Chapter Seven

388 11 0
                                    

Chapter Seven: First Trouble

After that what they called 'Big Announcement' hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng kamahalan 'that they will consider me as one of them'

How could I be one of them? I don't even have powers like them, I'm not fairy or angel either.

"So, anong gagawin ko dito habang nandito ako sa lugar niyo?" Tanong ko kay Nic habang nakalagay ang kamay ko sa baba ko.

Bored na kasi ako kasi kanina pa kaming nandito sa kwarto niya. Nagulat nalang ako na sa dinami dami nilang angels and fairies ay lahat pala sila ay may sari sariling kwarto. No wonder, ganon kalaki ang templong ito.

I know, it's kinda weird na nandito ako sa kwarto ng isang lalaki, but the thing is, I left with no choice, I don't even know someone out there, except him.

"Wala, ano pa bang iniisip mong gagawin mo dito? Tao ka nga diba?" Masungit namang sagot sa'kin ni Nic.

What's with him? Napakamoody.

"Eh ano bang ginagawa niyo dito, pagala gala lang?" Tanong ko pa dito kaya naman sinamaan ako nito ng tingin kaya nag-peace sign ako.

"Wala kang alam kaya wag ka nalang umimik, hindi sa wala kaming ginagawa kami dito, everyone had their own responsibilities to do"

"Like what?" Nagtataka ko pang tanong dito. I swear, madali akong macurious sa mga bagay bagay, curiousity will kill me if I don't ask a question.

"This world was fabricated by the use of powers of Gods and Goddesess, pero hindi naman pwedeng sila lang ang magpapatakbo ng mundong ito, syempre kelangan namin silang tulungan, para manatiling maayos ang lahat, what's the use of our powers if we're not going to use it" pagpapaliwanag pa nito kaya tumango tango nalang ako, besides satisfied naman ako sa sagot niya.

Pero marami pa din akong curious sa maraming bagay, alam kong marami pa akong malalaman pag nalibot ko na itong Imaginary World.

"Before I forgot, my name is Mich" masayang sambit ko kay Nic, kasi kanina ko pang alam ang pangalan niya pero di niya alam ang sa'kin.

Nagtaka naman ako ng hindi niya tinanggap ang paglalahad ko ng kamay sa kanya.

Napatingin pa ako sa palad ko para suriin kung may dumi ba iyon at bakit hindi nakipagshake hands sa'kin.

"Hey wait, where are you going? Don't leave me here!" Halos nagpapanic kong saad ng makita ko ito na papalabas ng kwarto, hawak na nito ang pintuan nang tumigil ito at lumingon sa'kin.

"I have a lot of things to do, you can stay here if you want" sagot pa nito at tuluyang lumabas ng kwarto.

What the? Iniwan niya talaga ako?! No choice ako kung hindi sumama sa kanya, hello, mabubulok na kaya ako dito.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto dahil alam kong mabilis maglakad ang anghel na iyon, mahirap na baka mawala siya sa paningin ko.

Paglabas ko ng silid ay maraming fairies at angels na nasa hallway.

Gosh. Baka pag nakita nila ako ay patayin nila ako sa mga matatalim nilang mga tingin.

Mabilis kong nilibot ang tingin ko at nakita ko si Nic na naglalakad sa may di kalayuan.

Kaya nakayuko akong sinundan ito at halos nagkabangga bangga ako sa mga ito pero nakayuko pa din ako.

"Aray!" Halos mapatili ako ng tumama ang ulo ko sa isang dibdib.

Nang tanguhin ko ito ay nakita ko ang isang lalaki, na nakatingin sa'kin at nakangiti.

Siya siguro ang nabangga ko, fairy siya, dahil mahaba ang tenga nito.

"S-sorry" kandautal kong saad dito at tinitigan ko itong mabuti.

His face seems familiar.

"Okay lang, ikaw yung tao diba? Do you remember me?" Sagot nito at hindi pa din nawawala ang ngiti niya sa labi.

Ano daw?

Ay oonga pala. Siya yung nagtanggol sa'kin doon sa big announcement na nangyari kanina lang.

Hindi ko pa siya napapasalamatan, and I think this is the opportunity to say that I owe him for that.

"Ah, oo, kilala kita, by the way, thanks for doing that"

Feeling ko mas komportable akong kausap itong fairy na ito kesa doon sa masungit na anghel na iyon.

Wait. Speaking of that angel.

Oh crap. I lost him!

"A-ahmm, pasensya na ah, kailangan ko na kasing umalis" akmang aalis na ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"I'm Zach by the way"

"Mich" sagot ko pa dito at tsaka tuluyang umalis at binatawan niya ang braso ko

Nang libutin ko ang tingin ko ay hindi ko na makita si Nic. Where the hell is he?

Halos maiyak na ako dahil naabot ko na ang dulo ng templo pero hindi ko parin siya makita.

Nang lingunin ko ang likuran ko ay maraming nakatingin sa'kin ng grupo ng mga fairies, at nakatingin ang mga ito sa'kin ng masama.

"A-ah, hello" saad ko sa mga ito at pilit na ngumiti at nagwave sa kanila, pero hindi ko ipinahahalata sa kanila na unti unti akong natatakot dahil sa mga tingin nila.

"This is the human right?" Tanong ng isang lalaki.

Unti unti silang lumapit sakin kaya napaatras ako, ano bang ginagawa nila?

"T-teka, may kailangan pa akong gawin ha, alis na ako" saad ko sa mga ito at akmang aalis pero hinawakan ako ng isang lalaki sa braso nang sobrang higpit, to the point that I felt like it's going to break.

"A-aray ano ba, nasasaktan ako" pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa'kin.

Napadaing ako sa sobrang higpit ng hawak niya sa'kin.

"Do you even think how dangerous you cost that you enter this kind of place?" Tanong nito sa'kin at inilapit ang mukha niya kaya umiwas ako.

"You are not belong here, human" dagdag pa nito at tsaka ko lang napansin na pinalilibutan na pala nila akong lahat.

Para akong nasangkot sa isang gulo at nakaform sila ng circle at anumang oras ay aatakihin ako.

Ngayon ko lang din napansin na nakabukas ang mga palad nila at may nagfoform na kung anong bagay doon, I think, powers nila iyon.

Napapikit nalang ako dahil sa nangyayari, I'm so dead.

"Bitawan niyo siya" rinig kong salita ng isang lalaki kaya nalamulat.

Nang bahagya siyang makalapit ay nakita ko kung sino ito.

Si Nic! Nandito siya!

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon