Simula

5.9K 115 11
                                    

Simula

Nakatitig lang ako sa dance floor habang iniinom ang hawak kong Tequila, ang paborito ko sa lahat ng alak. Hindi ko mapigilang matawa nang makita si Ashley at Derick na wild na sumasayaw sa gitna. Hindi nila napapansin na napapatitig na sa kanila yung mga nasa paligid nila. Wala namang bago doon, lagi talaga silang makatawag pansin.

Mas bumilis ang beat ng music at indayog ng ilaw. Kanya-kanyang hiyawan ang mga tao at halos sabay-sabay na tumatalon.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa kabilang table na panay ang sulyap sa akin. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin. Kahit na madilim at magalaw ang ilaw ay naaninag ko pa rin ang mukha niya, his captivating eyes, pointed nose and perfect jawline.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa dance floor kahit na nararamdaman ko pa rin ang pagtitig niya.

"And what is a beautiful girl like you doing here?"

Nilingon ko ang pinagmulan ng pamilyar na boses. Nakangiting umupo sa tabi ko si Zach, ang pinakamatalik kong kaibigan. Magkababata kami at parehas na nagnenegosyo ang mga magulang kaya naman naging malapit kami.

"Drinking." Nakangising sagot ko. "Paano mo pala nalamang nandito ako?" Dagdag ko. Hindi ko naman kasi siya sinabihan na nasa Encore ako.

Ngumisi siya at itinaas ang phone niya para ipakita ang call log niya. Nakita kong si Abegail ang huling tumawag sa kanya. Malamang ay nag-aalala na naman sa akin yun si Abegail kung paano ako uuwi kaya tinawagan niya si Zach.

Nilagok ni Zach ng diretso ang wine na hawak niya. Hindi kasi siya umiinom ng ibang alak maliban sa wine dahil siguradong malilintikan siya sa Daddy niya, kay Tito Alfred.

"Nasaan pala si Ashley? Hindi ko pa siya nakikita simula nang dumating ako dito, pati si Derick." Saad niya. Inilibot niya ang tingin niya sa paligid.

"Nasa dance floor." Natatawang saad ko habang pinapanuod kung paano palibutan ng mga babae si Derick.

Nagtaka ako nang hindi sumagot si Zach kaya naman nilingon ko siya. Sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatitig hanggang sa makita ko na naman yung lalaki kanina. Nakatingin pa rin siya sakin na para bang walang mali sa ginagawa niya.

Hindi man lang ba siya nahihiya? Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatitig.

Tatayo na sana si Zach nang mahawakan ko ang braso niya. Kita ko ang pagtiim ng panga niya.

"What are you going to do?" Nag-aalalang tanong ko.

Kilala ko si Zach. He's overprotective pagdating sa akin. Ayaw niya na may kinakausap akong ibang lalaki o kahit may tumitig man lang sa akin.

"That guy keeps staring at you." Seryosong saad niya.

Nakakuyom ang kamao niya. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalaking nakatingin sa akin kanina. Tumingin ito kay Zach at ngumisi. He's teasing Zach!

"Let's just go. Ayoko ng gulo, Zach. Pumunta na lang tayo sa table nila Abegail."

Hindi ko na hinintay na sumagot si Zach. Hinila ko na agad siya papalayo bago pa tuluyang maubos ang pasensya niya at sugurin iyong lalaki.

"There you are love birds! Kanina pa namin kayo hinahanap." Saad ni Abegail na lango na rin sa alak. Inirapan ko siya. Alam niya namang ayokong inaasar niya kami. Mabait na kaibigan lang ang turing ko kay Zach.

Umupo kami sa tapat ni Abegail at Drake.

"Yo, whats up man?" Bati ni Drake.

Tumango lang sa kanya si Zach. Mukhang nahalata nila na hindi maganda ang mood ni Zach kaya tinawag ni Drake yung waiter para mag-order ng sampung shots ng Gin.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon