Chapter Nineteen

313 10 0
                                    

Chapter Nineteen: Back to normal

Nagising ako na nakahiga ako sa kama. Mulat pikit ang ginawa ko sa pagod kong mata.

Ramdam ko din na masakit ang katawan ko. Shit. Ano nga bang huling nangyari?

Sinugod ako ng creature na kinokontrol ni Samantha.

Ang sakit ng katawan ko, feeling ko galing ako sa giyera, patang pata ang bawat parte ng katawan ko.

Nang inilibot ko ang tingin ko ay kita kong unti unting nanlaki ang mata nila Samantha nang makitang gising na ako.

Nasa kwarto sila Nic, Zach, Samantha, Angelica, at maging sina Jonathan at Brylle.

"M-mich are you okay?" Medyo pabulong na tanong ni Samantha at tsaka ito lumapit sakin.

Nagpatulong naman akong magpabangon para makaupo ako.

"O-oo okay lang ako" sagot ko dito at tsaka ako tipid na ngumiti dito.

Kinagat naman ni Samantha ang lower lip niya at tsaka ito yumuko. At tsaka ramdam kong humihikbi ito.

Pilit kong inabot ang ulo nito para patahanin siya.

"Sshhh, Samantha, stop crying, it's not your fault"

"N-no Mich, it's my fault, masyado akong nagpadala sa inis na nararamdaman ko" sagot pa nito at tsaka patuloy na humihikbi.

Tiningnan ko naman saglit sila Zach para senyasan na lumabas muna ng kwarto para makapagusap kami ng kami lang ni Samantha.

"Hindi mo kasalanan, it's a tournament remember?"

"Yes it is, pero hindi kita dapat inatake nang ganun" sagot pa nito at tsaka ito tumingala at tiningnan ako.

Marahan ko namang pinunasan ang mga tumutulong luha sa mata niya. I don't like to see her crying because of me, it breaks my heart to see her like this.

"S-sobra akong nagu-guilty Mich, I'm sorry, i'm sorry" saad nito at tsaka ako niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang maluha dahil finally, were okay now.

"Shhh" suway ko pa dito dahil hindi siya tumitigil sa pagiyak at paghikbi.

"It's Zach right? You like him?" Tanong ko sa kanya kaya naman napahiwalay siya ng yakap sa'kin tsaka nagiwas ng tingin.

Nahuli ko namang pasimple itong ngumiti at namula.

"Come on Samantha, just tell me" masaya kong sambit dito kaya marahan itong tumango.

"I knew it, you're jealous because he held my hand? Wala iyon Samantha, and don't worry, wala akong gusto sa kanya"

"P-pero parang may gusto siya sa'yo" sagot nito sakin kaya naman napakunot ako ng noo.

May gusto ba sakin si Zach? Hindi ko rin kasi masabi dahil sa mga pinapakita niyang kilos sakin.

"I don't know. But he's not my type" sagot ko dito at siya naman ngayon ang napakunot ng noo.

"What's with the confuse face?"

"Kung hindi si Zach ang gusto mo, eh sino?" Tanong nito kaya naman napaisip ako.

Wait. Porket ba hindi ko gusto si Zach, eh dapat may magugustuhan na ako?

"See. You like Zach" saad pa ni Samantha kaya naman pinanlakihan ko ito ng mata.

Seryoso ba siya? Porket wala akong masabing may nagugustuhan ako, si Zach na yung gusto ko?

"Hindi nga sabi---"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon