Chapter Twenty - Five

306 10 0
                                    

Chapter Twenty - Five - Secrets

"P-papa?" Kunot noo kong tanong sa kanya nang tuluyan itong makalapit sa'kin.

Papaanong nandito siya? Paano siya nakapasok? At bakit kulay sky blue na dahon ang suot niyang damit?

"Tsaka na ako magpapaliwanag anak, but for now, we need to go and fight with them" sagot pa ni papa at kahit hindi parin ako makapaniwalang nandito siya ay nagpahatak ako sa kanya at tsaka kami tumakbo.

Mausok sa labas at kanya kanyang release ng kapangyarihan ang nakikita ko sa buong paligid. May pangilan ngilan din akong nakikita mga taga Imaginary World.

Akala ko ba sugatan na sila? Paanong nakakalaban ulit sila? Teka, sila Nic kaya? Nandito ba sila?

"Papa, paano po kayo---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may tumamang kidlat sa amin, napigilan naman iyon ni papa sa pamamagitan ng pagrelease ng sphere.

T-teka? Paano niya nagawa yon? It means, may kapangyarihan din siya? Pero bakit ganun, parang sanay na sanay si papa?

"Stay with me anak, hindi tayo aalis sa lugar na ito hanggat hindi natin sila nauubos" seryosong saad ni papa kaya tumango tango lang ako.

Hahakbang na sana kami nang may biglang sumulpot sa unahan namin.

Ang Black God at Black Goddess.

Napahigpit naman ang hawak ko kay papa dahil sa pangamba at takot dahil sa kanila. Baka saktan din nila si papa, hindi iyon pwedeng mangyari.

"Long time no see, David" saad ng Black Goddess, kaya naman mas lalo akong nagtaka.

David? That's my dad's name. How did she know? Long time no see? That means, magkilala sila? Pero paano? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko.

"Dahil sa ginawa niyo sa anak ko, pagbabayarin ko kayo" mariin na sagot ni papa sa mga ito kaya napatingin ako sa kanya, sobrang seryoso siya, at para bang kontento siya sa sinabi niya.

"So she's your daughter huh? Kaya pala nagbalik ka to save her? No wonder, kaya pala success ang plano namin, kasi anak mo siya" nakangising sagot ng Black God.

Nagbalik? Anong meaning non? Marami akong gustong itanong kay papa, pero alam kong hindi ito ang tamang oras para sa mga tanong ko, dapat ifocus ko muna ang sarili ko sa kanila.

"Hindi namin kayo patatakasin" nakangising sagot ng Black Goddess pero nang tingnan ko ang reaksyon ni papa, ay ni kahit isang emosyon ay wala akong makita.

Hindi ko alam na kayang maging ganito ni papa, all this years na kasama ko siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Magsasalita pa sana ang Black God pero nangati bigla ang kanang palad ko kung kaya't nagrelease ako ng sphere papunta sa kanila, at hindi ko inaasahang tumilapon sila at hindi nagawang pigilan ang sphere na inirelease ko.

Napatingin ako sa palad ko at nagtatakang tinanong sa sarili ko kung paano ko nagawa yun. First time na ganon kalakas ang nairelease kong sphere.

"P-papa, bakit ang lakas?"

"Anak, syempre, nandito ang papa, kaya sanib pwersa tayo at halos nagmimix ang kapangyarihan natin, kaya mas lalo tayong lumalakas" sagot ni papa kaya naman sa hindi malaman na dahilan ay parang naexcite ako.

Nakakatawa kasi ganito pa nararamdaman ko kahit na delikado sitwasyon namin ngayon. Pero masaya ako at kahit papaano ay nagantihan ko ang Black God at Black Goddess kahit sa paraan man lang na yon.

"Talagang sinusubukan niyo kami ha?!" Sigaw ng Black Goddess kaya napatingin ako dito.

Nakabalik na pala sila mula sa pagkakatilapon at ngayoy nasa harapan na ulit namin sila. May ilang berdeng dugo ang nakita ko sa katawan nila at medyo sira narin ang dahong kasuotan nila. Good to see them like this.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon