Chapter Twenty - Two

308 12 0
                                    

Chapter Twenty - two - Imaginary World Against Black Blood World

A/N: This chapter is written in Narrator's P.O.V

"So nasurprise ba kayong lahat?" Saad ng Black Goddess at tsaka unti unting bumaba ng lupa ang mga ito.

Natahimik ang mga taga Imaginary World dahil maging sila ay hindi alam kung anong gagawin lalo nat ngayon ay nasa harapan na nila ang mga taga Black Blood World.

Madilim ang awra na bumabalot sa mga ito, puro mga itim na dahon ang kasuotan ng mga ito, na mas lalong nakakapangilabot.

"Ngayon kayo magkakagulo? Seems nice" saad naman ng Black God at tsaka nagtawanan ang mga ito.

"Itigil na natin ito, pwede pa kayong sumuko" sambit naman ng God Zeus, at hinarap ang mga ito, may pangamba man sa loob nito ay hindi nito ipinahalata sa mga kalaban dahil pwede nila itong gamiting advantage laban sa mga ito.

"HAHAHAHA! Why? You're scared GOD ZEUS? HAHAHAHA! You can't stop us!" Sagot naman ng Black Goddess dito at tsaka ulit nagtawanan ang mga ito.

Kahit ang asawa ng God Zeus na si Goddess Athena ay wala ring magawa at tila mga takot din sa mga taga Black Blood World, hindi rin makakibo ang iba mga Gods and Goddess dahil dito.

"Let's start the war!" Sigaw ng isang black fairy at sa isang iglap ay nabalot ng usok ang buong paligid.

Pagkatapos noon ay umatake na ang mga taga Black Blood World at sinamantala ang panahon na hindi makakita ang mga taga Imaginary World.

Naging gabi rin ang panahon sa mundong iyon dahil sa pakiramdam ng mga Gods and Goddesses.

Nagsimulang magpanic ang mga taga Imaginary World nang maramdaman nila ang pagrelease ng mga taga Black Blood World ng mga kapangyarihan nila.

Nagumpisa ring dumaing ang mga kasamahan nila dahil sa pagtama ng mga kapangyarihan sa kanila.

Samantalang si Mich naman ay pansamantalang gumawa ng sphere na sasapat na ang laki para maprotektahan silang magkakaibigan.

Nang mawala na ang usok na bumabalot sa paligid ay tumambad sa kanila ang ilang mga taga Imaginary World na nakahandusay ngayon sa lupa, at ang mga Gods and Goddesses na pagod na pagod. May mga ilang dugo din na kulay berde ang nagkalat sa paligid.

Samantalang ang grupo ng mga taga Black Blood World ay nanatiling nakangiti at parang hindi man lang napagod sa pakikipaglaban na ginawa nila.

"Paano ba yan? Bawas na kayo? Parang kami, hindi lang pinagpawisan" mayabang na sambit ng Black Goddess at tsaka ito nagrelease ng malaking buhawi at pinatama iyon sa mga Gods and Goddesses.

Sinubukan nila iyong pigilan, kahit na nagawa nila iyong pigilan eh marami kaagad na lakas na nawala sa kanila, para lang mapigilan ang buhawing iyon, masyado kasing malakas ang mga taga Black Blood World dahil gumagamit din ang mga ito ng black magic, na pinagbabawal at pinakadelikadong mahika.

Sinubukang magrelease ni God Zeus ng kuryente na patatamain sa mga ito pero mabilis lang iyong napigilan ng Black God.

Nagsimula naring lumaban ang mga Gods and Goddesses ng Imaginary World, ngunit nawalan lang sila ng lakas dahil sa grupo ng black fairies na may controls of strength, kinukuha ng mga ito ang lakas ng mga umaatake sa kanila kaya mas lalong nahihirapan ang mga ito sa pagrelease ng kapangyarihan.

Tuluyan ng bumagsak sa lupa ang mga Gods and Goddesses, at kasabay noon ay pinalibutan ng Black God ang mga ito ng lumiliyab na apoy. Handa na sana nila itong patamaan ng apoy pero nagulat silang may sphere na humarang.

At nakita nila sa may di kalayuan sila Mich at ang mga kaibigan nito, marami din itong kasamang iba pang fairies at angels.

Inutusan naman ng Black Goddess ang ilang kampon nito para pigilan sila Mich.

Pero napabagsak nila Mich ito dahil sabay sabay silang umatake sa mga ito, pero dahil sabay sabay silang umatake ay sabay sabay din silang nanghina kayat saglit silang napaupo sa lupa dahil sa pagod na nararamdaman.

Kinuha naman ng mga Black Goddess iyon na pagkakataon para maatake sila Mich. Nagpakawala ng usok ang mga ito para hindi makakita sila Mich, tsaka sila umatake.

Sinubukan nila Mich na lumaban pero wala silang makita kundi ang itim na usok kaya ramdam nitong unti unting bumabagsak ang ibang kasamahan niya, at nang wala na ang itim na usok ay tumabad sa kanila na sila nalang magkakaibigan ang nakatayo at nasa harapan na nila ang Black God at Black Goddess kasama ang mga kampon nito.

"Give me that girl" matigas na sambit ng Black God pero nagmatigas si Nic at itinago pa si Mich sa likudan niya.

"Ayaw niyo ba talaga? Gusto niyo pa bang daanin namin kayo sa dahas?" Saad naman ng Black Goddess pero nanatili lang sila sa ganoong posisyon.

Umatake si Angelica at Samantha pero napabagsak ito gamit ang lason na usok na may pangpatulog na amoy, sinubukan nadin umatake nila Jonathan at Brylle pero parehas lang din ang nangyari kagaya ng kila Samantha.

Natira sila Nic at Zach na nakaharang sa unahan ni Mich para hindi nila masaktan ito.

Nagpakawala si Mich ng isang sphere at umasang mapapatumba noon ang Black Goddess pero naiwasan lang niya iyon.

"Give up Mich"

"Hindi niyo siya makukuha, magkamatayan na tayo!" Pagmamatigas ni Zach at tsaka sumugod sa mga ito, nagawa nitong magpabagsak ng ilang mga black angels at fairies pero wala din siyang nagawa ng black God na ang lumaban dito.

Halos maiyak naman si Mich nang mapagmasdan niya ang buong paligid ng Imaginary World, hindi niya masikmurang makita ang mga ito.

Ang mga Gods ang Goddesses na bagsak ngayon sa lupa at lahat ng angels at fairies na naghihingalo ngayon dahil sa sugat na natamo ng mga ito, dahil sa pakikipaglaban. Ang lahat ng mga berdeng dugo na nagkalat.

Biglang pumasok sa isip ni Mich na sumuko nalang sa mga ito dahil hindi niya hahayaang masaktan ang taong mahal niya nang dahil lang sa kanya.

Mas gugustuhin pa niyang siya nalang ang masaktan, huwag lang ang taong mahal niya. Sinabi niya sa sarili na wala ng pagasa pa dahil wala na silang kakampi pa, maging ang mga kaibigan niya ay nagaagaw buhay, dahil sa kanya.

"Susuko na ako, pero huwag niyong sasaktan si Nic" saad ni Mich at tsaka siya naman ang humarang sa unahan ni Nic.

"Mich, don't do this, matatalo din natin sila, hindi mo kailangang sumuko---"

"Nic, wala ng pagasa, hindi ko na kakayanin pang pati ikaw masaktan nang dahil sa'kin" saad naman ni Mich at halos pumiyok na ito at dumaloy na ang luha nito mula sa mata niya.

"Ohmy. Kinikilig yata ako sa lovestory niyo" sarkastiko at natatawang saad ng Black Goddess at pumapalpak pa ito.

"Ililigtas ka namin---"

"Nic. Magiingat ka, mahal na mahal kita" huling saad ni Mich kay Nic at tsaka ito sumama sa mga Black Blood World.

Lumiwanag ang lahat at kasabay noon ay naglaho ng parang bula ang mga taga Black Blood World kasama si Mich.

Natalo ang mga taga Imaginary World at nakuha nila ang pakay nila.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon