Acceptance
"Why are you wearing sunglasses?" Tanong ni Zach habang nagda-drive. Ito na nga ba yung sinasabi kong dahilan kung bakit iniwasan ko siya kanina.
"W-wala lang." Saad ko. Ibinaling ko ang tingin sa bintana para iwasan siya.
"You never wore sunglasses inside your classroom." Natatawang saad niya.
Napairap ako nang maabutan kami ng red light. Naging daan ito para tingnan niya ako at subukang tanggalin ang sunglasses ko.
Agad akong umiwas.
"M-may sore eyes ako." Natatarantang saad ko. Mabuti na lang nakaisip agad ako ng palusot.
"Really?" Ngumisi siya na para bang hindi naniniwala sa akin.
"Green na." Itinuro ko ang traffic light para ibaling doon ang atensyon niya.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bag para tingnan.
"I miss you."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung kanino ito galing. Mabuti na lang ay may sunglasses ako kaya hindi nakikita ni Zach ang reaksyon ko.
Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko.
"By the way, I think he's nice." Biglang saad ni Zach kaya nilingon ko siya. Ibinalik ko sa bag ang phone ko.
"Sino?" Tanong ko, nakakunot ang noo.
"Mr. Reeves." Maikling sagot niya. Agad na naalala ko yung nabasa ko nang marinig ang pangalan niya.
I miss you.
Umiling ako para mawala ito sa isip ko. Siguro nagkamali lang siya ng send, baka para kay Tiffany talaga 'yon.
Mabilis kong pinunasan ang nakatakas kong luha. May parte pa rin sa akin na umaasang hindi 'yon wrong sent lang.
"Are you okay? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Zach. Saka ko lang napansin na naihinto niya na pala ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at nakatitig na siya sa akin.
"Nagluluha lang yung mata ko." Saad ko.
"Do you have medicines, any eye drops?" Tanong niya. Tumango ako.
"Okay then, get well soon. I'll fetch you tomorrow okay?" Saad niya. Ngumiti ako bago bumaba.
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa text ni Alex. Ilang oras ko iyon na tinitigan, magta-type ako ng salita tapos buburahin ko, paulit-ulit lang
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbigat ng mata ko matapos ang walang tigil na pag-iyak."Hija? Nandito na si Zachary." Dinig kong saad ni Manang Elena.
Pinasadahan ko ng tingin ang salamin bago ako lumabas. Nakangiti si Zach na sinalubong ako at inabot ang kamay ko bago tuluyang makababa ng hagdan.
Ngayon ang unang beses na mamamasyal kami na kaming dalawa lang. Hindi bilang magkaibigan kung hindi higit pa doon.
"Hi." Saad niya. Inabot niya sa akin ang bouquet ng rosas.
"Thank you." Nakangiting saad ko. Inabot ko kay Manang Elena iyong bulaklak para makaalis na kami.
Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain muna.
"Thank you Almira for letting me show what I feel for you." Saad niya habang kumakain.
Kung pwede lang turuan ang puso, tuturuan ko na lang ito na si Zach na lang ang mahalin para hindi na ako nahihirapan. Napagtanto ko kagabi na hindi na ako dapat pang maghabol kay Alex. Siguro nga mahal niya pa rin talaga si Tiffany. Ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/108359733-288-k739873.jpg)
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...