Peculiar Chapter 25

161 12 0
                                    

Fire's POV:
"Since Tyrone's team won, magkakaroon sila ng upgrade sa techniques." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng mentor namin, panalo na naman kasi sila Tyrone sa pangalawang laban. 2-0 kung baga.

Narinig ko na din ang bulungan na wala ng pag asa dahil mas lalakas pa ang grupo nila Tyrone, "Whoever wins the next match, will fight Tyrone's team again. Students, may the best peculiar win." Anunsyo ng mentor namin kaya napabutong hininga si Ash.

"Well, that's our cue." Sabi ni Jamie at tumayo na kami, kasabay ng pagtayo namin ang pagtayo din ng mga makakalaban namin, all girls ang laban. Nagsimula na silang pumunta sa stage kaya lumakad na din ako, naramdaman ko ang pagtapik ni Ash sa kung sino man.

Nang makarating kaming walo sa stage ay tinapik ako ni Kyla, "You good?" Tanong nya kaya nginitian ko sya at tumango. Tumingin ako sa kalaban, since lahat kami babae, mukhang pantay naman ang laban.

Isang fire user, nature user, invisibility, at shadow peculiarity.

"Gawin na natin ang plano kanina-"

"Pero hindi pa tayo ready."

"And when will we be ready? Kapag talo na tayo? Let's just do it." Napatingin kaming lahat kay Ash at walang sumagot. Nagsimula na ang countdown pero walang nagsalita samin, nagpapakiramdaman kami kung ano dapat gawin.

5....

4....

3....

2....

1...

"Let's win this!" Sabay sabay naming sigaw at kagaya ng plano namin, pinataas ko ang lupa at apoy na lang ang natira dun. Nakatapak ako sa isang bato kasama silang tatlo at magkakahiwalay na ang kalaban.

Naramdaman ko ang pagtaas ng apoy kaya tinginan ko ang fire user, mabilis na nagpakawala ng malalaking metal si Ash. Nadala naman ang fire user nun kaya biglang bumaba ang mga apoy.

"Okay..." Sabi ni Jamie kasabay nun ang paglaglag ng mga bato na tinatapakan ng kalaban, pabilisan sila sa paglipat ng bato at hindi sinasadya ng nature user na itulak ang shadow user kaya nalaglag ito at napalabas sa stage.

Tatlo na lang, "Let's go! Let's go!" Sigaw ni Kyla kaya nagsimula na din kaming tumalon sa mga bato. Hindi kagaya ng sa kabilang grupo, nagtutulungan kami sa pagtalon. Hinawakan ko ang kamay ni Ash at hinigit papunta sa nature user.

"Ahhh!" Agad kong hinawakan si Kyla ng muntik syang malaglag dahil sa fire user. Nagsisimula na naman ang pagtaas ng mga apoy kaya dapat matapos na ang fire user. Tinaas ko ang kamay ko at pumunta ang iba't ibang bato sa likod ko.

Hindi nakatingin sakin ang fire user dahil busy sya kakasangga sa batong sinisipa ni Jamie, "Ahh!" Sigaw nya at sunod sunod ang pagtama ng bato sa likod nya kasabay ng pagbawas ng lifeline nya.

"Now, this... is team work."

*******
"We won! We actually won!"

Niyakap ako ni Jamie kaya tinapik ko ang balikat nya, umakbay naman si Kyla kay Ash at pasimpleng umirap si Ash. Hindi pa din kasi mawala sa isip ni Ash na mag-ex si Aj at Kyla, napaka-possessive!

"But we're no match against the team of Tyrone." Sabi ko kaya napatigil silang tatlo, mukhang hindi pa nila naiisip ang next match namin. At ngayon ko pa lang nararamdaman ang kaba nila.

Lunch break ngayon kaya time namin para magpahinga, nandito din kami sa cafeteria. Nagbago ang lunch schedule nila Four kaya hindi namin sila kasabay. Nakakainis nga e, bakit kasi hindi kami nasa iisang training class.

"Madami silang nagiging plano, mukhang handa silang lahat sa pwede nating gawin." Sabi ni Jamie at nakapangalumbabang nilaro ang pagkain nya. Ginaya naman ni Kyla ang ginagawa ni Jamie kaya nagkatinginan kami ni Ash.

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon