Chapter Four

513 15 0
                                    

Chapter Four: The other world - Imaginary World

Pagkatapos akong mahila doon ay pinagmasdan ko ang kapaligiran.

Nasaan ako?

Umuulan ng snow sa buong paligid, halo halo ang mga uri ng puno, may mga malalaking puno na tila ilang dekada na at meron ding cherry blossom.

Parang totoong totoo ang cherry blossom dahil sa reyalidad ay nakakita na ako noon.

May isang templo lang ang nakita ko sa buong lugar, sobrang laki noon, hindi lang triple ng laki ng bahay namin ang sukat noon animo'y parang iyon ay white house sa United States.

Tanging iyon lang ang building na nakatayo sa buong lugar na napalilibutan ng mga bulaklak at puno.

Nasaan ba talaga ako?

Nakatago ako ngayon sa likod ng isang malaking puno at pinagmamasdan ang templo at hinihintay na may taong lumabas dito.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ding lumalabas mula sa loob.

Hahakbang pa sana ako ng makarinig ako ng ingay na nagmumula sa loob kung kaya't agad ulit akong bumalik mula sa pagkakatago.

Nang silipin ko ulit ang templo ay halos atakihin ako sa puso dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Kitang kita ko ngayon na may mga grupo ng tao na lumilipad.

Wait. Tao ba talaga sila?

Lumilipad ang mga ito sa iba't-bang direksyon, nang pagmasdan ko iyong mabuti ay malalaki ang tenga ng mga ito at ang mga damit ng mga ito ay gawa sa dahong natuyo.

F-fairies?

Imposible. Nageexist ba talaga ang mga ganun? Pero pano?

Animo'y kagaya sila ng napanood kong movie sa Tinkerbell. Pero meron din kayang Pixie dust?

Kinusot ko ang mata, sa pagaakalang naghahallucinate ako sa mga nakikita ko, pero totoong totoo ang lahat.

Fairies do exist in this world.

Pero tao ako, tama bang nandito ako sa lugar na ito? I don't even know if I'm safe here.

Gusto ko ng bumalik sa reyalidad, ayoko na dito, nakita ko palang yung mga fairies, natatakot na ako.

Who knows, kung kasing bait nga sila ng mga fairies na napapanood sa movie.

Pilit kong inalala yung nangyari bago ako napunta dito sa lugar na ito.

Ang tanda ko lang, kamay ko lang yung ipinasok ko doon sa salamin, pero tuluyan akong pumasok sa loob.

Wait. May tumulak sa'kin! Nakakasigurado ako doon. Pero sino? Yung matanda?

Tama. Siya lang ang makakagawa noon sa'kin. Tama siguro ang hinala ko ng mangkukulam iyong matandang iyon.

Una palang, dapat hindi ko na siya pinagkatiwalaan.

Kailangan ko ng bumalik sa reyalidad, I can't stay here any longer.

There must be a way out.

Lumingon lingon ako sa pinanggalingan ko para tingnan kung may daan ba pabalik.

Humakbang ako doon sa pinanggalingan ko para tingnan yung daan, madilim lang doon sa dinaanan ko kanina.

Kahit nagaalinlangan ay tinahak ko pa din iyon. Halos kanina pa ako naglalakad pero wala akong maaninag.

Biglang lumiwanag ang buong kapaligiran, kaya napapikit ako, nang ramdam kong hindi na maliwanag ay iminulat ko na ang mata ko.

Napaupo ako sa pagkagulat dahil ay may panibago na namang creature ang nasa harapan ko.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon