Chapter Twenty - Three

299 9 0
                                    

Chapter Twenty - Three - The Traitor

Kahit hindi na halos magsink in sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari ay pinilit ko pa ding ilagay ang utak ko sa nangyayari ngayon.

They took me. At hindi ko na alam kung ano pang pwede nilang gawin sa'kin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari, natatakot ako na magamit nila ako, natatakot ako na mangyari ang plano nila.

Habang tumatawid sa isang portal ay hawak hawak nila ang dalawang braso ko, umikot ang paligid ng ilang segundo at tsaka ko nalang nalamang nakarating na pala kami sa Black Blood World.

Nakakatakot ang awra ng mundo nila, hindi ko gusto ang pagkatahimik ng lugar. Gabi ang lugar, sobrang dilim, at nagkalat ang ibat ibang nakakatakot na tuyong puno.

"Welcome to our place human" salita ng Black Goddess at tsaka ako binitiwan ng dalawang black fairies na nakahawak sa braso ko.

Hindi ko naman sinagot ang Black Goddess at bagkus ay tinapunan ko lang ito ng matatalim na tingin. Alam kong wala akong gawa laban sa kanilang lahat, pero hindi naman pwedeng ipakita ko na takot ako, kailangan ko paring ipakita na lumalaban ako, kahit sa paraan man lang na ganito.

"Oh, don't stare at me like that Mich, you're scaring me" sagot pa nito at tsaka umaktong natatakot pero kalaunan ay tumawa lang ito.

Naiirita ako sa tawa niya, hindi ko gusto ang tawa niyang iyon. Para bang isa siyang witch dahil sa uri ng tawang iyon. Gusto ko nalang sanang takpan ang tenga ko para lang hindi marinig ang malulutong niyang halakhak.

"Did you think that you can scare me in that stare" saad nito sa seryosong tono, lumapit ito sakin ng bahagya kaya naman napaatras ako.

"You're mine now, human, bagsak na ang mga taga Imaginary World, and don't you think na maiiligtas ka nila" saad nito at mariin na hinawakan ang baba ko.

Halos makagat ko ang labi ko dahil sa sobrang diin ng hawak niya sa baba ko, nakaramdam ako ng pananakit sa bahaging iyon.

"Takot ka din naman pala, don't act that you are brave, because you're not" mariing sambit nito at tsaka binitiwan ang baba ko.

Napayuko naman ako dahil doon. Hindi puwede, nangako sakin si Nic na ililigtas niya ako dito. Kailangan kong panghawakan ang pangakong iyon

"Nagkakamali ka. Ililigtas nila ako!" Mariing sambit ko dito pero ngumisi lang ako dito.

Ramdam ko naman ang pag-igting ng panga ko dahil sa naging reaksiyon niya. Nakakainsulto. Gusto kong tagtagin ang mga ngipin niya.

"Aww. I pity you. Sino pa ang magliligtas sayo? Yung boyfriend mo? HAHAHAHA! Dream on Mich! Hindi rin sila makakatawid sa portals, kaya walang chance na mailigtas ka nila!" Sigaw nito at tsaka isang malutong na halakhak ang pinakawalan niya

Ramdam kong naginit ang sulok ng mata ko dahil sa sobrang pagkainis. Ramdam ko ding naginit ang palad ko at tila naghahamon iyon sa pagrelease ng sphere.

Sa sobrang inis ko ay mabilis akong nagpakawala ng sphere at tsaka ipinatama ko iyon sa Black Goddess, at hindi ko inaasahan na mataamaan ko siya doon at tumilapon ito.

Agad naman akong hinawakan ng dalawang black fairies para hindi ako makapalag.

Kita ko mula sa malayo na bumangon ito at lumipad papunta sa harap ko.

"You're really quite impressive" sambit nito at ngumisi at kasabay noon ay hinawakan nito ang kamay ko at naramdaman kong nakuryente ang buong katawan ko.

Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng buong katawan ko dahil sa pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko, at ramdam ko din na unti unti bumabagal ang paghinga ko.

S-sh*t Mamamatay na yata ako.

Halos mapaluhod na ako dahil sa pangunguryenteng ginagawa niya at kitang kita ko ang ngiti sa labi niya habang ginagawa niya iyon.

"YAN! MASYADO KA KASING NAGMAMATAPANG!" sigaw pa nito at tsaka binitawan ang kamay ko at kasabay non ang pagbitaw ng dalawang black fairies sa braso ko.

Napahiga ako sa lupa at napahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam ko din ang pagkirot noon. Nangangatog na din ang tuhod ko dahil hindi parin ako masyadong nakakarecover sa pagkakakuryente niya sa'kin.

"O ano? Buhay ka pa ba?" Natatawang tanong nito sa'kin kaya napatingin ako dito.

Akmang tatayo ako at susugudin ko ito, pero nahawakan ulit ako ng dalawang fairies sa braso kung kaya't napaupo ulit ako sa lupa.

"Demonyo ka!" Sigaw ko dito gamit ang buong lakas ko.

Ngumisi lang ulit ito sakin at tsaka lumuhod para maging katapat ko "Of course I am" sagot pa nito.

"Anyways, may papakilala pala ako sa'yo, I'm sure matutuwa kang makita siya, she's the traitor that i said in the message, and yes she's one of your friend" nakangiting saad nito sakin kaya napatingin ako dito.

Umigting ang panga dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat akong maniwala sa kanya o hindi. Hindi totoo iyong sinasabi niya, malamang papaikutin niya lang ako.

"Hey, there, lumabas ka na diyan, say hi to your friend" saad nito at tumingin sa madilim na direksyon kung kayat napatingin din ako doon.

Kahit madilim ay tanaw kong may tao doon at unti unti itong lumalakad papalapit samin.

Don't tell me, totoo ang sinabi niya na kaibigan ko ang traitor? Hindi pwede!

Gusto ko nalang sanang pumikit nalang para hindi ko makita kung sino iyon, pero nahuli na ang lahat at nakalapit na iyon papunta samin.

Halos tumigil ang oras at natigilan ako nang makilala ko iyon.

S-samantha?

"Say hi to your dearest friend Samantha"

"Hi Mich" walang emosyong saad ni Samantha habang nakatingin sakin, kita ko din na tipid itong nakangiti.

Hindi.

Hindi siya si Samantha. Hindi ito pwede.

"T-this can't be, you're not my friend. Hindi ikaw si Samantha" bulong ko dito pero ngumiti lang ito sakin.

"It's  me Mich. I'm Samantha, at oo trinaydor ko kayo" sagot nito kaya napatayo ako at hinawakan ko ang mukha nito, pero tinabig niya lang iyon.

"S-samantha" bulong ko dito at halos pumiyok na ako at naramdaman kong tumulo na ang luha ko.

"Hindi ako yung Samanthang nakilala mo Mich. Fake ang lahat ng ipinakita ko sa inyo" madiing sagot nito pero umiling lang ako.

Pinagmasdan kong mabuti ang mata niya at ramdam kong iba ang nararamdaman niya doon. Siya parin si Samantha.

"P-please. Just tell me, this is not you"

"Ano ba? Huwag mo nga akong hawakan!" Saad nito at tsaka ako tinulak kaya naman napaupo ako.

"Inagaw mo sa'kin si Zach, kaya dapat lang kitang traydurin! At wag kang magalala Mich, once na napakinabangan ka na namin, ako mismo ang papatay sayo!" Sigaw pa nito at tsaka ako nakatanggap ng sampal mula sa kanya.

Halos madurog ako nang marinig ko iyon na nanggaling mismo sa kanya. Okay pa sana yung sampal niya. Pero hindi ko matanggap yung lahat ng mga sinabi niya.

Bakit Samantha? Bakit?

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon