Peculiar Chapter 2

479 17 0
                                    

Fire's POV:
Napatitig ako sa sarili ko, naka white dress ako at maliit na korona. "Oh diba, ang ganda ganda mo Fire!" Bati sakin ni Janine na naka-black dress at may slit pa sa gilid. Ang sexy nya sa suot nya at ako naman... ay chubby.

"Hindi din." Mahina kong sabi bago umalis sa harap ng mahaba nyang salamin at pumunta sa kama nya. Hawak hawak ko ang papel at ballpen pero wala akong masulat tungkol sa prom, hindi ko nga alam kung may magagawa ako.

Pero nagbabakasali akong sa school ay mai-inspire ako, "Tara na Fire, andyan na ang date ko. Sumabay ka na lang samin. Okay lang naman sa kanya, nakausap ko na sya." Agad naman akong umiling dahil sa sinabi nya.

"Date nyo 'to, at tsaka malapit lang naman ang school satin e. Hindi ko alam kung bakit kaylangan nyo pang magsa-sakyan." Sabi ko at natawa naman si Janine. It's true though, ilang lakad lang ay nasa school na kami.

Never kong naging problema ang transportation papunta sa school namin, "E kasi naman, si Mike gusto naka limo pa kami. Alam mo naman yun, anak ng CEO kaya gusto perfect lahat." Nakangiting sabi ni Janine at kinilig kilig pa.

"Bahala kayong dalawa dyan, akala mo naman e... Kahapon mo nga lang nakilala yang si mr. perfect guy mo e. And need I remind you, walang forever." Bitter kong sabi at may sasabihin pa bali sya pero winagayway ko na ang kamay ko.

Mas okay na kung maaga akong pupunta dun, "Nevermind, just make sure to be home before midnight." Bilin ko at kumunot naman ano noo ni Janine pero sinamaan ko sya ng tingin kaya tinaas nya ang kamay nya, "Yes, Ma'am!"

"Good. Aalis na ako ah, it's better kung maaga akong makakapunta dun dahil may essay pa akong gagawin." Sabi ko at itinaas na ang gown ko bago isiksik sa shorts ko ang maliit kong papel at ballpen.

Mabilis akong umalis sa bahay nila Janine, it never felt home though. I mean, yes masaya akong nandito si Janine at tinuring nya akong kapatid pero parang laging may kulang. Parang hindi kumpleto pagkatao ko, siguro dahil wala akong mga magulang.

Napabuntong hininga ako at tumitig sa unahan ng school namin, "Here goes nothing." Nagsimula akong maglakad at wala pang tatlong hakbang ay natapilok na ako. Agad akong nag-chin up at pasimpleng tumingin sa paligid.

Waaaah, buti na lang wala pang tao huhu. Sobrang aga ko ba? Tinignan ko ang relo ko at nakitang 6PM na, oh 5PM ang start ah? Napailing na lang ako at pumunta sa gilid ng academy, mga pilipino time nga naman.

Inilabas ko ang papel at ballpen at tinitigan yun, ano namang isusulat ko dun? Ilang minuto na akong nakatitig at nakikita na ang unti unting pag dating ng mga estudyante. Ano kayang maisusulat ko?

"Wow, you look so beautiful."

"Man, I hate this suit. Sobrang uncomfortable!"

"Omg, is that your new heels?!"

"Babe, I love you kahit ano pang suot mo."

"Girl, let's rock prom."

So maybe prom is about the perfect heels, suit, gown, and even the perfect car to use. Maybe prom is just about dancing and being a teenager. Tumingin ako sa papel ko, and prom means nothing to me.

Nang makita kong madami nang tao ay tumayo na din ako at nagsimula nang maglakad, tumingin ako sa orasan ko at nakitang 7:30 PM na. Wow, mahigit isang oras at kalahati akong nakatitig sa papel ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan papunta sa gym namin dahil dun gaganapin ang prom- "Ahhh!" Irit ko ng biglang may malamig na natapon mula sa itaas kasabay nun ang paglaglag ng plangana.

"Pre, hindi sya!"

"Shit, maling tao!"

"But look at her, she's too funny!!!"

Narinig ko na ang iba't ibang usapan at napapikit dahil sa flash na sumisilaw sa mata ko, "Are you okay?" Napamulat ako at mabilis na napa-atras ng makita si Jaden na lumapit sakin. Nang-gigilid na ang luha ko, nakakahiya!

"I-ahm... I...." Utal utal akong nagsasalita habang paatras ng paatras pero napa-abante ako dahil may tumulak sakin mula sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang mean girls ng school nain, typical characters ang mean girls aka bully.

Ayoko na dito huhu, dapat talaga hindi na ako pumunta dito. Dapat nag-aral na lang ako, marahas kong pinunasan ang luha ko at tatayo na bali, "Why are you even here?" Narinig ko na ang mga palapit na teachers pero may humaharang na estudyante sa kanila.

"People like you... don't belong here." Rinig kong sabi ng isa at hinagis sakin ang nalaglag kanina mula sa taas ng pintuan, agad ko namang sinalo yun bago pa tumama sa mukha ko. Muli akong nakarinig ng mahihinang tawanan.

A-ayoko na dito...

"Just go back to where you belong, Fire. And I'm hell sure it's not here!" Nagulat ako ng biglang may tumutok na spotlight sa akin at nakita ang mga lalaking estudyante na ang may hawak nun. A-ano bang problema nila?

Nagulat ako ng biglang may sumabunot sakin at kinaladkad ako papunta sa gitna ng gym, pilit namang kumakawala ang mga prof ko pero iilan pa lang sila kaya wala silang magawa. Tumingin ako sa paligid at naramdaman ang pagtulo ng kulay pula na likido mula sa ulo ko.

"P-please.." Bulong ko at hinawakan ang kamay na may hawak sa buhok ko, nagulat ako ng bigla nya akong itinulak at nandidiring nagtatalon. Huhu, ayoko na talaga ditooo. Bakit kasi pumunta pa ako?

Napayuko ako at unti unting naramdaman ang mga luha kong pabagsak na, "Fire!" Napatunghay ako at nakita si Janine na palapit pero agad syang hinawakan ng dalawang lalaki kaya hindi sya nakalapit sakin.

"Janine!" Sigaw ko pabalik at tumayo pero bigla ding may humawak sakin at tumahimik bigla ang paligid, "Janine, I don't even understand why you hang out with a girl like her. I mean... obviously, she's nothing." Rinig kong bulong ni mean girl #1.

Sino ba 'tong mga 'to? Bakit nila ako ginaganito?

"And what, sa inyo ako sumama? Sa inyong mga walang ginawa kundi mang bully at mag inarte. You know, I feel bad too you guys. Obviously wala kayong plano sa mga buhay nyo kaya gusto nyo ding mangsira ng buhay ng iba."

Madaming nagulat dahil sa sinabi ni Janine at napa-atras naman ang mga mean girls. Nag-slow motion na naman ang paligid at kita ko ang pagtaas ng kamay ng isa sa mga mean girls at sasampalin- "STOP!"

Kasabay ng sigaw ko ang paglipad ng dalawang may hawak sakin. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko pero hindi ako natibag, "Let her go!" Madiin kong sabi at tinaas ang kamay ko. Unti unting binitawan nila ang hawak kay Janine.

"Do you guys have any idea how many teenagers commit suicide because of what you're doing?!" Sigaw ko at umatras naman sila ng umabante ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya tinaas ko ulit ang kamay ko at sinara yun.

Hindi ko din alam kung ano ang ginagawa ko pero nagagalit ako, sobra. "And you call yourselves human?!" Sigaw kong muli at tumingin sa mga babaeng kanina pa ako inaaway, lahat sila ay magkakasama at kita ang takot sa mata nila.

"You guys..... are nothing." Unti unti silang tumaas at ibinaba ko sila sa stage, kumuha ako ng apat na upuan at isa isa silang pinaupo dun. Lahat ng naiisip ko ay kusang nangyayari, hindi ko din alam kung paano.

Narinig ko ang iritan nila at muli akong humarap sa mga estudyante, kusang lumutang ang katawan ko at galit na tumingin sa kanila. Agad akong bumaba ng maisip ang mga ginawa ko. Tumingin ako sa apat na babae at nakitang umiiyak sila.

Tumingin ako sa taas at mabilis na lumipad palabas galing sa pintuan. A-ano bang ginawa ko?! Napatingin ako sa kamay ko at nakitang nanginginig yun. Napahimalos ako at unti unting napaluhod.

What have I done?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon