Peculiar Chapter 12

231 12 0
                                    

Fire's POV:
"AHH!" Irit ko ng makita ko ang calendar, napatayo naman si Ash mula sa pagkakahiga habang nakapikit pa din. "A-anong problema? Bakit ka sumisigaw?" Antok nyang tanong bago kusutin ang mata nya.

Muli akong napatingin sa calendar, "Ngayon na ang laban namin, huhu." Nanghihina kong sabi at bigla namang nanlaki ang mata ni Ash. Agad syang lumapit sakin at sabay naming tinignan ang kalendaryo.

"Woaaaah! Oo nga 'no?! Galingan mo ha, Ichi-cheer kita ng bonggang bongga kaya dapat galingan mo!" Sabi nya bago sundutin ang tagiliran ko kaya napabuntong hininga ako, nakita naman nyang hindi ako masaya kaya tumigil sya.

Umupo ako sa kama at tumabi naman sya sakin, "Cheer up, it's just a battle. And whatever happens, you'll always be a winner." Sabi nya bago ako akbayan kaya napangiti naman ako. Buti na lang at naging kaibigan ko si Ash.

"Hey," Pagtawag ko kay Ash ng tumayo na sya at pumunta sa banyo. Lumingon naman sya sakin kaya ngumiti ako, "Thank you."

Nang makapag-ayos na kaming dalawa ay napatingin akong muli sa calendar, "First battle ko na ngayon." Bulong ko sa sarili ko bago tignan ang kamay ko. Sana lang ay magawa namin nang maayos ang lahat.

"Good luck, Fire." Sabi ni Ash kaya tumango tango ako at sabay kaming lumabas ng room namin. Lahat nang madaanan ko ay sinasabihan ako ng good luck at galingan namin kaya mas dumoble ang kaba ko.

Pagkalabas namin nang dorm ay nakita ko agad si AJ, suot nya na agad ang mapanloko nyang ngiti. "Ash, babe! Fire, 'ma men!" Bati nya samin at nakipag-fist bump pa sakin. Nang hindi sya pansinin ni Ash ay napakamot sya sa ulo.

"Sabi ni Four ngayon na daw laban nyo, good luck!" Sabi nya at nagsimula na kaming maglakad. Nakita ko naman si Four sa di kalayuan, kasama nya si Harry.

Nang malampasan ko sya ay nilingon ko sya, hindi naman nya ako pinansin kaya kumunot ang noo ko. "Uyyy, hindi sya pinansin ni Four!" Asar ni AJ kaya sya naman ang tinignan ko- "ARAY!" Sigaw nya ng bigla syang sikuhin ni Ash.

"Thanks, Ash!" Nag-apir pa kami ni Ash habang si AJ naman ay namimilipit sa sakit, lakas siguro ng impact. "Pero Fire, bakit hindi ka nga pinansin ni Four? Hindi ba't magkaibigan na kayo?"

Nagkibit balikat ako at pumasok na lang sa room, hindi ko din alam kung bakit ako hindi pinansin kanina ni Four. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa harapan, mamayang hapon na ang laban namin.

Sana naman makaya namin- napalingon ako sa pintuan ng makita ko si Four pero kausap nya si Marie at Anna. Tango naman ng tango sila Anna kaya kumunot ang noo ko- "Uyyyy, si Fire! Nagseselos-"

"Ang epal mo, Aj! Alam mo ba yun ha? Sobrang epal mo, baklang epal!" Sigaw naman ni Ash at binatukan pa si Aj. Sumimangot naman si AJ at pikon na humarap kay Ash, may sasabihin pa bali sya kaso hinambaan na sya ni Ash.

Tumahimik sya at nakapangalumbabang tumingin kayla Four, "Hindi naman sya kinakausap ko, sasagot sagot sya." Para syang bata na inaway kaya natawa naman ako, ang cute talaga nila tignan.

"Thank you, Four." Rinig kong sabi ni Anna bago sila umupo sa kanya kanya nilang upuan. Nang maramdaman ko si Four na umupo na ay hindi ko din sya pinansin. Akala nya sakin?! Hindi kaya ako epal kagaya ni Aj.

Nang dumating na ang prof namin ay naramdaman ko ang paglapit sakin ni Four, "Galingan mo mamaya."

***********
Hindi ko pa din pinapansin si Four at pumunta sa loob ng girls bathroom, nakita ko namang sumunod sakin si Marie at Anna. "Hey," Bati sakin ni Anna kaya ngumiti naman ako. "Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Four?"

"It's just that," Sabi ko at humarap sa salamin. Ngayon ko lang napapansin na namumutla ang labi ko. "We're not in the mood to talk." Sabi ko at nagsimula nang mag-pony. Nag-pony na din naman sila.

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon