Chapter Twenty - Eight

313 8 0
                                    

Chapter Twenty - Eight - Real World

"A-anong nangyari? Bakit umiiyak ang anak natin?" Salubong na tanong ni mama samin ng makarating kami.

Nakayuko padin ako habang patuloy padin ang pagiyak ko. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi dahil napakasariwa pa ng lahat.

Parang kanina lang kasama ko pa sila Samantha, at parang kanina lang pinaramdam namin ni Nic sa isa't-isa kung gaano kami nagmamahalan.

"Kailangan muna natin siyang pagpahingahin, hindi makakabuti sa kanya kung marami tayong itatanong sa kanya nang ganyan ang sitwasyon niya" rinig kong saad ni papa at pagkatapos noon ay ramdam kong isang mainit na yakap ang ginawa ni mama sa'kin.

Mas lalo akong napahagulhol sa pagiyak habang yakap yakap si mama. Ramdam ko ang bawat paghagod na ginagawa niya.

Parang gusto nang bumigay ng talukap ng mata ko sa sobrang dami na ng naiiyak ko. Ang daming nangyari ngayon at hindi ko na alam kung paano pa iyon tatanggapin ng isip ko.

Naramdaman ko nalang na hinang hina ang mga paa kong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko.

Inihiga ako nina mama at papa at tsaka ako kinumutan. Pagkalabas nila ng kwarto ay mas lalo akong naiyak ngayong magisa na ako.

Bakit hindi pwedeng magsama kami? Bakit kailangang masaktan ako ng ganito? Bakit kailangang magwakas ang pagmamahalan namin ni Nic nang ganito? Bakit? Bakit? Bakit?

Hindi ko na alam pa kung paano ko pa haharapin ang mga bawat araw na hindi siya kasama. Nasanay na akong nandiyan siya. Nasanay na ako sa presensiya na. Pero ngayon wala na. Hindi na talaga kami magkikita kahit kailan.

Ramdam na ramdam ko padin ang mainit na tubig na dumadaloy sa mukha ko mula sa mga mata ko.

Bigla kong naalala yung bulaklak na binigay sa'kin ni Nic na ipinatong ko sa side table na katabi ng kamang hinihigaan ko.

Umupo ako at tsaka dinampot iyong bulaklak at tsaka sumandal sa headboard ng kama. Tinitigan ko yung bulaklak kaya mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila.

"Mas maganda ka pa sa bulaklak"

Napapikit ako nang marinig ng isip ko kung paano sinabi ni Nic ang mga katagang iyon. Pilit kong inaalala ang bawat parte ng mukha niya.

"Sshhh. You don't need to be sorry. Alam ko namang aabot din tayo sa ganito, ang gusto ko lang, sana wag mo akong kakalimutan"

Napahikbi na naman ako nang pati ang linya niyang iyon ay naalala ko din. Kahit sabihin niyang dapat hindi ako humingi ng sorry, sobra padin akong nagi-guilty dahil wala man lang akong nagawa para hindi mahantong sa ganito ang pagmamahalan namin.

Oo Nic. Hinding hindi kita makakalimutan. I will never forget a man like you. I will never forget our memories we spent together. I will never forget how much we love each other.

Hinding hindi kita makakalimutan at wala na akong planong magmahal pa ng iba. Kahit tumanda pa akong dalaga, okay lang. Kahit alam kong imposible, hihintayin parin kita Nic. Kahit ilang araw, linggo, buwan, taon o dekada man ang lumipas aasa at aasa pa din ako na magkakasama pa din tayo at ipagpapatuloy padin natin ang pagmamahalan natin.

Mananatili ka sa puso ko, Nic.

Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng talukap ng mata ko, at ramdam kong unti unti akong nakatulog

***

Pagkagising ko ay napaupo ako at tinitigan lang ang window glass na tanaw ang magandang tanawin sa labas. Tumatama din sa mukha ko ang sinag ng araw.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon