Kabanata 19 (Alex's POV)

1.8K 49 2
                                    

His Feelings

I stopped kissing her when I felt her skin. Tumaas ang balahibo ko, humiwalay agad ako sa kanya.

She's just wearing her two piece swimsuit!

Hinawakan ko ang maamong mukha niya. Natuyo na ang mga luhang umagos kanina. Hindi niya lang alam kung gaano ako nasasaktan nang makita ko siyang umiyak.

"Alex." Nakangiti niyang bigkas sa pangalan ko.

"Yes?" Saad ko habang dahan-dahang hinahaplos ang mukha niya. I just couldn't believe that she's here with me, that she kissed me.

"I love you." Saad niya.

Tumatalon sa tuwa ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Hinawakan niya rin ang mukha ko, hinahaplos niya ang bawat parte nito. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko.

"I love you too." Nakangiting saad ko.

Ipinulupot ko sa katawan niya ang braso ko. Wala akong dalang jacket o kung anuman, nag-aalala ako na baka lamigin siya lalo na't lumalalim na ang gabi.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Kasama ko ang ibang mga teachers ng oras na iyon pero ang atensyon ko ay nasa kanya lang. Kitang-kita ko kung paano siya lingunin ng mga lalaking estudyante nang lumabas siya ng tent kasama ang dalawang kaibigan niya.

Kahit na may suot siyang see through, tanaw pa rin ang hubog ng katawan niya. Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa lumangoy sila ng mga kaibigan niya. Nag-alala na ako nang sandaling malayo na sila sa dalampasigan.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang matanaw ko ang kamay niya. Unti-unti na siyang lumulubog kaya hindi na ako nagdalawang-isip na iligtas siya.

Hindi ko kakayanin kung may nangyaring masama sa kanya.

Hindi ko pinansin ang mga teachers na sumalubong sa akin nang makarating kami sa dalampasigan. Hindi ko na rin alintana ang mga nabangga kong estudyante dahil sa pagmamadali ko. Siya lang ang tanging tumatakbo sa isip ko, yung pag-aalala at takot ko na mawala siya.

"Talaga? Bakit masungit ka sa akin?" Tanong niya.

"I was in denial that time but I couldn't resist you." Saad ko sa kanya.

"Kailan nagsimula? Noong narinig mo yung sinabi ni Zach?" Tanong niya habang nakahilig sa balikat ko ang ulo niya. Nakatingin siya sa dagat habang nakatingin ako sa kanya.

"No."

Ikwinento ko sa kanya ang lahat.

Nagsimula akong maguluhan noong Battle of the Bands. Madilim noon, kaonti ang ilaw at maraming tao pero siya lang ang nakita ko ng gabing iyon. Kahit na anong gawin ko, siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

Ang akala ko nung una ay simpleng paghanga lang pero nang makita ko si Tiffany, doon ko napagtanto kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Almira. Minahal ko si Tiffany noon, akala ko nang nagpakita ulit siya sa akin ay babalik ang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi pala. Si Almira na ang nagpapatibok nito. Siya lang.

Cheesy man pakinggan pero sa kanya ko unang naramdaman na kiligin.

Akala ko maayos na ang lahat. Akala ko kapag naging malapit na kami sa isa't-isa ay mawawala rin ang nararamdaman ko. Ilang beses kong paulit-ulit na itinatak sa isip ko na estudyante ko siya at guro niya ako. Kahit saang anggulo tingnan, mali ang nararamdaman ko.

Sobrang kirot ng puso ko nang malaman kong boyfriend niya na yung kaibigan niya. Gusto kong magwala pero wala ako sa posisyon para gawin 'yon kaya iniwasan ko siya. Pero mas lalong nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita silang magkasama. Hindi ko matanggap na hindi ko magawa kung anong ginagawa niya kay Almira. Gusto ko ring hintayin si Almira na lumabas ng classroom nila, gusto ko ring makasabay siyang kumain, gusto ko ring ihatid siya sa bahay nila pero wala akong karapatan na gawin ang mga bagay na iyon.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon