Chapter Twelve

382 13 0
                                    

Chapter Twelve: Black Blood World.

A/N: This Chapter is written in Narrator's P.O.V

Black Blood world. Pangalan palang ng mundong iyon ay alam mo na agad kung anong klase ang mga nakatira doon.

Madilim, madugong mundo. Iyon ang pinakatamang deskripsiyon sa mundong iyon.

Mundo kasi iyon ng mga fairies at angels maging Gods and Goddess na mas pinili ang maging masama kesa sa pagiging mabuti.

Lugar din iyon ng mga traydor, sa madaling salita, doon pinipili ng iba na nagtraydor sa Imaginary World na mapunta pagkatapos ng pagtatraydor na nagawa nila.

Pinili nilang laging gabi at tila may bagyo palagi ang sitwasyon sa mundong iyon, sabagay, Black Blood World nga.

Sa gabing iyon ay pinadalhan nila ang Imaginary World ng isang mensahe. Isang napakalaking mensahe.

Akalain mo nga naman, paano nakarating ang mensahe nila gayong hindi naman sila basta basta makakapagpadala ng kung anong bagay sa lugar na iyon.

Nang makarating ang mensaheng iyon tungo sa Imaginary World, ay halos magkagulo ang lahat.

Nagkagulo ang lahat dahil alam nilang hindi magandang mensahe iyon.

Sa kabila ng pagkakagulo ng fairies, angels at maging ang mga Gods and Goddess ay iyon namang pagdidiwang ng mga taga Black Blood World.

Lahat sila ay may mga demonyong ngiti sa kanilang mga labi at tila ba mga baliw ang mga ito.

Kulang nalang magsayaw sila sa sobrang kasiyahan nang malaman nila kung gaano nagkakagulo ang lahat ng mga taga Imaginary World.

Ang ilan kasi sa mga Black Blood World ay puno ng galit, dahil sa itinakwil sila ng mundong kinagisnan nila ng una, hindi rin naman masisisi ang mga pinuno ng Imaginary World, dahil may kasalanan talaga ito at pagtatakwil ang karampatang parusa.

Samantalang ang iba naman ay masaya lang dahil sa isip isip nila ay malapit ng dumating ang delubyong dala nila - ang sakupin ang Imaginary World para mapasakanilang kamay na ang paghahari sa dalawang mundo.

Mula sa isang malaking figure ay kitang kita nila na nagimbal ang mga taga Imaginary World sa mensaheng pinadala nila.

"Paanong nakarating ang mensahe nila" ani ng kamahalan ng Imaginary World.

Napuno ng tawanan ang paligid ng Black Blood World dahil sa narinig nilang pangamba sa boses ng mismong pinuno ng Imaginary World.

"Hindi ba dapat silang matuwa? Dahil kahit papaano ay nabigyan natin sila ng babala?" Sambit ng isang Black Goddess na pinuno ng Black Blood World.

At sa ikalawang pagkakataon ay napuno ulit ang paligid ng mga tawanan nila.

Bawat tawa na lumalabas sa isa't-isa ay tila isang selebrasyon at pagdidiwang sa ginawa nila sa Imaginary World.

"Tingnan nalang natin kung kanino ang huling halakhak kapag nasakop na natin ang Imaginary World, magiging imahinasyon nalang ang kapayapaan sa mundo nila, HAHAHAHA!" Malademonyong halakhak ng Black God at umalingawngaw iyon sa buong kapaligiran.

"Pasalamat tayo sa taong iyon, dahil hindi tayo nagkamali sa plano natin na papasukin ang taong iyon sa mundo nila" dagdag pa nito.

Hindi talaga ito nagkamali sa plano niyang iyon, hindi niya inaasahang ito ang magiging susi sa lahat ng masamang balak niya sa pagsakop sa Imaginary World.

"Malamang maghahanda na ang mga taga Imaginary World sa pagdating natin, pero wala silang magagawa satin lalo na kung makuha pa natin ang taong iyan, magagamit natin siya" dagdag ng isang black fairy at tsaka napangiti ang bawat isa sa kanila.

Balak nilang gamitin si Mich para mas lalong lumakas ang pwersa nila, hindi lang pagsakop sa mundong Imaginary world ang pakay nila kundi pati narin ang pagkuha kay Mich.

Ang akala ng mga taga Imaginary World ay si Mich ang malas sa kanila pero para sa mga taga Black Blood World ito ang magdadala sa kanila sa tagumpay.

Lalo na't nalaman pa ng mga ito na may kakaibang kakayahan ito na hindi naman nagagawa ng ordinaryong tao, kaya't mas lalo silang nagkainteres dito.

Si Mich ang susi sa lahat, dahil ito ang may kakayanang magbukas lahat ng portal na dadaanan upang makapunta sa Imaginary World.

Maging ang daanan papuntang real world - na tinitirhan ng mga tao ay tanging si Mich lang ang makakapagbukas.

Noon, hindi pwedeng manghimasok o kahit tumapak man lang ang mga taga Black Blood World sa kahit na anong mundo maliban sa mundo nila.

Kaya umisip sila ng paraan para mabasag nila ang batas na iyon, at iyon ay si Mich.

Ngayon delikado na ang bawat galaw na gagawin ng mga taga ibang mundo lalong lalo na ang Imaginary World.

"Napakalaking tulong talaga ng espiya natin sa mundong iyon, dahil sa kanya nagkakaroon tayo ng koneksyon" saad ng Black Goddess at ngumiti ito ng hanggang tenga.

Sa isip isip pa nito ay marami silang Alas na magagamit sa Imaginary World kaya hindi imposibleng hindi mangyari ang lahat ng pinaplano nila.

"Sinabi mo pa, kapag tuluyan na siyang nakapunta dito sa mundo natin, bibigyan ko siya ng mahalagang posisyon dahil sa napakalaki ng tulong na nagawa niya sa atin" sagot naman ng Black God.

Pinadismiss na ng Black God and Goddess ang mga black fairies and angels para magensayo.

Pinageensayo nila ang mga ito para sa nalalapit na pagsakop nila sa Imaginary World.

"Di hamak na mas malalakas ang ating mga myembro natin kaysa sa mga taga Imaginary world, matagal natin itong pinaghandaan, samantalang sila ngayon lang maghahanda, masyado silang naging kampante, kaya ngayon minamadali nila ang pagpapalakas" sambit ng Black Goddess sa Black God, naglalakad sila habang pinapanood nila ang mga nagtetraining na fairies and angels.

Pinapanood nila kung paano ginagamit ng mga ito ang mga kapangyarihan ng walang pakundangan, punong puno ng galit at poot ang mga fairies at angels kaya naman mas lalo itong nakakapagpalakas sa kapangyarihan mayroon sila.

Halos binalot ang mga ito ng matinding galit sa mga taga Imaginary World lalo na sa mga pinuno nito.

"Sasalakay tayo kung kailan sila mahina, kung kailan sila hindi nagkakaisa" sambit nito ng may malaking ngiti sa labi at pinagmasdan ang kabuuan ng Black Blood World.

"Ang panghihina nila at hindi pagkakaisa ang magdadala sa paglubog nila" dagdag pa nito at tsaka ito nagpakawala ng malakas na pwersa na bumalot sa buong kapaligiran.

"Revenge is coming"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon