Chapter Twenty - Seven

329 12 0
                                    

Chapter Twenty - Seven - Last Goodbye

Nakangiti akong pumunta sa kwarto ni Nic kahit na sa loob ko ay durog na durog ako dahil sa pinagusapan namin ni papa.

Ang sakit lang na kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi totoo yung sinabi ni papa, pero alam ng isip kong lahat ng sinabi niya ay totoo at hindi na yun magbabago.

Hindi ko parin matanggap ang lahat.

Sabi pa ni papa na we need to go back in real world, as soon as possible, and I know this would be my last goodbye to this Imaginary World.

"Oh, Mich ikaw pala? Anong pinagusapan niyo ng papa niyo?" Salubong na tanong sa'kin ni Nic, tinabihan ko naman ito sa pagkakaupo doon sa kama niya.

Lumunok muna ako bago ako sumagot at nginitian ko ito "Okay lang naman, ah wala, tinanong niya lang ako kung okay lang ba daw ako" pagsisinungaling ko dito at tsaka naman ito tumango sa'kin.

Mali man na magsinungaling ako pero iyon ang naiisip kong paraan para hindi masira ang huling pamamaalam ko sa kanya.

"Tara mamasyal tayo?" Yakag ko sa kanya at tsaka ito ngumiti sa'kin at tumango.

Magkahawak kamay kami ni Nic na lumabas ng templo. Kahit na pulang pula na ako dahil sa pagtitinginan at pangangantiyaw nila sa'min ay patuloy parin kami sa paglalakad.

Lihim ko namang pinagmasdan ang mukha ni Nic habang naglalakad kami, punong puno nang kasiyahan ang mga mata niya, biglang kumirot ang puso ko nang maisip na naman na pagkatapos nito ay ang pamamaalam ko.

"Humawak ka sa'kin" sambit ni Nic at tsaka tumaas ang pakpak nito.

Bago pa man ako lumapit sa kanya para humawak ay kusang gumuhit sa aking labi ang ngiti.

Biglang nagflash back sa'kin ang lahat. Noong una niya akong isinakay sa likod niya, noong paano niya ako ininsulto na sobrang higpit daw na hawak ko sa abs niya.

Yung kung paano ako pinamulahan dahil first time ko iyon, at kung paano bumilis ang tibok ng puso ko noong mga panahong nagkadikit ang mga balat namin.

Noong una palang na attract na talaga ako sa anghel na katulad niya. Isang anghel na gwapo, anghel na moody.

"Natulala ka na naman, baka maglaway ka niyan sa abs ko" natatawang sambit nito kaya naman mula sa pagiisip ay nagbalik ako sa wisyo.

Inirapan ko lang ito at tsaka ako sumakay sa likod niya at humawak sa tiyan nito.

Geez. Nakuryente na naman ako.

Wala paring nagbago since nung unang nahawakan ko yung 'abs' niya. Ganon parin katigas yon. Bakit kasi hindi uso ang damit sa kanila? Ramdam na ramdam ko tuloy yon.

Pagkatapos noon ay unti unti kaming lumipad sa himapapawid.

"Ang init mo ah, pinagnanasahan mo na naman ako" sambit nito pero imbes na sumagot ako ay inhiga ko lang ang ulo ko sa balikat nito at pinakiramdaman siya.

Sana ganito nalang kami habang buhay. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko.

"Are you alright?" Tanong nito kaya napaalis mula sa pagkakahiga ng ulo ko sa balikat niya.

"Okay lang ako" sagot ko dito at tsaka ako mabilis na humalik sa pisngi nito.

Halata namang nagulat ito dahil sa hindi agad ito nakaimik at kitang kita ko kung paano ito namula.

"I-ikaw ha, chinachansingan mo na ako, mamaya kung saan saan makaabot yang kamay mo" sagot nito pero nauutal utal kaya naman natatawa akong hinampas ng mahina ang balikat niya.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon