Chapter One

770 21 0
                                    

Chapter One: Her life

"Ma'am pinapabangon na po kayo ng mama at papa niyo, maaga pa daw po ang pasok niyo" rinig kong salita ng isa sa mga maid namin.

Agad kong tinanggal ang comforter na nakataklob sa buo kong katawan.

"Where are they?"

"Maaga po silang umalis eh, may kliyente daw po"

Tss. Why would I bother to ask?

As usual lagi naman silang busy. Trabaho doon, trabaho dito. What's new? They don't even have time to spend with me.

"May luto na po akong umagahan doon sa kusina"

"Eat them, wala akong gana"

"P-pero ma'am"

Tiningnan ko naman ito nang masama, kaya hindi na ito kumontra.

Naligo na ako at tsaka nagdiretso papuntang school.

My life?

Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Yes, sarili kong buhay. Bakit ko pa ba magugustuhan ang buhay ko? My life was just fabricated.

Matagal ng nagawa ang buhay ko ng mga sarili kong magulang.

Kumukuha ako ng course na Law, na ayaw na ayaw ko. My parents said, they want me to be like them.

Seriously?

I don't want to be like them. Being attorney is not my dream. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Eh sunud sunuran lang naman ako sa kanila.

Sila palagi ang nasusunod. Pamula sa pagaaral ko, they always expecting too much from me.

Gusto nila palagi akong magaling, palagi akong highest rank, palagi akong perfect.

Kung makakapili nga lang sana ako ng mundong gusto kong tirahan nagawa ko na.

"Good morning Mich, how's your sleep?" Salubong na bati sa'kin pagpasok ko ng room.

Who is he again?

Uhm. Nevermind

"Sungit naman" dagdag pa nito.

Hindi ko na lang ito pinansin dahil wala akong oras para sa kanya.

Hindi ako yung tipo na magaling makisama, hindi ako friendly, and yes, lonely ako palagi. Mas gusto ko pa iyon.

Sa totoo lang, tinatamad na ako mabuhay, tinatamad ako sa stado ng buhay ko.

Oo, mayaman kami, I can have everything I want. Pero hindi iyon ang gusto kong pamumuhay.

Ayos na ako doon sa simpleng pamumuhay, pero kasama palagi ang parents ko. That's all I want.

Pero hindi ko na mababago iyon. Ito na yung buhay ko.

"Can I join with you?" Tanong ng isang lalaki habang kumakain ako sa canteen.

Hindi na ako nagabala bang sumagot. Nakita ko naman siyang umupo sa harapan ko.

"Magkablock mate tayo, kilala mo ba ako? Ako yung nag good morning sa'yo kanina"

Tiningnan ko lang ito, at tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. I don't even know him.

Kahit na magkablock mate kami.

"How many times do I have to tell you, na hindi nga ako nangbabae!"

"Hindi ka nangbababae, eh sino yung kasama mo kanina? Tell me!"

Papasok ako ng bahay ng marinig kong nagaaway na naman si mommy at daddy.

Parehas silang attorney, sino pa ba ang in-expect kong magpapatalo sa kanila?

Nagdire-diretso lang ako sa paglakad sa taas, ni hindi man lang nila ako napansin na dumaan at patuloy padin sila sa pagaaway nila.

"How's your school? Ginalingan mo ba sa recitation niyo kanina?" Tanong sa'kin ni mommy pagkapasok niya sa kwarto ko.

Yun na lang ba palagi ang itatanong niya sa'kin? About sa school?

Hindi ba pwedeng tanungin niya naman ako kung okay lang ako?

"Okay lang po mom"

"Okay lang? Anak, hindi pwedeng okay lang, dapat mataas"

Napabuntong hininga naman ako sa inasta ng sarili kong ina.

Seriously? Kelan ba sila makokontento kung ano yung kaya ko?

"Mataas naman po yun, sure po ako"

"It should be. Well, good job" sagot nito at tsaka naglakad palabas ng kwarto ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga pagkatapos ng pag-uusap namin.

Never naman kami nagkaroon ng matinong usapan, if meron man, tungkol sa school, or after few years, attorney na din daw ako kagaya nila.

Una palang gusto ko ng pangarap ko ng maging writer, sa pagsusulat nakakatakas ako sa reyalidad.

Feeling ko ako yung bida sa lahat ng mga sinusulat ko, ako yung bidang almost perfect, yung hangad nila mama at papa.

Imaginary World.

Is one of my favorite story that I made. Iyon ang storya na kung saan perpekto ang buhay doon.

Walang problema, walang gulo, perpekto ang lahat, hindi kagaya dito sa reyalidad na mundo na kinagisnan ko.

"Where are you going? This late night? Siguro pupunta ka na naman sa babae mo no!" It's almost midnight, when I heard them arguing again.

Hindi man lang inisip na naririnig ko lahat ng pinaguusapan namin.

"Alam mo, sawang sawa na ako sa pagbubunganga mo, I'm tired of this!"

"Kung sawa ka na, edi sana nakipaghiwalay ka na" patuloy pa ng mga ito.

Halos takpan ko na ang buong mukha ko, para lang hindi ko sila marinig.

"Then fine! I will file an annulment!"

"You better say that! Mas mabuti pa nga! Aalis na ako sa impyernong ito" halos matigilan ako sa pinaguusapan nila.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan si Daddy na nagiimpake ng mga damit niya.

"Dad, what is this? Don't leave us" pagmamakaawa ko dito.

"Anak, hindi na nagwowork yung relationship namin ng mom mo, it's better in this way" sagot nito at tsaka isinarado ang travelling bag niya.

"Please Dad" halos lumuhod na ako sa kanya pero wala pa rin akong nagawa at tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

"Mom, stop him to leave" saad ko kay mom habang hawak hawak ang kamay niya, tinanggal niya naman ang pagkakahawak ko.

"No, just let him be"

"What? Hindi niyo po ba talaga naiisip kung anong nararamdaman ko? Bakit ayaw niyo siyang pigilan sa pag-alis?"

"Umalis na siya, wala na akong magagawa pa---"

"Ganyan naman kayo diba? Hindi kayo nagpapatalo, wala kayong pakialam sa nararamdaman ko--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakatanggap ako ng sampal mula sa kanya.

"How dare you! Anak lang kita!"

"Yun na nga ma eh, sana hindi niyo na lang ako naging anak" sagot ko dito at tsaka ako nagtatakbo paitaas ng kwarto ko.

Alam kong mali lahat ng sinabi ko dahil ina ko pa din siya, pero mali din siya, all this years hindi ko man lang masabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Ngayon lang.

"How dare you! Anak lang kita!"

Oo ma, anak niyo lang po ako. Ako po yung anak na lagi niyong gustong maging perfect, ako po yung anak na hindi niyo man lang mapakinggan yung nararamdaman.

Ayoko na sa mundong ito. Gusto ko na lang tumakas at kalimutan ang lahat.

Kung pwede nga lang.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon