Chapter Sixteen

323 6 0
                                    

Chapter Sixteen: Her ability

"Omy God Zach, what happened to you?" Tarantang tanong ko kay Zach at tsaka ito inalalayan tumayo.

Pinagpagan nito ang sarili at inayos nito ang buhok nito. Tsaka ito tumingin sa'kin at ngumiti.

Nagagawa pa niyang ngumiti ng lagay na yan?

"Diko alam na ganito pala kalakas ang sphere mo" sambit pa nito at tsaka nilibot ang tingin niya sa buong kwarto.

What? I did it? But how?

"W-wait, so ako may gawa ng lahat ng ito?" Takang taka kong tanong sa kanya at tsaka naman ito tumango tango.

"B-but how?"

"Hindi mo kasi nakontrol yang ability mo kaya bigla bigla ka nalang naglabas ng malakas na sphere, yan ang resulta basag ang bintana, sira ang pintuan, kulang nalang tumalsik ako papalabas kanina, Hahaha" natatawa pa nitong paliwanag sa'kin.

N-nagawa ko yun? Pero hindi iyon ang inexpect ko. All I thought was my sphere will only protect me from the creature that he made, I didn't expect that it will be like this.

Siguro nabigla lang ako dahil nadala ako ng takot at kaba, buti at hindi siya ganon nasaktan.

"Are you okay?"

"Yup. I was just testing your ability to release a sphere. Diko in-expect na ganito ito kalakas. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganito. It's not even expected because you're a human. You amaze me Mich!" Manghang mangha pa nitong saad sa'kin at halos yakapin na nga ako nito.

Tsk. Paano kung nasaktan ko siya? Lagot na ako.

"All you need to learn is how to control it, yun ang pagaaralan mong gawin"

"Oo. Gusto ko ding pagaralan yun, pero ayusin mo muna ang sarili mo, tingnan mo oh, sira sira damit mo" sagot ko dito at tsaka tinuro ang parte ng damit niyang gawa sa dahon na nagkapunit punit.

Hinaplos haplos niya lang iyon at sa ilang segundo ay bumalik na ulit iyon sa pagkakagawa.

"Paano ito? Hindi ba ako mapapagalitan ni God Zeus dahil nasira ko ang training room?" Tanong ko dito, magsasalita pa sana siya ng biglang bumagsak ang pintuan.

Shit. Nasira ko talaga pati ang pintuan.

Akala naming dalawa ay basta lang bumagsak ang pintuan, pero pagbagsak nito ay lumabas mula doon si God Zeus.

Kunot noo nitong tiningnan ang buong silid at tsaka ito lumapit saming dalawa kaya naman napayuko nalang ako.

Alam kong mapapagalitan ako nito.

"Mukhang nakita ko na ang improvement mo human ngayong gabi, napahanga mo ako, nasira mo ang training room nang dahil sa pagrelease mo ng sphere" sambit nito kaya naman kunot noo ko itong tiningnan.

So, hindi niya ako papagalitan.

"Malapit ng matapos ang training time, lumabas muna kayo, ako na ang bahala dito" dagdag pa nito kaya kahit nagtataka ako ay lumabas kami ni Zach ng silid.

"What does he mean na siya na ang bahala doon sa kwarto?" Nakakunot kong tanong habang tinatahak namin ang papalabas ng kwarto.

"Siya na ang magaayos non, he's a God remember?" Sagot pa nito kaya naman tumango nalang ako.

Nang makalabas kami ng silid ay natigilan ako dahil nagtutumpukan sa labas ang mga fairies at angels.

Biglang napatigil ang mga ito sa pagbubulungan kaya naman nagtaka ako.

Wait. Don't tell me, alam nila ang nangyari doon sa silid?

Ugh. Bakit pa ba ako magtatanong eh alam ko na naman ang sagot diba? Obvious naman sa mga titig palang nila.

Sinimulan kong maglakad patungo doon sa tumpukan nila at nagulat akong ang kaninang tumpukan ay bigla nalang nahawi sa dalawa.

Wait. Tama ba ang nakita ko? Tumabi ba sila sa dadaanan ko?

"But how did she do that? She's not even fairies nor angel?"

"Oonga. Maybe that's her ability as a human"

"Normal lang ba iyon?"

Dinig na dinig kong bulungan nila habang naglalakad ako. Geez. Yan na naman sila. Okay isyu na naman ito.

Ilang segundo pang paglalakad ay nakita ko sila Nic at Samantha na naghihintay.

"Mich! How did you do that? You amaze us!" Salubong na tanong sa'kin ni Samantha.

Hayyyy. Seriously? Bakit ba iyon ang tanong nila? Eh hindi ko nga alam.

Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya at sinimulan naming maglakad papalabas ng templo.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nanghihina? Masyadong malakas ang pagkakarelease mo ng sphere kanina" sunod sunod niyang tanong sa'kin, kaya naman napahilot ako sa noo ko, kanina pa kasi ako nakakarinig ng tanong at ewan ko ba parang naiirita ako.

"Oo. Okay lang ako. Hindi naman ako nanghihina, pagod lang" sagot ko dito at ngumiti lang ito sa'kin.

Nang makalabas kami sa templo ay pinagmasdan ko ulit kung gaano kaganda ang paligid. Umaga na kasi.

Biglang nawala ang stress ko, ang dami na kasing nangyari since napapunta ako sa lugar na ito.

Nagpawala naman ako ng malalim na buntong hininga at tsaka namin ipinagpatuloy ang paglalakad.

Pumunta kami sa mga puno kung saan pwede kaming tumambay, kasama din namin sila Jonathan na kasalukuyang nagaasaran.

"What's that Mich?" Tanong sa'kin ni Samantha na medyo nakaturo sa pribadong bahagi ng katawan ko.

Napatingin naman ako doon at laking gulat ko na may dugo iyon.

Shit meron ako ngayon at tinagusan ako, bumakat yung dugo sa suot kong damit na gawa sa dahon.

"M-may regla ako" tarantang tanong ko at tinakpan ang maselang bahagi ko.

Naagaw ko naman ang atensiyon ni Nic at Zach kaya napatingin ito sa'kin.

Omy! Don't look at me! It's embarassing! Kainin mo na ako lupa dahil sa kahihiyan na ito!

"Regla? What's that?" Takang tanong ni Nic kaya feeling ko naginit ang dalawang pisngi ko at pulang pula na ako ngayon.

For petes sake nakalimutan kong wala nga pala ako sa sariling mundo ko, hindi nageexist sa kanila ang salitang regla!

Omy. What to do? Kaya pala feeling ko ang dali dali kong mairita at mainis sa simpleng bagay dahil meron pala ako!

"Samantha pwede mo ba akong samahan sa kwarto mo?" Taranta kong tanong kay Samantha at hinila ko ito gamit ang kanang braso ko at nakatakip parin sa 'ano' ko yung isang braso ko.

"Bakit?"

"Ako nalang sasama sa'yo" presinta pa ni Nic kaya mas lalo akong nahiya.

Myghad! Kung pwede ko ngalang ipaliwanag ito, naipaliwanag ko na, hindi iyon ganon kadali.

"H-ha? Wag na, si Samantha na sasama sa'kin, diba Samantha? Let's go?" Mabilis kong saad at hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Samantha at tsaka siya hinila papuntang kwarto niya.

"Ano bang problema Mich? And what's the meaning of regla?" Takang tanong ni Samantha, kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi.

"Basta, ang hirap kasi ipaliwanag, pero isa ito sa mga problema naming mga babae sa mundo namin, pwede mo ba akong ikuha ng nap---" napatigil ako sa sasabihin ko.

Shit! Di rin uso dito ang napkin!

Pumikit muna ako ng madiin bago umisip ng paraan.

"Okay ganito, ikuha mo ako ng malinis na dahon, tapos, pakisabi naman kay Zach na kung pwede niyang pakapalin ng kaunti yung dahon, tapos gawin niyang pantay"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon