Chapter Six

449 15 2
                                    

Chapter Six: The Big Announcement

Halos makahinga ako ng maluwag ng sabihin ng kamahalan iyon, kahit na alam kong hindi parin nila gusto na nandito ako, kahit ako hindi ko rin gusto.

"Paano po natin ito sasabihin sa mga fairies at angels?" Tanong ni Nic sa magasawa at sabay itong napabuntong hininga.

"Wala tayong magagawa kundi ipaalam iyon sa kanila, we can't keep a secret from them" sagot ng reyna at tsaka pa ito tumingin sa'kin, pilit ko itong nginitian pero hindi ako nito pinansin.

Nakayuko naman ako at napaisip sa pwedeng mangyari, malamang magugulat sila, may nakatapak ba naman na tao sa lugar kung saan humans doesn't exist.

Bigla kong naalala yung matandang kahina hinala ay may gawa ng lahat ng ito.

Siya siguro ang may gaaa ng lahat ng ito, kasi humiling ako sa kanya na sana manirahan na lang ako sa mundo na almost perfect.

Pero hindi ko naman inaasahan na magkakatotoo pala ang lahat.

"Bago po ako mapunta dito, may matanda pong nagsabi na tingnan ko daw po yung salamin na antik samin at doon po ako unang pumasok papunta sa lugar na ito" pagkasabi ko noon ay lahat sila ay napatingin sa'kin at kapwa sila nagtataka.

"What?" Tanong pa ni Nic na ngayoy nakakunot ang noo.

"Huwag mo na iyang babanggitin ulit kung ayaw mong ikulong kita" sambit ng kamahalan at pinukulan ako ng nakamamatay na titig.

At sa isang iglap ay nawala silang magasawa.

Nagtaka naman ako sa inasta nila matapos kong sabihin iyon, diba dapat matuwa sila dahil atleast may impormasyon akong binigay?

"Did I say something wrong?" Tanong ko kay Nic na ngayo'y nagiisip din.

"Hindi ko rin alam. Wala akong maisip na dahilan para magalit sila sa simpleng bagay na iyon"

"There must be a reason" sagot ko pa dito.

Bigla namang kumulo ang tiyan ko at ramdam ko na ngayon na nagrereklamo na ang sikmura ko.

Geez. Gutom na ako.

"What does that mean?" Tanong nito sa'kin habang nakaturo sa tiyan ko.

"Gutom na ako, hindi ko rin alam kung ilang oras na akong nandito sa lugar niyo" sagot pa nito sa'kin.

"Gutom? Hindi nag-eexist yan samin"

"What? Eh paano ako ngayon? Baka naman mamatay ako dito sa gutom, I need food" reklamo ko dito habang hawak hawak ang tiyan ko.

Lumapit ito sa'kin, and with his one snap may kung anong lumabas sa palad nito, isa iyong maliit na bilog na kulay pula.

Kasing laki iyon ng nips kung sa reyalidad na mundo.

"Eat this" saad pa nito at nilahad sa'kin iyong maliit na bagay.

"Why would I? Malay ko ba kung lason iyan" sagot ko dito kaya naman napabuntong hininga ito.

Hindi niya ako masisisi kung bakit hindi ako nagtitiwala, wala kaya ako sa totoong mundo ko.

"Ayaw mo? Edi itatapon ko nalang. Ito pa naman ang kakainin mo at hindi ka na makakaramdam ng gutom" saad nito at akmang itatapon iyong bagay na hawak niya.

Ano yon parang adik lang? Hindi ako makararamdam ng gutom at laging busog? Baka naman mamayat ako niyan.

"Ano yun parang adik? Di ako makakaramdam ng gutom pero mamamayat ako?"

"Magisip ka nga, syempre iyon na ang magsisilbing pagkain mo habang nandito ka sa mundo namin" sagot pa nito at walang pakundangang isinubo sa'kin iyong bagay na hawak niya.

Wala na akong nagawa pa kundi ang lunukin iyon, pagkatapos ko iyong lunukin ay nawala bigla ang pagkagutom ko at feeling ko busog na busog ako.

Astig ha.

"Let's go, isang malaking announcement ang magaganap" saad nito sa'kin at tsaka humakbang.

Halos matigilan naman ako sa sinabi niyang iyon, malaking announcement?

"I forgot something" saad ni Nic at tsaka bumalik sa kinaroroonan ko.

Itinapad nito ang palad niya sa damit ko at unti unting nagbago ang damit ko.

Naging isa din iyong tuyong dahon, kagaya ng mga kasuotan nila.

Akala ko makati iyon sa katawan, pero hindi pala.

"Yan muna ang susuotin mo habang nandito ka" saad pa nito at tsaka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

Para namang may kung anong kuryente akong naramdaman habang naglalakad kaming magkahawak ang kamay.

Slow motion ang lahat, mabagal lang ang paghinga ko dahil sa mga nangyayari at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

There you are again Mich! What the heck are you saying! Gosh. This driving me crazy.

I'm such an idiot.

Bigla ko namang binitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko, tumingin ito sa'kin at kumunot ang noo, pero hindi na lang niya iyon pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

'Feeling ko kasi awkward yon'

Habang naglalakad kami papasok ng templo, ay ramdam na ramdam ko ang presensiya ng mga faeries at angels.

Rinig na rinig ko ang bulungan nila, alam ko din na yung iba ay gulat na gulat ng makita ako, yung iba ay muntik pang himatayin.

Oh God. Hindi ko talaga alam itong pinasukan ko, sana lang walang masamang mangyari sa'kin bago ako makaalis sa lugar na ito.

"Don't mind them, obvious naman na magugulat sila na may tao, pero don't worry, they will not hurt you, unless it's an order from Gods and Goddesses" saad ni Nic sa'kin, kaya pilit ko naman itong nginitian.

Kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon ko, ganito ang mararamdaman. Yung feeling na napapaligiran ka ng mga taong mukhang ayaw sa'yo.

Nang makarating kami sa upuan or ang tawag nila ay trono ay nagtipon tipon ang mga faeries and angels.

Hanggang ngayon ay nagbubulungan ang lahat at ramdam ko ang matatalim na tingin nila sa'kin.

Kitang kita ko din mula sa likuran ang lahat ng Gods and Goddesses. Ibat ibang kulay ng dahon ang suot nila, it must be the sign of their powers.

Halos ROYGBIV na sigurong kulay ang nandoon, meron pang iba, gray, pink, black.

"Fairies, angels, we're here to announce such a big news" paninimula ng kamahalan.

Tumigil ang bulungbulungan at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Gusto naming humingi ng paumanhin na may taong nakapasok sa mundo natin, we don't even sure yet, kung paano iyon nangyari" pagpapatuloy pa nito habang nililibot niya ang tingin niya.

"And because of that, kinakailangan niyang manatili dito" sambit pa nito at tsaka nagsimula ulit ang bulung bulungan.

"We will consider her as one of us" dadgdag pa nito.

"Pero kamahalaan, delikado po iyon, tao po siya, why can't we just kill her?" Sambit ng isang lalaki, at tsaka lalong nagingay ang mga ito.

Halos mapaiyak na ako sa sinabi nito dahil para lang akong hayop kung makapagsabi siya na dapat akong patayin.

"We can't do that, this place is almost perfect, huwag nating hayaang masira iyon, and it's not her fault na napapunta siya dito sa lugar natin" rinig kong salita pa ng isang lalaki at sa may hindi kalayuan ay nakita ko ito, nang mapadako ang tingin nito sakin ay nginitian ko ito bilang pasasalamat.

"Zach is right, from now on, dito muna siya titira, you can't do anything to her, unless it's my order, that's all, dismiss"

Imaginary World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon