Peculiar Chapter 30

155 8 2
                                    

Fire's POV:
"The freshmen will fight, juniors will do the outer shield. Seniors, will do the inner shield. The teacher will fight outside, we'll try to stop them from there." Sabi ni Headmaster habang lahat kami ay nasa gym.

Kitang kita ko ang takot sa mukha nila, "Students... I know it's a scary thing, but if you want to protect the people you love," Napalingon ako kayla Four, "The place you treasure." Napahawak ako sa upuan at tinignan ang flag ng school namin.

"You'll do everything for them, you fight."

Unconsciously, I held Four's hand. And he held back mine, pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis nito. Konting panahon na lang at susubok na kaming lahat sa labanan, hindi ko alam kung makakaya ko.

"Hey," Napatingin ako kay Four ng tawagan nya ang pansin ko, "We're gonna be fine, alright? We'll win, because we're together." Sabi nya kaya napangiti ako at pinisil ang kamay nya, ngumiti naman sya pabalik.

Nilingon ko sila Ash at nakitang seryoso ang mga mukha nila, "Kakayanin naman natin 'to e, hindi dapat tayo kabahan." Sabi ni Aj habang nangangatol ang tuhod nya. Ngumisi naman si Ash at hinawakan ang tuhod ni Aj.

"Kakayanin natin 'to, kahit kabadong kabado tayo, kakayanin natin."

Tumingin ako sa paligid at tama naman si Ash, lahat kami ay kinakabahan pero kakayanin namin. Hindi kami dapat magpatalo sa kabang nararamdaman namin, we should use this as our strength.

"Well then, let our training begin."

********
Nakahawak ako ngayon sa isang shield at may hawak na espada, kanina pa kami nage-ensayo at pagod na ako. Pakiramdam ko buong lakas ko ay naubos na, sobra sobrang training ang ginagawa namin ngayon.

"Again! We can't stop training now, hindi na pwede. Let's take this seriously!" Sigaw ni Sr Fare kaya tumayo na ulit kami ng tuwid. Sparring pa lang naman ang ginagawa namin pero hingal na hingal na agad ako.

Lumingon ako sa paligid, kita ko din ang pagod at takot sa mga mata nila. "Begin." Sabi ni Sr kaya nagsimula ulit kaming kalabanin ang isa't isa.

Hindi ko na alam kung sino kinakalaban ko, basta hindi ko hinahayaan na may makalapit sakin. Sobrang seryoso ng lahat at kita mo ang determinasyon nilang malaman sa laban na magaganap. Walang may alam kung ano ang magiging resulta ng laban... gusto lang namin na mailigtas ang lugar na 'to.

God of Life, nasaan ka na ba?

"Students, keep your eyes on the enemy! Dun nyo makikita kung ano ang gusto nilang gawin sa inyo, it's either kill you or play you. Be wise-"

Lahat kami ay napatigil ng may malakas na sumabog sa tapat ng gate, napasinghap ako ng biglang may lumabas na itim na usok. Agad na pumunta sa harapan si Aj at nilagay ang usok sa isang force field.

Nang mawala na ang usok ay napahawak ako sa dibdib, "WE'RE UNDER ATTACK!" Biglang may sumigaw at nang hina ang tuhod ko. Akala ko three days.. three days, ngayon na pala. Walang nakakilos agad dahil sa gulat.

"Move students!" Sigaw ni Headmaster at naramdaman ko na lang na may humigit sakin, tinignan ko ang kamay nya at nalamang si Four pala yun. Sobra akong natatakot ngayon, ayokong mawala sakin ang tirahan ko.

Hinawakan ako ni Four sa balikat, "Fire, ayaw mong mawala ang paaralan na ito, hindi ba?" Tanong nya sakin kaya tumango ako pero hindi ako natingin sa kanya.

"Then fight, fight with all your heart and strength."

Napatunghay ako sa sinabi nya, "I can't protect you, you have to fight. And I know that you can do it, you're the most powerful person I know. So please, stay with me and fight." Wala na akong sinabi at hingiit sya para mahalikan ko sya.

"I love you." Mabilis kong sabi na ikinagulat nya pero tumalikod na agad ako sa kanya, tama naman sya. Kung gusto kong protektahan ang paaralan na 'to at ang mga taong mahal ko, I'll have to fight... with all my heart and strength.

Huminga ako ng malalim at nakita ko na ang iba't ibang dark elements na palapit samin, may ibang estudyante na tumatakbo palayo at may iba na nasa likudan ko lang. Tumingin ako kay Ash at nakitang may hinawakan sya, kasunod naman nya si Aj.

"Okay, for Peculiar Academy." Bulong ko at tinaas ang kamay ko, may tatlong dark elements na tumaas at hinagis ko yun. Nang makita nila ang ginawa ko ay nagsimula na din silang makipaglaban.

Nakita ko si Headmaster na may hawak na espada at nakikipaglaban na din, napatingin ako sa taas at nakitang nalipad si Four habang pinapana ng apoy ang ibang dark elements. Madami sila, sobrang dami.

"Fire!" Napalingon ako sa likod at mabilis kong sinalag ang isang dark arrow, tumingala ako at nakitang may apat na namamana. Ngumisi sila sakin kaya kumunot ang noo ko, sabay sabay nilang hinarap sakin ang mga arrows.

Ngumisi ako at tinaas ang kamay ko, kasabay nun ang paglaglag ng arrows nila, mabilis kong sinalo ang arrows at tinutok sa kanila. Nagulat sila sa ginawa ko kaya wala silang nagawa at hindi nila nailagan ang arrows.

Madilim na at kasabay ng pagdilim ang pagpatak ng ulan, huminga ako ng malalim bago makipaglabang muli. Hindi ko na alam kung ilang elements na ang napapatay ko pero mukhang hindi sila maubos ubos.

Tumingin ako sa pinanggalingan nila at nakitang may portal dun, "I need to shut it down." Napalingon sakin si Headmaster at tumingin din sa tinitignan ko. Tumango sya sakin at nakita kong tinignan din nya si Ash, tumango naman si Ash.

Mabilis na lumipad palapit sakin si Ash, mukhang air user ang kinuhanan nya. "Let's go." Seryoso nyang sabi kaya napatitig ako sandali sa kanya pero wala na akong sinabi pa, mabilis kaming tumakbo palapit sa portal. May limang malalaking dark elements na humarang samin.

"Go, I'll handle this." Sabi nya kaya tumango ako at gumilid para makatira ng malakas si Ash ng hindi ako tinatamaan, mabilis nyang pinakawalan ang sobrang lakas na hangin. Sa sobrang lakas ay wala akong makita kundi buhangin.

Ilang segundo bago mawala yun kaya mabilis akong tumakbo palapit sa portal, "How do I close it?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa palagid pero nagulat ako ng bigla akong humagis papunta sa isang puno.

"AHHH!" Sigaw ko ng humampas ang likod ko sa isang malaking puno, naramdaman ko ang pag agos ng dugo sa akong ulo pero pinilit kong tumayo. Napalingon ako at nakitang may tatlong elements na palapit sakin.

Please... give me strength.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon