Peculiar Chapter 8

251 15 0
                                    

Fire's POV:
Nakapangalumbaba ako habang pinapakinggan si Ms Narzabal na magdiscuss ng physics, lumingon naman ako sa katabi kong si Ash at ang nasa likudan ko na si Four. Team battle, huh?

"Ash," Bulong ko at inaantok na tumingin sya sakin, "Kailangan kong makakita ng isang team battle." Bulong kong pumili at tumitig sya sakin panandalian, tumingin din sya kay Four kaya siniko ko sya.

Nakangising humarap sakin si Ash, "Look, you wouldn't win kung hindi kayo magkakasundo ng mga kagrupo mo. I suggest na makipagkilala ka sa mga groupmates mo, may one week pa naman kayo e."

"Asa namang makipagsundo ako kay Four, e para kaming yin yang ng isang 'yon! Never to be mixed! Tsaka ang pangit ng ugali ng isang yan!" Nakapangalumbabab kong sabi at tumawa naman ng mahina si Ash, kainis talaga yang lalaking yan!

Nakaramdaman naman ako ng pag-sipa ni Four sa upuan ko, "Tigilan mo nga ako!" Naiinis kong bulong at ginulo pa ang buhok ko. Stress na stress na nga ako e.

"Bakit na naman ang sungit mo?"

"Kasi mukha mo nakikita ko!"

"You really are interesting, Fire."

"Yeah, well, thanks. Okay? After this conversation, don't talk to me." Akala ba nya after nya akong maging kagrupo e friends na kami?! Aba, hindi ko makakalimutan ang muntik nyang pag-patay sakin.

Tumawa sya ng mahina bago sumandal sa upuan nya, "Be careful what you wish for, you might need me someday." Bulong nya bago umalis sa pagkakasandal at yumuko sa desk nya.

********
"Pero Ms Narzabal hindi po ba ako pwedeng magpa-tutor since kakadating ko lang dito?" Tanong ko sa kanya at ngumiti naman sya sakin, ang bait talaga ni Ms Narzabal- "I'm sorry, Fire. But we can not do that."

Napabagsak naman ang balikat ko, "Pero bakit po? Wala akong alam sa pakikipaglaban!" Kahit mabait si Ms Narzabal pero naiinis kasi ako ngayon e. Ayokong mapahiya sa buong academy at lalong ayoko mapahiya kay Four.

"Look, Fire, level 1 ka pa lang. It's natural na wala ka pang alam sa pakikipaglaban. Kaya nga may class ka, hindi ba? Every student had to learn with zero knowledge about magic and being peculiar. Most students are like you, who grew up in the human world, they also had to adjust big time. But that's part of learning and that's how you grow, Fire."

Of course may point si Ms Narzabal kaya bagsak balikat akong lumabas ng classroom namin, last class ko na kaya pwede na akong pumunta sa dorm. "Ash!" Sigaw ko at kumaway kaway.

"Fire! Bakit ang tagal mong lumabas sa class ni Miss Narzabal? Pinagalitan ka ba?" Tanong nya kaya umiling naman ako at hinigit sya sa may locker room. "I need to know how to fight, can you teach me?" Tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman sya sakin, "Fire, I wish I can teach you pero hindi ko din alam. You know that i'm just level 5 right? Wala naman kasi akong paki sa mga ganyan ganyan. I just wanna graduate."

"Wala talagang magtuturo sakin? Huhu, paano na lang ako sa laban namin? Mapapahiya ako sa buong academy, Ash! I don't want that to happen..." Ilang minuto kaming tumahimik at sumandal sa lockers.

Napabuntong hininga si Ash at hinawakan ang balikat ko, "Bakit hindi ka sa kagrupo mo magpaturo? Matataas ang level nila kaya magaling na sila sa hand to hand combat." Sabi nya at lumabas na nang locker room.

"Anna!" Sigaw ko ng makitang palabas din sya ng locker room, tumingin naman sya sakin at ngumiti. "Fire, how are you?" Bati nya kaya ngumiti ako sa kanya. Siguro naman tuturuan nya ako, mabait naman sya.

Lumapit ako sa kanya, "I'm good, but can I ask you a favor?" Tanong ko at ngumiti naman sya sakin. "Can you teach me how to fight?" Tanong ko at nawala naman ang ngiti nya. Don't tell me-

"I would love to help but I already have students to teach. My schedule is full already." Bagsak balikat na naman akong lumabas ng locker room at napabuntong hininga, I still have two more options.

Naglakad ako papunta sa canteen para kumain nang makita ko si Harry, "Harry!" Tawag ko sa kanya at nginitian naman nya ako. "Yow, Fire! What's up?" Tanong nya at nakipag-fist bump pa sakin.

"Can I ask you a favor?" Tanong ko sa kanya at hinigit sya sa gilid ng canteen, "I was just wondering if... you can teach me how to fight?" Tanong ko sa kanya at mabilis syang umiling.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, "I wanna help but right now is not a good time... but don't worry, we'll be there to shield you." Bulong nya at siniko siko pa ako bago umalis.

Ano ba yan?!

Pagkabili ko ng pagkain ay umupo na ako sa isang table na walang kasama, "Marie!" Sigaw ko at naagaw ko naman ang atensyon nang karamihan, kasama naman dun si Marie at kinawayan ako.

Siguro naman tuturuan nya ako, "Heya, girl. Anong kailangan mo?" Tanong nya nang makalapit sya sakin. Mukhang sya na ang sasagot sa favor ko! "Can you teach me how to fight?" Tanong ko at kagaya ng iba, nawala ang ngiti nya.

"Girl... I only do the shielding, kaya ako kinuha ni Four dahil mashi-shieldan ko kayo sa ibang attacks." Sabi nya at nahihiyang ngumiti sa akin, tumango tango naman ako at nagpasalamat bago sya umalis.

Napabuntong hininga ako at nakayukong kumain- "Need help?" Napatunghay ako at nakita si Four na nakangising nakaupo sa harapan ko. Kainis! Badtrip na nga ako tapos babadtripin pa nya ako.

"Four, I'm really not in the mood para makipag gaguhan sayo. So please, can you just leave me alone?" Mahina kong tanong at napabuntong hininga. Nilaro laro ko ang pagkain ko at napatigil nang makitang hindi pa din sya umaalis.

Nagulat ako ng hampasin nya ang lamesang inuupuan namin, "I'm asking if you need help, I can help you." Kunot noo akong tuminign sa kanya dahil sa sinabi nya. Him, helping me? Tama ba ang narinig ko?

"What are you talking about?"

"I heard you when you were talking to Anna."

"So? It's my business!"

"Look, Fire, you may not like me but I can help you."

"Why do you want to help me?"

"To tell you that i'm sorry for what i've done back then."

Napatigil ako at napa-iwas ng tingin dahil sa sinabi nya, he's sorry for what he did? Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nya, "I'm really sorry, I truly am. So I'm gonna train you, every 4AM to 6AM."

"And, oh," Tumingin ako sa kanya, "Before your community service, use a shield to protect you from the dark elements."

Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, "Four." Tawag ko sa kanya at tinignan naman nya ako, "Ah, thank you,"

Then he smiled, he smiled at me.

~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon