Chapter Two

505 22 0
                                    

Chapter Two: Careful what you wish for.

Buong gabi akong umiiyak dahil sa nangyari, wala akong pakialam kung makita man ni mom na namamaga ang mata ko.

She don't even care at all.

"It's your exam today right? Do well on your exam, I'm expecting too much from you" bungad na salita ni mom pagbaba ko.

Hanggang ngayon ba yon pa din ang iniisip niya?

Hindi ko nalang siya pinansin at nagdire diretso akong lumabas ng bahay.

"Okay class, you may start your exam now"

Hindi magsink in sa'kin ang nangyayari ngayon, ni hindi rin ako nakapagreview kagabi.

Hindi ako makapagfocus sa exam ngayon. Babagsak ako neto, pero wala na akong pakialam doon, bagsak na kung bagsak.

"Ms. Sandoval, I noticed na marami kang walang sagot sa exam mo? Is there any problem?" tanong ng prof namin, kaya umiling na lang ako habang nakayuko.

"You should be careful on every move you make, it can affect your rank, sayang second to the highest ka pa man" hindi na ako umimik dahil wala na akong maisagot pa.

Alam ko namang bababa at bababa rin ako, pinaaga ko lang.

"Miss, penge namang tubig" saad ng isang matandang babae, na kamuntikan ko ng mabangga.

Nakatingin ito ngayon sa tubig na hawak ko.

"S-sige na, ilang araw na akong hindi umiinom" dagdag pa nito, kaya kahit nagaalinlangan ay ibinigay ko ang tubig na hawak ko, hindi ko pa iyon naiinuman.

Kaya ko namang bumili ng isa pang tubig kumpara dito sa matandang babae na walang wala talaga.

"Salamat hija, may busilak kang puso" sabi nito sa'kin at tsaka ako nginitian.

Aalis na sana ako nang bigla ulit itong nagsalita.

"Hija, kung may kahilingan ka, ano iyon?"

Napalingon ako sa sinabi nito at tsaka napakunot ang noo.

"Kung may hiling man po ako, yun po ay yung sana sa ibang mundo nalang po ako magexist, kung saan perpekto ang lahat" sagot ko dito at tsaka ako tumalikod at humakbang ulit.

Nakakailang hakbang palang ako nang marealize ko kung bakit niya iyon tinanong sakin.

Pero paglingon ko ay wala na yung matanda, nilibot ko pa ang tingin ko, pero tanging ako lang ang nasa daanan.

"Nasaan na iyon?" Bulong ko nalang sa sarili ko.

"Hi Mich" halos mapatili ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko.

Siya ulit? What the heck? Sinusundan niya ba ako?

"What the heck? Are you following me?" saad ko dito at tinapunan ko ito ng masamang tingin.

"Nope. Actually, I'm on my way too" sagot nito habang nakapamulsa

"Whatever" sagot ko at tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Iyon din ang daan niya, but I've never seen him before. Baka nagdadahilan lang iyon.

Pagkapasok ko ng bahay ay ngulat akong sampal ni mama ang sumalubong sa'kin.

"What the hell Mich?! What is this? Your teacher said, out of 100, 35 lang nakuha mo? Are you kidding me?!" Bulyaw nito sa'kin, habang ako ay nakahawak sa pisngi ko.

Hindi na ako nagabalang sumagot sa halip ay nilagpasan ko ito.

Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay hinawakan niya ang kamay ko.

"What now, Mich? Tatalikuran mo na ako? Habang hindi pa kita tapos kausapin?" Humigpit ang hawak nito sa kamay ko kaya naman tinanggal ko iyon.

"Ano pa ba ma ang sasabihin mo? That I dissapointed you? That I'm such a stupid daughter? All this years ma! All this years I prentend that I want this course, even if I'm not, you can't blame me for this, sawang sawa na ako!" Sagot ko dito at nakatanggap ulit ako ng isang sampal mula sa kanya.

"Ganyan ba ang tinuro ko sa'yo? Na sagut-sagutin mo ako?"

"Teka lang ma, may tinuro po ba kayo sa'kin? Wala po akong matandaan, may pakialam lang po kayo kapag usapang school na" natigilan naman ito dahil sa pagkasarkastiko kong tono.

"You're really getting into my nerves, as your punishment, you are grounded for 1 month, i won't even let you use your gadgets"

Grounded?

Seems fun. Pero hindi na iyon bago sa'kin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo ako papalabas ng bahay, tanging huling sigaw nalang ni mama ng pangalan ko ang huling narinig ko bago pa man ako makalayo.

Hingal na hingal ako sa katatakbo at nang tumigil ako ay puro mga puno ang nakikita ko.

Halos mapasandal ako sa puno at mapaupo dito, tsaka ko niyakap ang sariling tuhod ko.

Hindi ko na kaya. Feeling ko bibigay na ako anumang oras.

"Ito oh, panyo, kailangan mo yan ngayon" napatigil ako sa pagiyak nang may magsalita.

Nang tingnan ko ito ay siya yung lalaki kanina, may hawak itong panyo ngayon, at nakalahad ito sa'kin.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at tsaka tumayo para harapin ito.

"Bakit mo ba ako sinusundan?! I don't need your help!" Bulyaw ko dito.

Ayokong makita ng ibang tao na mahina ako, na umiiyak ako.

"Tanggapin mo na ito---" hindi ko na ito pinatapos pa dahil tinabig ko yung kamay niya at tsaka ulit ako tumakbo.

Lumingon pa ako sa likudan para makita kung sinusundan niya ako.

"Ikaw pala hija, bakit ka ba tumatakbo?" Halos mapatalon ako sa gulat ng makasalubong ko ang matandang babae na kanina'y binigyan ko ng tubig.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko, ngumiti naman ito sa'kin.

"Nandito ako para sabihin sa'yo ang importanteng bagay" saad nito kaya naman napakunot ang noo ko.

"Mamayang 12 midnight, pumunta ka sa salas niyo, yung malaking salamin doon, mahalaga iyon"

Napaisip ako sa sinabi niya.

Malaking salamin?

Teka. May antik na malaking salamin nga kami doon sa salas, pero paano niya nalaman?

Hindi kaya magnanakaw siya? Pero imposible.

"P-pano niyo po---"

"Magiingat ka palagi hija, una na ako" sagot nito sa'kin at tsaka naglakad papalayo.

Bakit ba ang creepy ng mga nangyayari ngayon sa'kin? It's strange na nakasalubong ko ulit iyong matanda ngayon, samantalang kanina ay nawala siya nang parang bula.

Feeling ko may something doon sa matanda, pero hindi ko lang malaman kung ano.

Ang creepy din na hiningi niya yung wish ko kanina. Genie ba siya?

"Mamayang 12 midnight, pumunta ka sa salas niyo, yung malaking salamin doon, mahalaga iyon"

Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon?

----

A/N: Hi guys, if you're into a ghost story, or gusto niyo po yung mga kwentong tungkol sa ghost, pwede niyo pong basahin yung story ko, Third Eye po title non, completed na rin po, love story po iyon, hindi po horror. Hahaha. Yun lang.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon