Chapter Fourteen

356 10 0
                                    

Chapter Fourteen: Training

Pagkatapos ng malaking mensaheng iyon ay hindi na magkandaugaga ang lahat sa pageensayo.

In-announce kasi iyon ng mga Gods and Goddesses para daw mapaghandaan ang mga taga Black Blood World.

Maging ang mga matataas na pinuno ay puspusan ang pageensayo, dahil maging sila ay nangangamba sa mga posibleng mangyari lalo na't matapos ang pangababantang iyon.

"Mich, hindi ka ba nabobored diyan?" Tanong ni Samantha sa'kin habang nakaupo ako sa mga bulaklak at pinapanood lang sila Nic at Zach na nageensayo.

Si Zach kasi kapangyarihan niyang mabigyan ng buhay ang mga halaman, pwede niyang gawin iyong halimaw, hindi naman literally halimaw, but yung creature na kayang lumaban.

Samantalang si Nic naman pinipigilan niya ang pagatake ng binubuhay ni Zach, nung una nga kinakabahan pa ako dahil baka magkamali sila parehas at baka magkasakitan sila, pero hindi pala, dahil parang sanay na sanay na sila sa ganoon.

"Hindi naman Samantha bakit?" Tanong ko dito habang hindi parin inaalis ang tingin sa dalawang nageensayo.

Naramdaman ko namang umupo ito sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

Ngumiti ito sa'kin kaya naman napangiti ako, dahil nacucute-an talaga ako sa mukha nito.

Nang mapadako ang tingin ko sa mata niya ay medyo nagtaka ako. Para kasing iba ang nararamdaman ng mata niya sa pinapakita ng pisikal sa kanya.

"Is there something wrong?" Tanong nito habang nakakunot ang noo kaya naman umiling ako.

Baka guni guni ko lang iyon, o baka naman iyon talaga ang style ng mata niya, hindi lang siguro ako sanay.

"Ang galing nila no?" Tanong ni Samantha sa'kin kaya napatingin ulit ako dito.

"H-ha?" Medyo naguguluhan kong tanong "A-ah oo" dadgdag ko pa ng makuha ang sinasabi niya.

Amg weird parang ang kalmado niya magsalita ngayon, hindi siya ngayon ganon kadaldal.

"Ang gwapo ni Nic no? Pati din si Zach" natatawa pang tanong nito kaya ako mismo ay natawa din.

Uso din pala dito sa mundo nila ang salitang gwapo, bagay na hindi ko alam.

Nang mapagmasdan ko ang dalawa ay tama nga ang sinabi ni Samantha na may kagwapuhan itong dalawa.

Una palang kita ko kay Nic ay alam ko na ang bagay na iyon pero ngayon ko lang napansin na ganon din pala si Zach.

"Hahahaha oo" ang tanging naisagot ko nalang kay Samantha dahil baka pag pinahaba ko pa ang sagot ko ay mangantiyaw na naman ito.

"Ehem. Sino ba sa kanila Mich ang pipiliin mo?" Nakangising tanong nito sa'kin kaya napatawa nalang ako.

Ang moody ha. Kanina ang tahimik at kalmado tapos ngayon pinagtitripan na naman niya ako.

"Eh ikaw may nagugustuhan ka ba sa dalawa?" Balik kong tanong dito kaya naman napatigil ito sa tanong ko at umiwas ito.

Ikaw Samantha ah! May kahinaan ka din pala

Natatawang isip isip ko. Yumuko ito at ngumiti ng abot hanggang tenga, got ya!

Siya pala may gusto sa isa sa dalawa eh.

"So, which one?" Tanong ko pa dito at tsaka ito gulat na napatingin sa'kin.

Kitang kita ko kung paano namula ang dalawang pisngi nito at imbes na sagutin ako nito ay yumuko ito at pilit pinipigilan ang kilig niya.

"Oh come on Samantha! it's just the two of us here, you can tell me, what are friends for?" Masaya kong sambit dito at kaya naman mas nadagdagan ang ngiti nito sa labi niya.

Kitang kita ko kung paano lumapit ang mga pink na butterfly sa palad niya. Kapangyarihan niya kasing makontrol ang mga hayop.

"Si---" naputol ang sasabihin nito ng mapansin namin na may naglalakad na dalawang angels papunta sa direksiyon namin kaya napatayo kami mula sa pagkakaupo at pinagpagan ko pa ang puwetan ko.

Nang makalapit na ang mga ito ay biglang humarang si Nic at Zach sa harapan namin.

"Where are you going?" Malamig na tanong ni Nic sa mga ito pero hindi umimik ang dalawang anghel at lumakad ulit pero hinarangan ulit nila iyon.

Halos mapaatras naman kami ni Samantha. Feeling ko kung ano naman ito.

"We said where are you going? Are you deaf?!" Medyo tumaas na boses ni Zach at halatang naiinis ito sa tono ng pananalita niya dahil sa inasta ng dalawang anghel.

Kahit naman siguro ako maiinis din. Bingi ba sila? Ang simple lang ng tanong nila di pa sila makasagot.

"This is an order from Gods and Goddesses, they ordered us to take that girl and bring her to the temple" sagot nito at tsaka hinawi ang dadaanan.

Halos mapaatras ako ng makita kong papalapit ang mga ito sa'kin, sinubukan pa ni Samantha na pigilan ang mga ito pero hindi niya yon nagawa.

What is this again?

"Kailangan mong sumama samin" sagot ng isang anghel at tsaka hinawakan ang isang braso ko.

"W-wait what? What are you doing?" Tarantang tanong ko sa mga ito at pilit na kinakalas ang pagkakahawak niya sakin.

"Can't you see na ayaw niyang sumama?" Dinig kong sabi ni Nic at tsaka hinawakan ang balikat ng anghel na nakahawak sa braso ko.

"Just leave her" dagdag pa ni Zach at sa isang iglap ay biglang tumilapon si Nic at Zach.

What the heck? Paanong?

Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa pagkakatilapon ng mga ito, nilapitan ni Samantha ang mga ito at tsaka ko naramdamang kinakaladkad na nila ako.

"Teka lang!" Angal ko pa dito dahil ramdam ko ang sakit ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

Hindi ito umimik kaya hindi na ako nagtanong.

Ano na namang bang nagawa ko?

"Since dalawang beses mo ng nagamit ang sphere, magt-training ka din" salubong na saad sakin ni God Zeus kaya napatingin ako dito.

Ako magt-training? Eh ni hindi ko nga alam kung paano ako nakagamit ng sphere eh.

Oo, dalawang beses ko na iyong nagamit, una nung muntik na niya akong patayin at pangalawa, nung tumilapon ang dalawang anghel dahil sa galit ko.

Oo nagawa ko ang mga yun, pero kahit na, hindi ko pa rin alam kung paano ko pa ulit yun magagawa.

"What? I don't even know kung paano ko yun nagawa" angal ko dito.

"Kaya nga magt-training diba? Kakailanganin ko ng trainer, someone who is capable to handle you" sagot nito kaya naman napabuntong hininga ako.

Hindi talaga siya mapipigilan kahit na sinabi kong diko alam kung paano iyon gamitin.

Napatingin naman ako sa likudan ng makitang hingal na hingal si Nic at Zach, kasama na rin si Samantha.

"I can handle her" hingal na sambit ni Nic kaya napatingin si God Zeus dito at tsaka umiling.

"Hindi pwede, masyado ka ng madaming ginagawa dito"

"Pero---"

"Zach train her, I want you to handle her" huling saad ni God Zeus kaya medyo nagulat ako.

Magt-training ako kasama si Zach.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon