Chapter Five

449 14 0
                                    

Chapter Five: The Decision

"Kailangan na kitang dalhin sa kanila para mapagdesisyonan kung anong gagawin sa'yo" saad pa nito at tsaka lumapit sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"W-what? Wait! No way! Paano kung patayin nila ako!" Palag ko pa dito pero nakatingin lang ito sa'kin.

"Mas lalo kang mapapahamak kung may makakaalam na iba na may natuntong sa mundong binuo ng mga Gods and Godesse" sagot pa nito kaya hindi na ako nakapalag.

Hindi naman siguro sila kasama para patayin ako, diba perpekto sila? Dapat wala pa ding maging problema kahit na may nakarating na tao sa mundo nila.

Pero yun na nga ang problema eh, ako yung problema nila ngayon.

Tumalikod ito sa'kin at kitang kita ko ang malalapad nitong pakpak.

"Sumakay ka sa likod ko, para maitago kita papuntang templo, wala dapat makaalam pa" saad pa nito ay kasabay nito ay tumaas ang pakpak nito at bumungad sa'kin ang likod nito.

"T-teka sure ka ba dito?" Nagaalinlangan ko pang tanong.

Malay ko ba kung kaya niya akong isakay, mamaya malaglag ako, iyon pa ang ikamatay ko.

"Kung ayaw mo, pwede ka namang maglakad, tingnan ko lang kung makaabot ka pa ng buhay sa pagdating mo sa templo"

May pagkasuplado din itong anghel na ito. Anghel ba talaga?

Gwapo na sana eh.

Teka, ano na naman itong iniisip ko?

Kahit nagaalinlangan ay sumakay padin ako sa likuran niya, pagkasakay ko ay siyang baba ng pakpak niya.

Hindi pa ako tuluyang nakakahawak nang bigla agad itong lumipad kaya naman napahawak ako sa tiyan nito.

Shit. Bat ang tigas?

Naalala ko yung nakita ko kanina sa katawan nito at yung mapipintog niyang abs ay damang dama ko na ngayon.

Putspa Mich naman! Ano ba yang pinagiisip mo? Abs talaga iniintindi mo ngayon? Eh nasa piligro nga ang buhay mo, umayos ka ha!

Halos hindi ako makagalaw dahil damang dama ko pa din ang abs nito at nakayakap parin ako dito.

Feeling ko tuloy namumula na ako.

"It seems like you're enjoying it huh? Sobrang higpit ng hawak mo sa abs ko" saad pa nito sa'kin kaya mas lalo akong nahiya.

Ilaglag niya nalang kaya ako? Kesa lamunin ako ng kahihiyan.

Makalipas ang ilang segundo ng paglipad niya ay nakapasok na kami sa templong sinasabi niya.

Naramdaman kong bumababa na ito kung kayat medyo kinabahan na ako, dahil anumang oras ay makikita na ako ng tinawag niyang Gods and Godesses.

Tumaas ang pakpak nito kaya't hudyat iyon na lalabas na ako.

"Ikaw pala, Angel Nic, anong ipinunta mo dito?" Rinig kong salita ng isang lalaki, hindi parin ako nito nakikita dahil nagtatago parin ako sa likod nito.

So Nic pala name niya.

"Wag po sana kayong mabibigla kamahalan" rinig kong salita ni Nic at tsaka umalis sa unahan ko "May tao pong nakapasok sa mundong ito" dagdag pa nito at ngayoy kitang kita ko ang isang babae at lalaki na nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin.

Nakasuot ang mga ito ng berdeng dahon, kapwa din may koronang nakapatong sa ulo ng mga ito, simbolo siguro iyon na sila ang pinakamataas sa mundong ito.

"Papanong?" Saad ng lalaki at sa isang iglap ay nasa harapan ko na ito.

Sobrang lapit nito sa'kin kaya naman bawat paghinga ay mahirap gawin.

"Papaano nangyari?" Saad nito at tsaka hinawakan ang braso ko.

Nang mahawakan niya ang braso ko ay nagulat ito at napaatras na halos ikatumba nito.

"Hindi ito pwedeng mangyari" nangangatal na sambit nito habang tinapunan ako ng masamang tingin "Kailangan mong mamatay, hindi na magiging perpekto ang lugar na ito kung may tao rito! You should be dead!" Bulyaw nito sa'kin kaya napaatras ako.

Hindi ko ito sinasadya! Hindi sinasadyang mapapunta ako sa gantong klaseng lugar. Hindi ko ito ginusto!

Patuloy ang pagtitig ng matatalim sa'kin kung kaya't lumuhod ako sa harapan nito para magmakaawa sa buhay ko.

"H-hindi ko po sinasadya kamahalan, hindi ko po ito ginusto" pagmamakaawa ko dito at halos halikan ko na ang sapatos nito.

"There's no excuse with this" sambit nito at kasabay noon ay kumidlat at kumulog.

Napatingin ako nito at may hawak na itong bagay na parang hugis na martilyo, mas nangilabot pa ako ng makitang gawa iyon sa kuryente.

"You" sambit pa nito at tsaka itinutok sa akin ang hawak niya "should be punish"

Napatingin naman ako kay Nic na hindi man lang nagabalang tulungan ako.

Of course. Bago lang ako dito.

Napapikit na lang ako sa pwedeng mangyari, mamamatay na yata ako sa lugar na ito.

"P-paanong?"

Napamulat ako ng makitang gigil na gigil ang kamahalan at nakatutok parin sa'kin ang sandata nito.

Napamulaga ako ng makitang hindi tumatama sa'kin yung kuryente na dapat ay kanina pang tumama.

Nakita kong may kung anong shield na bumablock doon sa kuryente.

"Kamahalan, baka dahil iyon ay isa siyang tao, kaya hindi tumatalab sa kanya ang kapangyarihan mo, ang pagiging tao niya ang nagpoprotekta sa kanya" sambit ni Nic.

Itinigil naman ng kamahalan ang paggamit niya sa sandata niyang iyon.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ako, at walang masamang nangyari.

Pero nakakapagtaka na parang may pumoprotekta sa'kin, hindi ko alam kung tunay nga ang sinabi ni Nic na ang pagiging tao ko ang pumoprotekta sa'kin.

"Kailangan na natin siyang ibalik kung saan siya nanggaling" saad ng kamahalan at pagkatapos noon ay pinasakay ulit ako ni Nic sa likod niya.

Hindi ko ito iniimikan dahil hindi ko parin nalilimutan na basta niya nalang ako tiningnan kanina, he don't even bother to help me.

Alam kong tao ako, pero dapat naman naawa man lang sila sa'kin, paano kung walang nagproketekta sa'kin? Edi sana pinaglalamayan na ako ngayon.

Pagkarating namin doon sa pinanggalingan ko ay agad nilang sinuri ang buong paligid.

Maging ang reyna na asawa ng kamahalan ay sumama na din, nalaman kong asawa niya iyon, dahil obvious naman dahil parehas sila ng kasuotan.

"Paano ka nakapunta dito sa mundo namin?" Tanong ng kamahalan habang sinusuri pa din ang paligid.

"M-may basta nalang pong humila sa'kin papunta dito, ni hindi ko din po alam kung bakit" kandautal ko pang sagot dito.

Kasi naman, hindi ko pa din malimutan ang ginawa niya kanina. Hello, muntik niya na kaya akong patayin. Baka matrauma na ako nito dahil sa ginawa niya.

Makalipas ang ilang minuto ng pagsusuri sa paligid ay itinaas ng kamahalan at ng asawa nito ang kanilang kamay at may kung anong lumabas mula sa palad nila.

Para bang pinipilit nilang pakiramdaman ang ulap.

"Hindi namin alam ang daanan pabalik sa mundong tinitirhan mo" saad ng kamahalan at tsaka tumingin sa'kin.

"P-paano na po ako?"

Nagisip ito ng ilang segundo at tsaka umigiting ang panga nito, tumingin ulit ito sa'kin kaya umiwas.

"I made my decision, you will stay in this world, we have no choice, mananatili ka dito hangga't hindi pa kami nakakahanap ng paraan para makabalik ka"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon