Kabanata 14

1.7K 46 0
                                    

Sunset

Nadismaya ako nang agad din niyang binitawan ang kamay ko. Mababaliw na ata ako dahil sa nagwawalang sistema ko. Gusto kong hawakan ulit siya pero wala naman ako sa posisyon para gawin 'yon.

"Stay away from my brother Almira. You see, he's a womanizer." Pangangaral niya.

"Is it true? Are you two dating?" Dugtong niya.

Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga titig niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam?

"Hindi. Nagk---"

"You don't need to explain. As long as you said it, I'll believe you." Nakangiting saad niya at ginulo ang buhok ko.

"Ang gwapo naman ng boyfriend niya."

"Artista ba siya?"

"Magpa-picture tayo. Dali!"

Napatingin ako sa paligid ko. Nakaamba na naman ang pagdating ng maraming babae. Gusto ko na lang itago yung mukha niya o di kaya ay lagyan siya ng tag.

"Alis na tayo dito." Aya ko.

Tumango naman siya kaya agad kaming umalis. Nagikot-ikot lang kami sa mall pero kahit saan ko ata siya dalhin ay makakatawag siya ng pansin. Lagi na lang siyang pinagtitinginan, lalo na ng mga babae. Kainis.

"Sir, ano sa tingin mo ang gustong regalo ng lalaki?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Inaya ko siya sa isang maliit lang na restaurant na wala gaanong tao.

"It depends on his personality." Saad niya.

"Tinawag niya bang sir yung lalaki?"

"Oo narinig ko, so hindi sila couple."

"It means, single si kuyang hot!"

Sinamaan ko ng tingin yung dalawang babae sa kabilang table. Hindi ko dapat siya tawaging 'sir' in public. Magkakaroon lang lalo ng lakas ng loob itong mga babaeng 'to.

"Para kanino ba 'yan?" Tanong niya. Inginuso niya ang binili ko sa Model Art.

"Birthday gift ko sa kaibigan ko." Nakangiting saad ko.

Pinili ko na lang na hindi pansinin iyong mga babae. Nagdiriwang kasi ang mata at tiyan ko dahil sa dalawang malaking pizza na in-order niya.

"You love pizzas?" Nakangiting tanong niya.

Hindi na ako makasagot dahil sa puno na ang bibig ko kaya ngumiti na lang ako at tumango.

"Dahan-dahan. You might choke."

Pagkatapos naming kumain ay inaya ko siya sa Timezone. Pagpasok pa lang namin ay napatingin na agad sa kanya yung iilang babae na akala mo ay nakakita ng artista.

"Ch---"

"Ako na lang magpapa-check ng balance." Putol ko sa kanya nang mapansin ang malagkit na tingin nung babae sa counter. Tumango naman siya at inabot sa akin yung Timezone card niya.

"Check ng balance miss." Saad ko pero hindi ako pinansin nung babae.

"Miss, bingi ka? Sabi ko, paki-check yung balance nito." Padabog kong inilapag ang card sa harapan niya. Pinag-iinit yung ulo ko.

"Five hundred twenty three." Mataray niyang saad bago ibalik sa akin yung card.

Hindi talaga magandang ideya na inaya ko siya dito. Kung maraming nakatingin sa kanya kanina, ngayon dumoble na. Pakiramdam ko tuloy may kasama akong artista na anumang oras ay dudumugin ng fans niya.

Napangiti ako nang makita ang photo booth sa di kalayuan. Perfect!

"I don't like pictures." Nakayukong saad niya.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon