Chapter Fifteen

350 13 0
                                    

Chapter Fifteen: Not an ordinary girl

"What? Pumayag kang magtraining kahit na tao ka?" Confuse na tanong ni Samantha sa'kin pagkapasok ko ng kwarto niya.

Dito na kasi ako magi-stay pamula ngayon, hindi daw kasi magandang tingnan na magkasama ang lalaki at babae sa isang kwarto.

"Definitely yes" sagot ko dito at tsaka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Kasi naman hindi ko maintindihan kay God Zeus kung bakit kinakailangan ko pang magtraining eh hindi naman ako kagaya nila.

"Ewan ko ba din kay God Zeus, ang gulo gulo kausap" dagdag pa ni Samantha sabay higa sa kama niyang gawa sa puno.

Hindi nalang ako umiimik dahil iniisip ko pa din ang mga pwedeng mangyari kung sakaling sisimulan na yung training.

May oras kasi ang pagt-training, once na naging gabi ang stado ng Imaginary World, magsisimulang lumabas ang lahat ng angels, fairies at maging Gods and Goddesses sa templo para magensayo.

Kung dati anytime pwedeng magtraining kapag gusto mo, ngayon hindi na, ginawa niya na iyong gabi para daw mas matutukan ang pagt-training, at para daw mas makapagensayo ako.

Kapag nagumaga na ulit, it means tapos na ang oras ng pageensayo. Kaya nga, di ako mapakali dahil bukod sa hindi ko alam kung paano gagamitin yung sphere na lumalabas sa kamay ko ay ito rin ang unang beses na mageensayo ako at hinihiling ko na wala ng susunod pa.

Alam kong imposible iyon, kung bakit ba naman nagagawa ko iyon, kung hindi ko sana nadiskubre ang bagay na nagagawa ko ay hindi sana ako kabilang sa mga magt-training.

Napabuntong hininga nalang ulit ako. Kailangan ko tong harapin, siguro naman kahit papaano makakatulong ito sakin, lalo pa't walang oras na safe ako, dahil sabi nila kukuhanin nila ako.

"Gosh. Gabi na Mich, the training will start. Let's go" halos pigil ang hininga ko ng tingnan ko ang labas mula sa bintana ng kwarto.

Tama siya, gabi na nga sa labas, at kahit walang kailaw ilaw sa labas ay tanging sinag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.

Hindi iyon ordinaryong buwan dahil sampung laki ang hinigit nito kesa sa mundong tinitirhan ko.

Pansin ko din sa labas na nagiba ang awra ng kapaligiran, naaaninag ko nalang ang mga puno at bulaklak sa kapaligiran, hindi narin umuulan ng snow at tanging ihip nalang ng hangin ang maririnig mo sa labas.

Bigla tuloy akong kinilabutan, para kasing aatake na ang mga taga Black Blood World sa sobrang tahimik ng kapaligiran.

"Hey Mich, let's go, nagsisimula na silang lumabas" ang sambit ni Samantha na nakapagbalik sa'kin sa wisyo sakin mula sa pagiisip ng malalim.

Nang makalabas kami ng kwarto ay maraming naglalakad sa hall papalabas ng templo.

Napahawak ako sa braso ni Samantha at napatago sa likuran nito habang naglalakad kami.

Ibang iba kami ang awra nila ngayon, sobrang tahimik, na tipong mga footsteps lang nila ang mga naririnig ko.

Kita ko rin na ang ibang mga fairies ay may dalang pana, na tila ba parang makipagbakbakan sa isang digmaan.

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa kinakabahan ako, paano kapag napahiya ako doon? Isyu na naman yun pag nagkataon.

"Fairies, Angels, Gods and Goddesses, and human" panimula ng God Zeus sa amin ng makalabas na ang lahat.

Panimula palang kinakabahan na ako, knowing na ako lang yung binanggit niyang 'human'.

Nakalutang ang mga ito sa hangin kasama ang iba pang Gods and Goddesses.

"You will be train every night, and the training time will end when it's already day" patuloy pa nito, bigla namang humangin ng malakas kaya rinig na rinig naman ang paggalaw ng mga dahon sa puno.

Niyakap ko naman ang sarili ko dahil giniginaw na ako.

"Were going to watch you if you are doing good, and of course, gada mage-end ang training night kailangan niyong ipakita samin kung anong nagimprove sa inyo" saad pa nito at tsaka nilibot ang tingin saming lahat, napansin ko namang tumigil ito ng ilang segundo nang mapadako ang tingin nito sa'kin kaya napaiwas ako.

"That's all let's start" pagtatapos pa nito at tsaka naghiwa hiwalay ang mga fairies at angels.

Maging si Samantha ay humiwalay na din sakin, natanaw ko namang palalapit sa'kin si Nic at Zach.

"Good luck sa first training mo, Zach balitaan mo nalang ako" bungad ni Nic nang bahagya silang makalapit sa'kin

"Yes, I will" sagot ni Zach tsaka tuluyang umalis si Nic.

"So, let's go?" Tanong ni Zach kaya naman tumango ako.

Naglakad kami papasok sa templo na siyang ipinagtaka ko. Hindi naman siya umiimik kaya hindi rin ako nagtatanong.

Akala ko ba mageensayo ako? Bakit pumasok kami sa loob?

Nang makarating kami sa dulo ng templo ay may binuksan itong pintuan at pagkapasok namin ay tsaka ko lang narealize ang lahat.

Doon kami sa kwarto magt-training, hindi iyon ordinaryong kwarto lang, malaki ang espasyo noon kumpara sa mga kwarto ng fairies at angels.

Nandoon nadin ang kailangan mo sa pagt-training, may mga halaman, maliit na waterfalls, maging mga hayop nandoon na din. Meron ding ibang mga kagamitan doon kagaya ng pana, marami ring nakapalibot na training target.

"Dito tayo magt-training, ito kasi ang training area ng mga beginners" panimula ni Zach kaya tumango tango lang ako

Lumapit siya sa may mga halaman, kasi iyon ang kapangyarihan niya diba? Ang bigyan ng sariling buhay ang mga halaman para makaatake sa kalaban.

Bumunot siya ng isang bulaklak at maya maya pa ay naging isang mabangis na kung anong creature iyon.

Napa sh*t nalang talaga ako sa sobrang gulat.

Nakakatakot kasi yung itsura ng creature, kasing laki at hugis iyon ng baboy ramo sa real world, may sampung malalaki at malalapad na paa, iisa lang din ang mata nito na nanlilisik at may limang sungay.

Hindi ko alam kung ano ba ang itatawag ko sa creature na binuo niya.

Hinimas himas niya sa ulo ang creature na iyon at mukha namang umaamo iyon.

"We will start"

"H-huh---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil ang kaninag himas himas na creature ni Zach ay papalapit sakin at tila ba parang susuwagin ako nito.

"T-teka Zach, what is this?"

"You need to stop it, or else, it will hurt you"

Halos pandilatan ko ng mata si Zach dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? What the?

Tumakbo ako papuntang pintuan pero hahawakan ko pa iyon pero nakaharang na yung creature na binuo ni Zach.

Mabilis itong nakalapit sakin kaya napaupo ako sa sahig.

Lumapit ito ng bahagya kaya naitapat ko ang dalawang palad ko dito at tsaka ako napapikit.

You can do this Mich.

Next thing I knew ay may narinig lang akong parang nabasag ang bintana ng kwarto.

Nang iminulat ko ang mata ko ay isang bulaklak nalang ang nasa harapan ko, pero nagtaka ako ng tingnan ko ang buong paligid ng kwarto.

Si Zach na sira sira ang suot na dahong damit at gulo gulo pa ang buhok nito na tila dinaanan ng bagyo.

At ang sirang kwarto, basag ang bintana, wasak ang pintuan.

Shit. Anong nagawa ko?

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon