Chapter Eleven

372 12 0
                                    

Chapter Eleven: The Astronomer.

"Okay ka na ba Nic?" Tanong ko dito habang inaalalayan siyang bumangon.

"Yeah" sagot pa nito at hawak padin ang braso niya.

"Paano mo nagawa yun?"

"H-huh?" Nagtatakang tanong ko ko at tsaka ko naalala yung ginawa ko doon sa dalawang angel.

May sphere na tumama sa kanila galing sa akin kaya tumilapon ang mga ito.

"Hindi ko din alam eh, basta galit ako non, kaya nagawa ko yun" sagot ko dito.

"Huwag mo na ulit gagawin yun, ikakapahamak mo na, kapag inulit mo pa yun" sagot pa nito at tumango nalang ako.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kamahalan at may kasama itong isang fairy.

Kakaiba ang fairy na iyon dahil kulay black ang suot niyang dahon na damit kaya naman nagtaka ako.

"What is this?" Salubong na tanong ni Nic ng bahagyang makalapit ang mga ito samin.

"Siya ang Astronomer, kapangyarihan niyang makapagsabi ng hinaharap ng isang tao o kung anong meron dito" sagot naman ng kamahalan na hindi man lang kami tinatapunan kahit isang tingin lang.

Astronomer?

Bigla namang lumapit yung sinasabing astronomer kaya medyo nagulat ako.

Itinapat nito ang kamay niya sa mukha ko at madiing pumikit.

"Masyadong malabo ang nakikita ko sa taong ito, pero isa lang ang masasabi ko" dumilat ito at tumitig sa'kin "May malaking delubyo ang magaganap"

Halos matigilan ako sa sinabi ng astronomer. Lahat kami ay natahimik sa sinabi nito, kaya nakabibinging tahimik ang bumalot sa kabuuan ng kwarto.

"M-malaking delubyo?" Halos kandautal kong tanong dito kaya tumango ito.

"Kahit na alam nating malabong mabago ang hinaharap ay kailangan parin natin itong pigilang mangyari, kailangan na nitong bumalik sa sarili niyang mundo" dagdag pa nito

Nakita ko namang pati si Nic ay naguguluhan sa nangyayari samantalang si kamahalan ay napapailing nalang.

"But how? How can we supposed to get her back in her world?"

"Napakadelikado ang paraan ng pagpapabalik sa mundo ng babaeng ito" Di na ako makahinga dahil sa mga pinagsasasabi nito.

"Wala ng iba pang paraan para maibalik siya sa sarili niyang mundo kaya mangyayari ang sinasabi kong malaking delubyo, maging ang pagbabalik niya sa mundo niya ay napakadelikado, maiibalik natin siya sa araw na mangyayari ang malaking delubyo" pagpapatuloy pa nito at tsaka ko naramdamang umigting ang panga ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa lahat ng sinabi nito sa'kin.

Feeling ko kasalanan ko itong lahat, kasalanan ko kung bakit mangyayari iyong delubyo na sinasabi niya.

It's all my fvcking fault! Ang sakit isipin na ginulo ko pa ang payapa nilang mundo!

"Kailangan niyo itong paghandaan" huminga ito ng malalim at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita "Dahil ang delubyong tinutukoy ko ay ang mga kalaban ng mundo natin, Black Blood World"

Napakunot ako ng sabihin niya iyon lalo na ang katagang 'Black Blood World'

"It's all your fault human! Everyone is in danger now, because of you!" Nagulat ako ng hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ang kamahalan at sinisigawan na ako.

Pinigilan kong wag tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.

"It's not her fault, why do you have to blame her?" Sagot ni Nic at humarang siya sa una ko para takpan ako.

Hindi na sumagot ang kamahalan at padabog itong lumabas ng kwarto kaya hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Shhhh. Don't listen to him it's not your fault" pagpapatahan sakin ni Nic at hinawakan ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko.

"Hija, hindi mo ito kasalanan, may naglagay sayo ditong kaaway ng Imaginary World" hindi ko napansin na nandito pa pala ang Astronomer kaya napatigil ako sa pagiyak.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko ito sinagot "A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Wala ka bang naaalala na responsibilidad kung bakit ka nandito?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. Yung matandang babae! Siya nga ang may kagagawan ng lahat!

"Meron po, matandang babae po, siya po ang nagsabi sakin ng daan patungo dito, pero diko po talaga alam kung anong meron dito, tsaka hindi ko rin po intensiyon na mapapunta dito, may tumulak po sa'kin at nakasisiguro po akong siya yun" pagpapaliwanag ko dito kaya mas lalo itong napaisip.

"Siya nga, pero hindi ko maintindihan kung bakit ikaw yung napili niya"

"Nagtanong po kasi siya ng kahilingan, ang sinagot ko po ay yung magexist nalang ako sa mundo kung saan almost perfect lahat" sagot ko dito.

"Basta hija, magiingat ka palagi, wag ka basta basta magtitiwala kung kanino, piliin mo yung taong sigurado kang mapapagkatiwaalan, kailangan mo ding paghandaan ang araw ng pagdating ng delubyo, dahil magiging mahirap iyon para sa'yo" saad nito at tsaka ito umalis ng kwarto.

Napaupo naman ako sa kama ko at napasapo ang kamay ko sa ulo ko, pilit kong iniintindi lahat ng sinabi niya.

Una, may malaking delubyo na dadating at yon ay mga kalaban ng Imaginary World - ang Black Blood World.

Pangalawa, kailangang sigurado daw ako sa lahat ng pinagkakatiwaan ko.

At pangatlo, maging ako kailangan kong maging handa sa pagdating nila.

Sumasakit na ulo ko sa kakaisip, kakaisip na anong kinalaman ng Black Blood World dito sa lahat ng nangyayari at anong pwede nilang gawin?

At kung may traitor man sa sinasabi ng Astronomer, meron ba kaya? O wala? Kung meron, sino? At kokonti lang ang kilala ko dito.

At panghuli, paano ako maghahanda? Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non? Wala rin akong kapangyarihan na kagaya ng sa mga nakatira dito.

Ewan ko ba. Hindi ko na alam kung kaya ko pang magtagal dito sa mundong ito, feeling ko habang tumatagal ang pananatili ko dito mas lalong nagiging komplikado ang lahat.

"Shhhh. Don't stress yourself, everything's gonna be alright" pagcomfort ni Nic sakin nang mahalata niya na maiiyak na naman ako sa mga pangyayari.

Bigla akong napayakap sa kanya dahil wala na akong mapagbuntungan pa ng problema.

Nandito na ako sa mundong ito kaya kahit na anong gawin ko, damay at damay nako dito.

Impit kong kinagat ang ibabang labi ko dahil feeling ko nagiinit na naman ang gilid ng mata ko at feeling ko may nagbabadya na tumulong luha mula doon.

Ilang minuto akong nakayakap sa kanya at ganun ang posisyon namin.

Nang mahimasmasan ako, natauhan ako sa ginawa ko, - ang pagyakap sa kanya.

Hindi ba awkward yon? Yung niyakap ko siya. Geez. Feeling ko namumula na ang dalawang pisngi ko.

"S-sorry" sambit ko at tsaka ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

Napansin ko namang namumula ang tenga neto kaya napakunot ako ng noo.

May sakit ba siya?

"Okay lang" sagot nito at tsaka ngumiti sa'kin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas na naman ang pintuan at iniluwa nito sila Samantha kasama sila Zach.

Lahat sila ay hapong hapo na tila ba parang galing sa takbuhan. Kaya medyo nakaramdam ako ng kaba.

Ano na namang meaning nito?

"B-bakit kayo hingal na hingal? Samantha, anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa mga ito, lumipas ang ilang segundo at huminga muna ng malalim si Samantha bago ako sinagot.

"A-ang black blood world, may mensahe silang ipinadala"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon