Chapter Twenty - Nine

336 13 0
                                    

Chapter Twenty - Nine - Final Chapter

A/N : Naks! After this is Epilogue. Natapos agad ni author ang story. Hahahaha.

***

(Makalipas ang isang taon...)

"Ms. Mich, may book signing po tayo sa MOA, marami po kayong mga fans doon" sambit ni Ms. Bautista, siya iyong sekretarya na kinuha nila mama.

"Okay, pakisabi kay manong na pakihanda ng kotse" sagot ko at tsaka ito marahang tumango at lumabas ng silid.

Sa loob ng isang taon ay napakarami nang nangyari. Isinulat ko ang ginawa kong story which entitled Imaginary World sa Wattpad, and I didn't expect na maraming tao ang tatangkilik ng storyang iyon.

Lahat ng characters ay kaparehas ng mga taong nakilala ko sa Imaginary World. Maging sarili kong pangalan, ang ginamit kong bida doon sa librong ginawa ko.

Lahat ng nangyari doon sa Imaginary World ay nakasulat sa librong ginawa ko. Nagawa ko yung librong iyon dahil sa pangumgulila ko kila Samantha, lalong lalo na kay Nic. Kahit na nagawa ko na iyon before, marami akong binago dahil mismong ako, naranasan ko.

Hanggang ngayon, wala pa rin si Nic, pero hindi ako tumitigil sa paghihintay.

Ngayon, published na iyong librong ginawa ko at sold out na din. Marami silang naka appreciate ng librong ginawa ko.

Agad na akong lumabas mula sa silid at sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe ay hindi ko parin maiwasan na hindi maisip si Nic.

Wala paring nagbabago, ganun padin ang pangungulila ko sa kanya. Walang segundo na hindi ko siya naiisip. Miss na miss ko na siya.

Bago bumaba sa kotse ay inayos ko muna ang sarili ko. Naglagay ako ng konting make up, at naglipstick narin.

Pagkabukas palang ng pintuan ng kotse ay sinalubong ako ng maraming tao. Bawat pagbati nila sa'kin ay siyang pagsukli ko naman ng ngiti sa kanila. Lahat sila hawak hawak yung librong pinublished ko, kaya naman hindi mawala wala ang ngiti ko.

Bawat kita ko doon sa published kong libro ay naaalala ko sila Samantha at Nic. Nakakapagpaalala sa'kin iyong libro na iyon kung ano yung mga pinagdaanan ko sa Imaginary World.

Naupo ako sa isang upuan at sa unahan nito ay mas isang lamesa. Nakapila sila para maglagay ako ng signature doon sa libro ko na binili nila.

"Ate Mich, idol na idol ko po talaga kayo, naiinspired po ako sa inyo" sambit ng isang babae na mga nasa edad 15 palang.

"Salamat" sagot ko dito at tsaka naglagay ng signature doon sa libro.

Kinuha naman nito ang cellphone  niya at tsaka kumuha ng litrato saming dalawa.

"Ate Mich, may tanong po ako, bakit po kapangalan niyo yung leading character? At tsaka po bakit po parang ang totoo ng lahat kung paano niyo po isinulat yung libro niyo?" Tanong ng isang babae na mga kasing edad ko lang.

Natigilan naman ako dahil sa klase ng tanong niya. Kung alam niya lang na totoo ang lahat. Na lahat ng nangyari doon sa libro ko ay nangyari din sa'kin.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon