Chapter Seventeen

306 11 0
                                    

Chapter Seventeen: Jealous Angel

Ilang training time na ang nakalipas at masasabi kong nagiimprove na ako, at dahil iyon kay Zach, ang galing niya kasing magpaliwanag ng ganyan at ganito.

Pamula doon sa sinabi niyang kapag marerelease ako ng sphere kailangan daw pakiramdaman ko ang sarili ko kung hanggang saan ang kakayanin ko hindi daw kagaya ng una kong ginawa na sobrang napalakas ang release ko ng sphere.

Pati narin sa pagkontrol nito dapat daw kapag alam kong sapat na yung laki at lapad ng sphere ay tsaka ko ito irerelease para patamaan yung target.

Sinubukan din ni Zach na ibalik sa akin yung sphere na ginawa ko para patamaan siya, noong una, hindi ko kaagad yun nabasag, nasugatan pa nga ako noon, pero ngayon marunong narin akong basagin iyon, sabi pa niya it's either babasagin ko yung sphere o hihigupin ko ulit pabalik, kasi sakin din daw naman nanggaling yun kaya makokontrol ko. Kapag daw galing sa akin yung sphere na ibinalik, higupin ko nalang daw pabalik dagdag lakas daw iyon pero kapag galing sa kalaban, basagin daw kasi hindi iyon pwedeng higupin at hindi nanggaling sakin.

At ang dami pa niyang tinuro sa'kin buti nalang kahi papaano ay natandaan ko. Medyo tahimik narin ang templo kasi wala ng balita sa Black Blood World.

"Hey Mich, tara muna doon sa labas, naghihintay doon satin sila Nic at Zach" sambit ni Samantha sa'kin at tumango nalang ako dito bilang pagsagot.

Pagkalabas namin ng templo ay naabutan namin sila Nic at Zach na nagtatakbuhan, sila Jonathan at Brylle naman nagbabatuhan ng bulaklak.

Parang mga bata ang mga ito.

Napatigil sila sa ginagawa ng makita nila kaming dalawa ni Samantha.

"O, Mich, Samantha kayo pala" bungad ni Nic ng makalapit silang lahat samin.

"Tara doon tayo" dagdag ni Zach at tsaka walang pasabing hinigit ang isang braso ko, kaya hindi na ako nakaangal pa.

"T-teka san ba tayo pupunta?"

"Basta"

Nang makarating kami sa gitna ng mga naggagandahang bulaklak ay halos hindi ko inalis ang tingin ko sa mga ito.

"Wow" tanging salita na nasabi ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa mga makukulay na bulaklak.

Ang ganda, para kaming nasa paraiso, kulang na nga lang rainbow.

Lumapit ako sa mga ito at tsaka ako pumitas ng isa at tsaka ko iyon inamoy.

"Ang ganda dito" saad ko pa at tsaka nginitian si Zach.

Bakit ngayon lang ako nakapunta dito? Eh matagal na din ako dito sa Imaginary World. Tuwing nakikita ko kung gaano kaganda ang kapaligiran parang nawawala sa isip ko lahat ng problema.

Teka nasaan pala sila Nic at Samantha? Akala ko kasunod lang namin sila.

"Tara upo tayo"

"H-ha?" Takang tanong ko dito pero imbes na sagutin ako nito ay hinawakan ako nito sa kamay at tsaka kami umupo sa malapit na puno.

Hinigpitan nito ang hawak nito sa kamay ko at pinagtag-op pa ang mga daliri namin.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksiyon ko kasi parang iba ang paghawak niya sa kamay ko.

Pinagmasdan ko lang itong nakangiting inililibot ang mga mata niya sa paligid.

Nang mapadako ang tingin nito sa'kin ay kunot noo itong tumingin sakin pero hindi parin mawala wala yung ngiti niya.

"May problema ba?" Tanong nito pero hindi ako umimik imbes ay tumingin lang ako sa magkahawak naming kamay.

Geez. Bakit ba ang sweet niya? Ngayon lang siya naging ganan.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon