AJ's POV:
"Aj, protect the juniors." Utos sakin ni Ms Narzabal kaya mabilis akong tumango sa kanya at tumakbo palapit sa mga estudyante. Nilagyan ko sila ng force field, isang outer shield at inner shield.
Ramdam ko na ang pagod pero pinipilit ko pa din, "Students, this would protect you but not until the war is over. Kaylangan nyong makipaglaban kapag nasira na ang shield, naintindihan nyo ba?"
"Yes, kuya Aj."
Mabilis akong tumakbo sa gitna ng labanan, lahat ng makita kong peculiar ay nilalagyan ko ng shield. At unti unti kong nararamdaman ang paghina ng katawan ko, "Stop. You're abusing yourself." Lumingon ako at nakita si Ash.
"And you're not?" Tanong ko dahil sunod sunod na tornado ang pinapakawalan nya, walang tigil. Tumingin sya sakin at binaba ang kamay, "After this, I'll tell you something important. So do me a favor, stay alive."
Pinanood ko syang lumipad paalis hanggang sa makapitan nya si Four, binaling ko na ulit ang atensyon ko sa mga kalaban pero hindi ko maiwasang pakinggan ang tibok ng puso ko. Now, I have to stay alive-
"AHHH!" Napalingon ako kay Fire, nanlaki ang mata ko ng may tatlong papalapit na dark element sa kanya, shit! Mabilis akong lumipad papunta sa harapan nya at shineldan sya. Ramdam ko ang panghihina ko kada hampas ng dark elements.
Tinapik tapik ko si Fire gamit ang isa kong kamay, "Fire... I can't keep us safe anymore. Nanghihina na ako, ikaw na ang magliligtas sating dalawa." Nanlaki ang mata nya kaya hinawakan ko sya sa balikat.
"Importante sakin ang mabuhay ngayon, Fire. So please, save me." Sabi ko at unti unti kong naramdaman ang pagcrack ng shield ko, kasabay nun ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Shit, sobra na akong nanghihina.
Kasabay ng pagbagsak ko ang pagkawasak ng shield ko, "AHHH!" Napalingon ako kay Fire at nanlaki ang mata ko ng bigla syang mag-pure white ang mata. H-hindi kaya... Impossible! Napayuko ako ng biglang sumabok ang tatlong dark elements.
"Aj, okay ka lang ba?" Napatingala ako kay Fire at tumango, tinulungan nya akong tumayo dahil nanghihina pa din ako. Tumingin muli ako sa paligid, "Para maisara ang portal, kaylangan mo ng peculiarity na kayang kumontra sa space." Sabi ko at tumingin sa paligid.
Tinignan naman ako ni Fire, "I know! May kakilala akong dalawang babae na nakocontrol ang space at gravity." Sabi nya bago tumingin sa paligid at nagsimulang maghanap.
"Ikaw humanap, I'll shield the portal at susubukan kong paliitin pa lalo." Sabi ko at tumango naman sya. Mabilis syang tumakbo papunta sa magulong labanan, humarap naman ako sa portal at tinaas ang kamay ko.
Ramdam ko ang patak ng dugo mula sa ilong ko pero hindi ako tumigil, "Stop.." may narinig akong bulong pero sobrang hina lang, hindi ko na lamang pinansin. Mas importante na makatulong ako- "AHHH!"
Napahawak ako sa likod ng biglang may humampas sa likod ko at napaluhod, "Fuck!" I cursed at humarap sa likod pero walang tao dun, "Sino ka?!" Sigaw ko at tinaas ang kamay ko, muli akong napalingon sa portal ng may muling naglabasan na dark elements.
"Shit shit shit!" Mura ko dahil hindi ko mashieldan ang portal- "AHHH!" Nagulat ako ng bigla akong lumipad at humampas sa isang old building ng school... bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita kong may isang tao na pumunta sa harapan ko...
******
Four's POV:"Ash, ikaw ng bahala sa laban dito sa taas, bababa ako para tulungan sila Headmaster." Sabi ko sa kanya at tumango naman sya sakin bago magpakawala ng air knifes. Nakita ko si Fire na parang may hinahanap.
Agad ko syang nilapitan, "Who are you looking for?" Mabilis kong tanong at agad naman nyang sinagot kaya lumipad ako habang hawak hawak ko sya. "Ayun!" Turo nya sa dalawang babaeng nasa sulok at nakikipaglaban sa isang dark element.
Tss, isa lang, ganun na nila katagal patumbahin?
"Help them, I have to help the Headmaster." Sabi ko at nagpakawala ng water dragon at dun naman sumakay si Fire. Hindi na sya nagsalita kaya lumipad na ako pababa, nakita ko si Headmaster na dinudumog ng iba't ibang dark element.
Talagang sya ang target ng mga ito, "Hey!" Sigaw ko kaya napalingon ang iba sakin, mabilis akong umatake ng isang fire phoenix. Tinaas ko ang lupang tinatapak ng Headmaster upang makawala sya sa mga atake ng dark elements.
"Salamat, Four." Sabi nya kaya tumango na lang ako at tumakbo palapit sa halos walong dark elements. Importante ang paaralan na 'to kay Fire, I need to save this.
Mabilis akong lumipad ng matulungan ko na ang Head, napatingin ako sa ibang teachers at nagpalipad ng fire phoenix, masyado na atang napapadami ang paglabas ko ng kapangyarihan kaya nakakaramdam na ako ng hingal.
This... this is more than just war.
**********
Fire's POV:"Help me close the portal!" Sigaw ko sa kanilang dalawa na ikinagulat nila, parehas ko silang nakikitaan ng matinding takot. Inabot sila ng limang minuto bago makapatay ng isang dark element kaya alam kong takot na takot sila.
Nagkatinginan muna silang dalawa, "S-si Kyla na lang isama mo, hindi ko kaya 'to." Mahinang sabi ni Jamie kaya napaabante ako, hindi namin kaylangan ng mahina ngayon.
"Tunay na laban 'to Fire, buhay ang kapalit kapag nagkamali kami." Sabi ni Kyla kaya hinawakan ko silang dalawa.
Sa totoo lang naiiyak din ako sa takot pero pinalakas ko ang loob ko, "Kaylangan natin 'tong gawin, kasi tayo lang makakagawa. Wag kayong matakot, magkakasama tayo dito." Kahit wala pa silang sinasabi ay lumipad ako kasama sila.
Nang makadating kami sa portal ay agad akong lumapit kay AJ, wala na syang malay. "Omg, sinong may gawa sa kanya nito?!" Sigaw ni Kyla pero hindi ko sya sinagot. Tumayo lang ako at lumapit sa portal.
"Susubukan kong pigilan ang paglabas ng dark elements habang sinisira nyo, magtulungan tayong tatlo dahil ikakamatay ng isa satin kung magpapabaya tayo. I trust the two of you, so trust me."
Tumango naman sila sakin kaya ngumiti ako, nasa gitna ako ng portal kaya tinaas ko na ang kamay ko habang may unti unting lumalabas na dark element ay pinipilit ko yun ibalik sa loob, "Now!" Sigaw ko at tinaas na din nila ang dalawa nilang kamay.
Naramdaman ko ang paglutang ng portal at ang paggalaw nito, unti unting lumiliit ang portal- "AHHH!" Sigaw ni Jamie ng biglang may sumabunot sa kanya. Nagulat ako ng isa iyong tao ngunit purong itim ang suot nya at may suot na mask.
"Ahhh!" Sigaw ko ng itapat ko ang kamay ko sa taong yun at lumipad naman sya. "Bilis..." Mahina kong sabi habang pinipilit na pigilan ang mda dark elements. Nasa apat na sila ngayon kaya sobra na akong nanghihina.
Napatingin ako kay Kyla na biglang namilipit sa sakit, "Someone's stopping me!" Sigaw nya kaya tumingin ako sa paligid at nakitang nalipad sa taas yung naka-itim. Bumitaw ako at naglabasan ang apat na dark element.
Mabilis ko silang pinalipad, "Five minutes bago may lumabas ulit, please, sirain nyo na." Pagmamakaawa ko bago lumipad at tumapat sa taong naka-itim. Hindi ko alam kung dark element ba sya o peculiar student.
"Sino ka?"
Hindi sya sumagot bagkus ay nagpalipad sya ng ice spikes kaya tumalon ako, isang peculiar. Nanlaki ang mata ko, "I-isa ka samin..." Bulong ko at ramdam ko ang dumaplis na matulis sa braso ko.
Tumingin ako sa kanya at hinagis ang dalawang malaking puno, iniwasan nya yun na parang wala lang kaya nanlaki ang mata ko. "Stop this now, hindi ito ang laban." Malamig na sabi nya, hindi ko maturing kung lalaki ba sya o babae dahil sa mask nya.
Pero alam kong kilala ko sya... kilalang kilala.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!