Chapter Eighteen

325 10 0
                                    

Chapter Eighteen: Tournament

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ako pinapansin ni Nic nang hindi ko malaman na dahilan. Hanggang ngayon kahit ilang araw na ang nakalipas since ng araw na iyon.

Medyo dumistansiya din ako kay Zach, ramdam ko kasi na nagpapakita siya ng motibo, hindi naman sa assuming ako, pero bilang babae, ramdam ko yun.

Ayoko din naman siyang bigyan ng pag-asa o ano man. Kasi baka umasa siya, ayoko din sabihin na hindi ko siya gusto kasi ayokong makasakit.

Isa pa si Samantha, bihira nalang siya magbiro ngayon kapag kasama ko siya, feeling ko medyo nanlalamig na siya sa'kin, simula din ng nangyari ng araw na iyon, madalang na din kami magkausap kahit nasa kwarto niya ako.

Doon ko na naconfirm na may gusto nga siya kay Zach, at alam kong nagselos siya ng araw na yun, gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa bagay na iyon, kaso hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

Kahit nga sila Jonathan, Brylle, at Angelica nagsisimula ng magtanong kasi antahimik daw naming tatlo, hindi ko nalang in-oopen ang topic na iyon sa kanila.

Nahihirapan na nga ako, lalo na kapag training time, at ang trainer ko pa ay si Zach, diko siya masyadong matitigan, kung kakausapin niya naman ako tanging tango o kaya ay oo lang ang isasagot, alam kong medyo nakakahalata na din siya sa ikinikilos ko, ilang beses na din kasi siyang nagtanong kung may problema ba daw, sabi ko naman wala kahit meron.

Ewan ko ba, di na ako komportable, hindi ko alam kung paano aayusin itong problema na ito, nagkasabay sabay kasi, tapos mamaya na ang tournament.

Ang tournament ay parte ng pagt-training, kung saan si Goddess Athena ay bubunot ng magkakalaban, kailangan mong manalo para patunayan na nag-improve ka sa pagt-training, wala naman daw kaso kung matalo, pero yun nga lang hindi maiiwasan na masugatan ka doon sa tournament.

"G-good luck sa tournament mamaya" saad ko kay Samantha tsaka ito nginitian ng tipid.

Ngumiti naman ito sakin ng tipid tsaka ako sinagot "Salamat, ikaw din"

Hindi talaga ako sanay sa kanya, sobra kasi niyang daldal before, pero ngayon? Ang hinhin na niya, sobrang nakakapanibago, sana lang bumalik na kami sa dati.

Nang maggabi na ay hudyat na iyon na magsisimula na ang tournament, bawat gabi sampu ang maglalaban.

Pagkalabas namin ay nakahanda na ang lahat, isang malawak na sphere na hugis kwarto ang nakatayo pagkalabas ng templo.

Transparent ang sphere kaya naman kitang kita mo ang mga maglalaban sa loob, ang purpose kasi ng sphere para walang ibang madamay sa paglalaban, at no choice ka din, hindi ka makakatakbo kundi sa buong paligid lang sa loob. Nasa loob nadin lahat ng kailangan mo sa pagatake, tubig, halaman, at ilang mga hayop at insekto.

"Simulan na ang paglalaban" tanging salita na nabanggit ni Goddess Athena at bumunot ito ng mga maglalaban.

Gawa ang bunutan sa mga dahon kung saan nakasulat yung mga pangalan naming lahat.

Unang naglaban ay si Angelica, hindi ko kilala yung kalaban niya, pero panalo si Angelica, kontrolin ang hangin ang kapangyarihan nito.

Nang huling maglalaban na ay hindi ko na in-expect na mabubunot ako ngayong araw, baka kasi sa susunod na araw nalang.

"Next is our dearest human, Mich" napatingin ako kay Goddess Athena nang marinig ko ang pangalan ko.

Sana hindi isa sa mga kaibigan ko ang makakalaban ko, pag nagkataon kasi, hindi ko alam kung paano ako makakalaban.

"And Samantha" halos matigilan ako ng malaman kung sino ang makakalaban ko.

Bakit sa dami nila si Samantha pa?

Narinig kong nagsimulang magbulung bulungan sa paligid, pero hindi ko na ito halos marinig dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Ramdam ko din na nangangatog ang mga tuhod ko at hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko nakapako lang ako sa pagkakatayo ko.

"You may start the fight" ang sambit ni God Zeus na nakapagdala sakin sa kasalukuyan mula sa pagiisip.

Naramdaman ko nalang na humahakbang na ang mga paa ko, patungo sa sphere.

Nang makapasok ako doon ay nandoon nadin si Samantha. Walang emosyon itong nakatingin sa'kin.

Paano ko siya lalabanan? Di hamak na mas magaling siya sakin at alam kong hindi ko siya matatalo. At isa pa, kaibigan ko siya, paano ko siya lalabanan.

"S-samantha" halos pabulong ko ng saad pero alam kong sapat na yun para marinig niya.

Hindi ko narinig na nagrespond siya doon pero ilang saglit lang ay lumipad siya papalapit sakin at kasunod nito ang ilang insekto, para iyong mga laywan sa real world.

Napaatras ako kasi alam kong hindi basta basta iyong insekto na kasunod niya.

Tiningnan ko pa ang dalawang palad ko na nangangatal.

Nang makalapit sa'kin ng bahagya si Samantha ay kinontrol niya ang mga insekto para atakihin ako.

Gumawa ako ng shield na sphere para hindi ako maatake, pero hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang protektahan ang sarili ko.

Tiningnan ko saglit si Samantha at lalo niyang pinadami ang mga insekto na umaatake sa'kin.

Hindi ko na kinaya at tsaka nabasag ang sphere na ginagawa ko, agad akong tumakbo papunta sa dulo ng sphere pero mabilis ding sumunod sakin yung mga insekto.

No choice ako kundi patamaan ang mga ito ng sphere para mamatay.

Sunod sunod akong nagrelease ng sphere at maswerteng natamaan ko ang mga insekto at bumagsak ang mga ito sa sahig.

Magpapahinga pa sana ako pero nagulat akong biglang nabuhay at lumipad ulit ang mga insekto papalapit sakin.

Muntik na itong makalapit sakin pero no choice ako at kinulong ko ang mga iyon sa sphere.

Hingal na hingal ako at nang tingnan ko ulit si Samantha, parang hindi ito napapagod, lumapit ito sa'kin at tsaka umakmang sisipain ako pero nakaiwas ako.

Nakalimutan kong pwedeng gumamit ng kamay at paa lang as long as nakikipaglaban ka. Kung kanina ay ginagamit ni Samantha ang kapangyarihan niya, now she's trying to fight without using her powers.

Umiwas iwas ako sa bawat pagsuntok at pagsipa na ginagawa niya, pero minsan ay tumatama ito sa'kin.

Hindi naman ako pwedeng gumamit ng sphere kasi alam kong hindi magiging patas iyon, kasi hindi siya gumagamit ng kapangyarihan kahit na pwedeng gawing technique iyon.

"S-samantha, gamitan mo nalang ako ng kapangyarihan mo, hindi ko kayang lumaban ng ganito sa'yo" halos hingal na hingal kong saad dito pero parang lumabas lang iyon sa kabilang tenga niya dahil patuloy pa rin siya sa pagatake sakin.

Lumipad siya at isang malakas na sipa ang pinakawalan niya na tumama sa may dibdib ko, na naging dahilan ng pagkatumba ko.

Halos mamilipit ako sa sakit na nararamdaman ko, pero hindi pwede ito, kailangan kong lumaban, kung hindi mas malala pa dito ang aabutin ko.

Kitang kita ko kung paano ito lumapit sakin, kaya kinuha ko iyong oportunidad para magrelease ng malaking sphere, na sapat na para mapatamaan siya.

Hindi ko masyadong nakontrol iyon kaya medyo napalakas ang pagrelease ko ng sphere na halos dumagundong na sa buong kapaligiran ang ingay na nagawa noon.

Kita kong tumilapon si Samantha at bumangga pa ang likod nito sa silid na sphere.

Napamura nalang ako sa sarili ko dahil masyado kong nilaksan, baka nasaktan ko siya non.

Pinilit kong tumayo at lumapit ako sa kanya para tingnan kung okay lang siya.

"S-samantha okay ka lang---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ng peripheral vision ko na may susugod saking isang mabangis na hayop.

Napaatras ako dahil papalapit na iyong hayop na kinokontrol niya, nang makakalapit na ito sakin ay sinubukan kong gumawa ng sphere na haharang sa dinadaanan nito, pero nabasag lang iyon.

Nakalapit ito sakin at sinuwag ako and next thing I knew ay nakahilata na ako.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon