang 'to. Umiling ako at nagsimula ng maglakad.
Kumunot ang noo ko ng may makitang ilaw, "Aj! Ayun oh, tignan mo! May ilaw, ibig sabihin malapit na tayo sa city." Masaya kong sabi pero hindi nagsalita si Aj. Tinignan ko sya at nakitang nakayuko lang sya.
"Anong problema mo ha, baklang epal?"
"Wala... Tara na, baka may kumagat pa sayo."
"Ang gulo mo minsan kausap." Sabi ko at nagsimula na ulit maglakad, naramdaman ko ang pagpalibot ng force field nya sa katawan ko, "A-anong ginagawa mo?" Tanong ko at tinignan ang katawan ko.
Nagkibit balikat naman sya, "Kahit maliit na langgam hindi ka pwedeng galawin hanggat kasama mo ako." Napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko tinignan si Aj, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I-iyan na yung ilaw." Anunsyo ko ng makita ang punong una naming pinasukan, ito na nga. Makakalabas na kami! Yes, buti na lang ang galing kong maghanap. Masaya kong nilingon si Aj pero nakayuko na naman sya, bumubulong pa sya sa sarili nya.
Ano bang problema ng isang 'to?
"Pilit ko na nga tayong niligaw para magkasama pa tayong dalawa ng mas matagal, di ko naman alam na mahahanap mo pa din yung pabalik. Kainis!"
********
"Nandito na ang dalawang epal!" Napatunghay kaming dalawa ni Aj ng biglang sumigaw si Kyla, aba. Kami lang pwedeng magtawagan ng epal sa isa't isa 'no!Magsasalita na bali ako pero naunahan ako ni Aj, "Hoy! Kami lang magsasabi ng epal sa isa't isa. Wag ka nga, diba epal?" Siniko ako ni Aj kaya napatango na lang ako, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Pulang pula ka, Ash! Anong problema?!" Nagaalalang tanong ni Tifany kaya napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Halaaa, ang bakla kong tignan! Si Aj kasi e, inis akong tumakbo papunta sa banyo.
Pagpasok ko sa banyo ay napahawak ako sa puso ko, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. "Hoy Ash!" Napahawak ako sa puso ko at nakita si Fire na palabas sa isang cubicle. Napahawak ulit ako sa pisngi ko dahil baka mapansin nya.
"Anong nangyari?" Tanong nya sakin kaya tinignan ko sya- nanliit ang mata ko ng makitang mas mapula pa ang mukha nya sa mukha ko. Hanggang tenga ang pula nya at dahil naka-pony sya, kitang kita yun.
Tumaas naman agad ang kilay ko, "Details, now!"
Matapos ng mahabang kwento namin sa isa't isa ay pulang pula kaming lumabas sa banyo, paglabas namin ay may bonfire at nakaupo dun sila Aj. Kinawayan ako ni Aj kaya kumaway ako pabalik.
Lalagpasan ko na bali sya pero hinigit nya ako paupo sa tabi nya, "Hala, wala ka ng upuan, Fire!" Sabi ni Tifany kaya tumingin kami sa paligid, oo nga. Wala ng mauupuan si Fire, "Okay lang yun, sa lupa na lang ako uupo-"
"She do have a seat." Nagulat si Fire ng bigla syang higitin paupo ni Four..... sa laps ni Four. Napatigil si Fire at sobrang laki ng mata nya kaya natawa si Four, hindi ko din napigilan ang sarili ko at natawa na din.
Tumayo naman agad si Aj kaya muntik na akong malaglag, bwisit talaga ang isang 'to! "Fire, ikaw na maupo dito, ako na kakandong kay Ash-" Sinipa ko sya kaya napaupo sya at namimilipit sa sakit.
"Hoy, baklang epal. Tumigil ka na nga, pasalamat ka wala dito mga mentors natin. Kung sakali sasabihin ko sa kanila mga kalokohan mo-"
"Ba naman, Ash! Hindi na nga, tatahimik na ako dito huhu."
"Dapat lang, umayos ko ha! Wag kang pabakla bakla dyan-"
Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi, miski sila Kyla ay napatigil. "Hindi kaya ako bakla, gusto mo araw araw pa kitang halikan-" Syempre sinikmuraan ko sya kaya agad syang napatigil at namimilipit sa sakit na yumuko.
"Hehe, wag nyo na lang pansinin si Aj. Sadyang papansin lang sya at isang malaking gwapong paepal." Sabi ko at tumawa naman silang lahat, pero seryoso naman ako sa sinabi ko. Natatawang umayos ng upo si Aj kaya napakunot ang noo ko, sabing seryoso ako sa sinabi ko ah!
Inakbayan ako ni Aj, "Ikaw ha, gwapo pala ako sa paningin mo. Hihi, ikaw naman e!" Kinikilig na sabi ni Aj at tinulak tulak pa ako bago ako higitin ulit palapit sa kanya. Sinabunutan ko naman sya at nilayo ang mukha nya sa mukha ko.
Iba talaga kapag epal, baklang bakla!
Tumayo kaming lahat ng dumating ang dalawa naming mentors, "Students, we don't have much time now. There's.... there's an emergency, we leave at dawn. Go to your rooms and sleep." Seryosong sabi ni Sr Quil kaya kumunot ang noo ko.
Anong emergency?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!