Chapter Twenty

312 11 0
                                    

Chapter Twenty: Another Message from Black Blood World

A/N: This chapter is written in Narrator's P.O.V

Makailang araw ang lumipas ay gumawa na ng pangalawang galaw ang mga taga Black Blood World, at iyon ay ang pagpapadala ng pangalawang mensahe sa Imaginary World.

Malapit na ang pagdating ng delubyo na dala ng mga taga Black Blood World kaya gumawa na sila ng second move para sa ikalawang pagkakataon ay magulantang ang mga taga Imaginary World.

"Malamang magkakagulo ang mga yan, kapag malaman nila na may espiya tayo" saad ng Black Goddess at tsaka namutawi ang ngiti sa labi nito.

Lahat ng mga taga Black Blood World ay inaabangan kung anong magiging reaksiyon ng mga taga Imaginary World.

Kasalukayan sa Imaginary World...

"What is that again? A message from Black Blood World?" Iritang tanong ni Goddess Athena kay God Zeus, pero hindi naman ito inimikan ni God Zeus, na kasalukuyang nagiisip.

Nagsisimula na naman ang mga bulung bulungan sa loob ng templo kaya ang mga Gods and Goddesses ay hindi narin mapakali kung paano ipapaliwanag sa mga ito ang lahat.

Bukod kasi sa alam na nilang hindi magandang balita ang dala ng mga taga Black Blood World, ay ang higit na ipinagtataka nila ay paano ito nakakarating sa kanila, hindi kasi basta basta iyon.

"Kamahalan, hindi ba natin ito aaksyonan? Paano sila nakakapagpadala ng mensahe nang ganun kadali?" Ani ng isang lalaking fairy kaya naman ang lahat ay natahimik sa tanong nito.

Hindi na nagawa pang sumagot ng mga Gods and Goddesses dahil maging sila ay hindi rin nila ang tamang kasagutan para sa tanong na iyon.

Lalong nanatiling tahimik ang paligid ng magsimula na namang magsalita ang nasa mensahe. Katulad lang iyon ng babaeng nagsalita noong huling mensahe.

"Maligayang pagbati ulit sainyo Imaginary World" simula nito, panimula palang nito ay hindi mo na magugustuhan dahil may halong pangiinsulto ang boses nito.

"Marahil kayo ay nagtataka kung bakit nandito ako ulit" pagpapatuloy pa nito at nanatiling tahimik ang buong kapaligiran.

Maging sila Mich at ang iba nilang kasamahan ay nanatili lang ding tahimik. Sa lahat ng pinaka kinakabahan ay si Mich iyon, kutob niya kasi na hindi na naman maganda ang balitang hatid ng Black Goddess.

"Isa lang itong maikling mensahe para sa inyo, at hindi narin naman ako magtatagal, gusto ko lang iparating sa inyo na kaya nakakarating ang lahat ng mensahe namin at kaya namin nalalaman kung anong nangyayari diyan sa mundo niyo ay dahil iyon sa may espiya kami diyan, yes, you heard it right, kaya kahit ano pang plano ang gawin niyo ay makakarating din iyon samin, and lastly, human, magiingat ka, dahil sinasabi ko sa'yo, malapit sa'yo ang traitor, Gods and Goddess, you better watch her friends" mahabang saad nito at tsaka nagkagulo ang lahat, maging sila Mich ay hindi makapaniwala sa sinabi ng Black Goddess.

Nagkagulo sa loob ng templo at nagkagamitan ng sari-sariling kapangyarihan dahil sa mensaheng dala ng Black Goddess.

Kahit nagaalinlangan ay tumakbo papalayo sila Mich dahil sila ang mga pinupuntirya ng mga fairies at angels dahil sa sinabi ng Black Goddess na isa sa kanila ang traitor.

Hindi nagawang mapiligilan agad agad ng mga Gods and Goddesses ang mga ito at maging sila ay nalilito kung dapat ba silang maniwala sa mensaheng dala ng Black Goddess.

Nang bahagyang makalayo sila Mich sa templo ay agad silang nagpahinga sa ilalim ng isang puno, minabuti ni Mich na gumawa ng isang malaking sphere para maprotektahan kung sakaling may nakasunod sa kanila.

"How could they do this to us? Paano nalinlang ng Black Goddess na iyon ang mga utak nila?" Hingal na hingal na saad ni Samantha sa mga ito.

Si Mich naman ay nanatili lamang na tahimik at nag-iisip, bigla niya din kasing naalala yung sinabi ng astronomer sa kanya nung bago palang siya sa Imaginary World.

Wag kang basta basta magtitiwala sa mga taong nakapaligid sa'yo.

Ang linyang tumatak sa isipan ni Mich, na ngayon lang ulit narealize kung ano bang ibig sabihin nito.

Hindi naman sa pinagdududahan niya ang isa sa mga kaibigan niya, pero naisip niyang konektado ang sinabi ng  astronomer sa dalang mensahe ng Black Goddess.

"Hindi totoo ang sinasabi ng Black Goddess, malamang nililito lang nila tayo" saad naman ni Nic na sinangayunan ni Zach at iba pa nitong kasamahan.

"We need to explain this, or else tayo ang pagbubuntunan nila ng gamit, nakita naman natin kung paano sila nagalit satin pagkatapos noong mensaheng pinadala ng Black Goddess, they even used their powers just to hurt us" ani ni Zach.

Hindi kasi pwedeng ganun ganun nalang yun, kailangang may gawin sila o kung hindi ay masasaktan sila.

Nanatili namang tahimik si Mich dahil sa mga pangyayari, ni hindi magsink-in sa utak nito ang lahat ng mga pinaguusapan ng mga kaibigan niya.

Makaraan ang ilang segundo ay biglang nabasag ang sphere na ginawa ni Mich at nasa harapan na nila ang maraming fairies at angels.

Matatalim ang mga tingin ng mga ito sa kasamahan nila Mich at anumang oras ay pwede nilang gamitin ang mga kapangyarihan para lang masaktan sila Mich at ang mga kaibigan nito.

"Dapat kayong mamatay lahat! Isa sa inyo ang traitor ng mundong ito" sigaw ng isang lalaking angel at lalong nagalit ang mga kasamahan nito at nagsisigaw dahil sa galit.

Akmang sabay sabay silang gagamit ng kapangyarihan pero sa isang iglap ay lahat silay nakuryente at nawalan ng malay.

Nakita naman nila Mich na kagagawan iyon ng mga Gods and Goddesses para matigil ang mga ito.

Samantalang halos mamatay na sa katatawa ang mga taga Black Blood World dahil animoy nasa isa silang sinehan habang pinapanood ang mga taga Imaginary World na nagkakagulo dahil sa mensahe nila.

Masaya ang mga ito na gumagana ang lahat ng mga plinano nila at nangyayari ang lahat ayon sa kagustuhan nila.

Naguumpisa ng magkagulo ang mga taga Imaginary World, sila sila ang nagaaway at hindi sila magkaisa dahil sa pinadalang mensahe nila.

Gaya nga ng sinabi ng Black Goddess ay ito ang kahinaan ng mga taga Imaginary World, kaya mas madali nilang matatalo ang mga ito.

"Maghanda kayong lahat, ipapakita na natin sila ang tunay na delubyo na dala natin" saad pa ng Black Goddess at sabay sabay silang nagpalabas ng kapangyarihan nila.

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon