Peculiar Chapter 10

240 13 0
                                    

Fire's POV:
"Sa hand to hand combat, you need your agility. Be flexible in every way you can think of, don't limit your movements." Bilin ni Four sa akin at nakatingin lang ako sa kanya habang sya e may hawak na stick. Nasa labas kami ngayon ng academy at nagte-train.

4 AM pa lang at syempre antok pa ako. "As a peculiar, nature natin ang hand combat. Kung mapapansin mo, para sa atin ang normal na mga tao ay mabagal." Naalala ko tuloy ang mga araw na pinrotektahan ko si Janine.

"Pero iba ngayon, ang kalaban natin ay isa ding peculiar. Kapantay natin sila sa bilis at lakas, so what do you think you should do?" Tanong nya at tinuro ako gamit ang stick na hawak nya.

Hinawakan ko naman ang baba ko at nagisip, "Ahm... be smart?" Patanong kong sagot at nagkibit balikat. Ngumiti naman sakin si Four, "Correct, you need strategies and I have notes for that."

"So... you expect me to memorize the strategies and what, just fight them?" Tanong ko at mahinang tumawa, gago ba 'to? E isang suntok pa lang ng mga kalaban tumba na ako for sure.

Napabuntong hininga naman si Four, "You may not know this, but our abilities make sure that we wouldn't get hurt. Let's just say na ang mga ancestors natin ay great warriors, namana natin sa kanila yun."

"So... you're saying that I should trust my guts-" Napa-bend ako ng biglang itusok sakin ni Four ang stick nya. Wow, ginawa ko ba talaga yun? Nagulat ako ng biglang gumalaw ang lupa at bumukas iyon.

Tumingin ako sa paligid at hindi nakita si Four, agad kong hinigit ang isang puno at sumabit dun, "Are you crazy?! Are you trying to kill me?!" Sigaw ko ng bumaba si Four mula sa pagkakalipad nya.

"I was trying to kill you, but I didn't." Natatawa nyang sabi kaya masamang tingin ang pinukol ko sa kanya, "You're ability wouldn't let me." Dugtong nya kaya napatigil ako at bumaba na sa sanga.

Tinignan ko ang mga kamay ko, "Look, Fire. You don't need training, you just gotta learn how to trust." Sabi nya at kinuha na ang bag nya. Napatingin ako at nakitang 5 AM pa lang. Hindi pa tapos ang training ah?

"But if you still need it, we'll continue tomorrow." Sabi nya bago maglakad paalis, napatingin ako sa likod nya at sa kamay ko. Woah, come to think of it, si Four pa ang nagturo sakin. Yung kinaiinisan kong tao,

Agad ko syang hinabol at hinawakan ang balikat, "Thank you."

********
Buong klase ay wala akong ginawa kung hindi mag-notes ng mag-notes para syempre pasado ako sa mga exams. Bait ko kayang student, hehe. "Hoy, ano yang dino-drawing mo?" Tanong sakin ni Ash.

"Doodle tawag dito,"

"Ah, bakit yan ginagawa mo? Hindi ba dapat nagli-list down ka nang mga tinuturo ni Mr Leekwood?"

"Ah hehe, mamaya na lang ako kokopya sayo." Syempre echos lang yung kanina, doodle lang ako ng doodle habang nagiisip. Siguro nga hindi ko kaylangan ng training pero bakit gusto ng sarili ko na mag-training.

Pasimple akong lumingon at nakitang naka-ubob si Four sa desk nya at natutulog, "Ms. Cole, is there anything you want to say to Mr delos Reyes?" Agad akong napaharap at nakita sa peripheral view na tumunghay si Four.

"Ah Sir, wala po... gigisingin ko lang bali si Four, natutulog po kasi." Pasimple kong sabi at pasimple ding tumingin sa likod- Agad akong napa-ayos ng upo nang makitang masama ang tinign sakin ni Four.

Tumikhim naman si Mr Leekwood, "Mr delos Reyes, are you sleeping in my class?!" Galit nyang tanong at naramdaman ko ang pagsipa ni Four sa upuan ko.

"No, Sir!" Sabi nya bago sipain ulit ang upuan ko, "I would never do such thing, I wonder why Ms Cole... would lie." Napatingin ako sa likod at nakitang nakangisi na si Four.

Tinignan ko si Sir bago tumingin ulit kay Four, "Hush!" Sigaw nya at naramdaman ko ang malamig na hangin. Ang ibang papel ay tinangay pa, "Everybody! We will have an exam tomorrow, study well."

Pagkatapos ng sinabi nya ay bigla nang tumunog ang bell at nagsiayusan na ng bag ang mga kaklase ko, "Why'd you do that?!" Inis kong sambit kay Four habang inaayos ang bag ko. "Do what?" Takang tanong nya.

"You lied saying that I lied!" Akusa ko at nilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko, inis akong lumayo at tumayo. "Why did you tell him that I was sleeping?" Tanong nya kaya napa-iwas ako ng tingin.

Mahina syang tumawa at kinuha na ang bag nya, "Were you looking at me?" Nang hina ako sumagot ay tinapik nya ang balikat ko at tumatawang lumabas ng room. Napatingin naman ako kay Ash na nakatingin sakin.

"I don't know what just happened," Sabi nya at hinigit ako. "Let's just eat lunch! Kanina pa ako nagugutom e." Reklamo nya kaya tumango na lang ako at tuluyan na kaming naka-labas ng classroom.

Pagpasok namin sa cafeteria ay madami nang estudyante, "I'll find a place na ha? You just get the food na lang." Tumango ako at pumili na kaya umalis na din si Ash.

"Ahm... dalawa pong large fries, dalawang toasted chicken, at dalawang grande coke po." Order ko at tumango naman ang tindera. Habang hinihintay ang pagkain ay napatingin ako sa paligid, kahit ano palang mangyari hindi pa din maalis ang bullies.

May mga mean girls pa din, may mga hot guys na magkakasama, may mga nerds na nagbabasa. Dumating na ang inorder ko kaya kinuha ko na yun at naglakad, hinanap ko naman si Ash at napakunot ng makita sya-

"Kami nga sabi nauna dito e!"

"Ano naman? Hindi ba pwedeng maki-share? Ang laki naman ng space ah!"

"E sa ayaw ko e? Tsaka maselan yung kasama ko, ayaw nya ng may ibang tao!" Napatingin naman ako sa sarili ko, ako? Maselan? Kelan pa? Pumunta ako sa lamesang sobrang ingay at nilapag ang pagkain namin.

Nang makita ako ni Ash ay tumingin sya sakin na parang nanghihingi ng tulong, "Miss, hindi ba pwedeng makisama kami ng kasama ko?" Tumingin ako sa gilid nya at nakitang wala naman syang kasama.

"Ah, may kasama talaga ako," tumingin ako sa gilid nya pero wala talaga kaya natawa naman yung lalaki, "Yung kasama ko nabili pa nang pagkain." Sabi nya kaya napa-'ah' na lang ako.

Umupo ako sa tabi ni Ash at tumingin naman sya sakin, "Please don't let them sit here." Bulong nya kaya napatingin ako sa lalaking nakatingin kay Ash ng masama. Bakit ba sila naga-away? Tumingin ako sa ibang table at nakitang puno na.

"Sige, dito na lang kayo ng kasama mo." Sabi ko at napa-gasp naman si Ash at ngising umupo yung lalaki sa tapat ni Ash. "Ako nga pala si Angelo Jale Javier, AJ na lang for short. I have the ability to create force field."

Nginitian ko sya at tumango, inis namang kinuha ni Ash ang spoon at fork, "Oh yeah, kaya yan galit na galit sakin kasi hindi nya makukuha ang ability- Aray!" Sigaw nya ng bigla syang tapakan sa paa ni Ash.

"Alam mo kung hindi ka tumahimik dyan, ipapakain ko sayo 'tong table na 'to!"

"Oh sige nga! Sige nga!"

"Aba! Hinahamon mo talaga ako ah-"

"Stop it you guys." Napatigil kaming lahat at napatigil din ako sa pagtawa nang marinig ang boses ng isang lalaki. Boses yun ni.... "Four, pre upo ka na. Buti na lang mabait 'tong kaibigan ni Ash at pinaupo tayo."

Tumunghay ako at nakitang nakangisi si Four, "Si Ash na nama ang ginugulo mo." Bulong ni Four bago umupo. Natawa naman si AJ at tumingin kay Ash, pulang pula ang mukha nito dahil sa inis.

"Oy, Ash. Tama na, kumain ka na. Baka mamaya bugahan mo pa akong apoy dyan, last time kasi ice ang pinaulan mo sakin." Natatawang sabi ni AJ kaya napatingin ako kay Ash. Woah, ang astig talaga ng babaeng 'to.

Bumuntong hininga si Ash, "Yeah, it's true. Last last time pinaulanan ko sya ng ahas para lang tumahimik." Inis na bulong sakin ni Ash, pero bakit naiinis sya? Hindi ba dapat matuwa sya kasi nakakaganti sya?

"Ah, hindi ako masasaktan ni Ash kasi nga force field ako. I can shield myself from any harm." Sabi nya kaya tumango tango na lang ako at inis namang kumain si Ash. Napabalik ang tingin ko kay Ash at AJ.

Bagay sila ah! Napangiti ako habang nakatitig kay Ash- "Stop smiling, you look cute."

~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon