Kabanata 2

2.9K 84 2
                                    

Excuses

Mabilis na kumalat kahapon ang pagretiro ni Mrs. Lewis at ang pagdating ng bagong teacher. Wala pang breaktime ay pinag-uusapan na ng mga babae kahapon si Mr. Reeves. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na siya yung bagong teacher.

Ako lang ata ang hindi excited habang hinihintay ang pagdating ng bago naming Calculus teacher. Abala halos lahat ng mga babae sa pag-aayos kasama na si Ashley. I'm busy keeping myself calm. Just the thought of him na nandito sa classroom, hindi na ako mapakali. Hinihiling ko na lang na sana hindi siya dumating dahil baka may gawin na naman akong kung ano.

"Hindi ka ba excited?" Baling ko kay Emily.

"Hindi. Calculus pa rin naman ang subject. Mahirap pa rin kaya walang dapat ikatuwa. Ikaw?"

Umiling ako. Isinalpak ko ang earphones sa tenga ko para makinig ng tugtog.

15 minutes na siyang late.

Kahit na nakikinig ako ng music, hindi pa rin ako mapakali. Iniisip ko kung alam ba niya yung schedule ng klase niya o sadyang late lang siya. Ngayon pa naman ang unang araw ng pagtuturo niya.

Mahigit isang oras pa ang lumipas bago siya dumating. I couldn't explain what I felt nang makita ko siyang papasok dito sa classroom. Pakiramdam ko huminto ang paligid, or maybe I was just exaggerating.

Pawisan na siya nang dumating. Late siguro. Sa halip na mainis ay lalo pang natuwa yung mga kaklase ko. Kulang na lang tumulo ang laway ng mga babae sa sobrang pagtitig sa kanya.

"Good morning class." Bati niya habang pinupunasan ng panyo ang mukha niya.

"Good morning too, sir." Mabilis nilang sagot.

Inilapag niya ang dala niyang folder at pencil bag na transparent. Kumuha siya ng marker at isinulat sa white board ang buong pangalan niya.

"I am Mr. Alexander Reeves. Call me Mr. Reeves because I don't want being called by my first name."

Kita ko ang paghagikgikan ng mga kaklase kong babae habang binabasa ang pangalan niya.

"Alexander." Mahinang usal ko habang pinaglalaruan ang ballpen sa table ko.

Bakit ba kailangan niya pang banggitin na hindi siya pwedeng tawagin sa first name? Mas lalo ko tuloy ginugustong bigkasin ang pangalan niya.

"May I ask you something sir?" Maarteng tanong ni Britney. Sa halip na magsalita ay tumango lang si Alexander.

"Do you have a girlfriend?" Walang pag-aalinlangang tanong niya.

Napasinghap sila nang umiling siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang alamin yung civil status niya. For Pete's sake, he's our teacher!

Pero hindi ko maikakaila na may parte sa akin na gusto rin iyong malaman. Ano bang nangyayari sa akin? Since I saw him, hindi na ako mapalagay. I barely even know him but he keeps running in my mind.

I know, this has to stop.

"That's the first and last question about my personal life. I will only entertain those questions that are connected to our subject." Seryosong saad niya.

Natahimik silang lahat. Malamang ay dahil wala namang may gusto ng subject na Calculus. Siya lang naman ang gusto nila.

"If you don't have anymore question, then you're dismissed."

Tumingin ako sa relo ko. May halos labing limang minuto pang natitira. Pwede niya pa sana idiscuss kung anong pag-aaralan namin sa susunod na meeting.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon