Chapter Three

513 20 1
                                    

Chapter Three: The Portal.

Pagkadating ko sa amin ay hindi ko na pinansin ang sinasabi ni mama, dahil iniisip ko pa din yung sinabi ng matandang babae sa'kin.

Ibig niya bang sabihin, kailangan kong pumunta sa salas mamayang 12 midnight? Para doon sa salamin?

Halos buong gabi akong nagiisip doon, hinihintay kong mag 12 midnight, para malaman kung anong ibig sabihin niya.

Kakainin na ako ng kyuryosidad ko.

Nang pumatak na ng 12 midnight ay tahimik akong bumaba ng salas namin.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay tila parang bumibigat ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa ginagawa ko.

Wala pa ako sa kababaan ng hagdan ay halos mapasigaw ako sa gulat.

Kitang kita ko yung matandang babae sa labas ng bahay namin, may transparent glass lang kasi iyon kaya makikita mo talaga ang nasa labas.

Nakangiti ito sa'kin at habang may tinuturo sa loob ng bahay namin.

Shit. Kinikilabutan ako. Paano kung mangkukulam pala ito?

At tsaka paano siya nakapasok sa loob ng bakod ng bahay, eh kasing taas ng bahay namin ang gate?

Creepy.

Kahit pawisang pawisan na ako ay ipinagpatuloy ko pa din ang paglalakad ko.

Ewan ko kung bakit sumusunod ako doon sa matanda, nakaturo parin ito sa kung saan, nang sundan ko ng direksyon ang tinuturo nito ay doon ito nakaturo sa malaking salamin na antik namin.

Lumapit ako ng bahagya sa bagay na iyon, para tingnan kung anong meron doon.

Natatakot ako na baka katulad iyon ng napapanood ko sa mga horror movies.

Iyon bang may sumpa ang gamit, tapos may papatay sa kung sino mang may nagmamayari.

Aish.

Ano ba tong iniisip ko?

Halos guluhin ko na ang buhok ko dahil sa mga kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Nang lingunin ko ulit ang matanda sa labas ay wala na ito.

Shit lang.

Bakit ba ang hilig mawala ng matandang iyon? Nakakatakot.

Baka mamaya, nakapasok na pala siya dito sa loob ng bahay namin.

Nang lingunin ko ang salamin na nasa harapan ko ay halos masilaw ako sa sobrang liwanag nito.

Shit, hindi ko alam na may ilaw pala itong salamin na ito, akala ko  basta lang itong salamin.

Makalipas ang ilang segundo ay unti unting nawala ang liwanag na nagmumula sa salamin.

Pero ng mawala na ang liwanag ay nagulat akong hindi ko makita ang repleksyon ng sarili ko.

Ano ang bagay na ito?

Nang titigan ko iyon ng maigi ay para bang may kung ano ang nasa loob.

Kinusot kusot ko pa ang mata ko, at nagbabakasakaling nananaginip lang ako.

"May tao ba diyan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita, at kita ko si mama na pababa ng hagdan.

Buti nalang at hindi ko binuhay ang ilaw at madilim, kaya hindi niya ako makikita

Kung kaya ay nagtago ako sa katabing refrigerator ng antik na salamin.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon