Kabanata 29 (Alex's POV)

1.4K 44 1
                                    

His Reason

"Alexander."

Hindi na ako nagulat sa pagdating ni Tiffany sa office ko. Pagkatapos kong makipaghiwalay kay Almira ay lalong napadalas ang pagpunta dito ni Tiffany.

Lumapit siya sa akin para hawakan ang kamay ko pero agad ko iyong tinabig.

"Why? Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Nakangiting tanong niya.

Nag-igting ang panga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Bumabalik na naman sa ala-ala ko ang mga pangyayari noong araw pagkatapos ng date namin ni Almira sa amusement park.

I excused myself para pumunta sa comfort room. Iniwan ko muna si Almira sa table namin. Pero bago pa ako makarating ay humarang sa harap ko si Tiffany. Napansin ko na noong una pa lang na may pamilyar na pigura ng babae ang kanina pang nakasunod sa amin but I ignored it.

"Hi." Nakangiting saad niya.

"What are you doing here?" I asked her. Nagbabakasaling nagkataon lang na nandito siya.

Pero mali ako.

Ipinakita niya sa akin ang mga kuha ng phone niya. Mga litrato namin ni Almira mula sa cafe, bago sumakay ng sasakyan hanggang sa mga sinakyan naming rides dito. May ilang kuha pa na nakapulupot ang braso ko sa baywang niya.

Kitang-kita ang mga mukha namin.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag-aalala.

"Why were you following us?" Tanong ko. Pilit kong tinatago ang takot na bumabalot sa akin.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong? Bakit kasama mo ang estudyante mo? I don't think this is a school activity or something." Saad niya.

"Look, you look like a sweet couple here." Nakangising dugtong niya habang ipinapakita sa akin ang picture na nakahawak si Almira sa mukha ko.

"What do you want?" Seryosong tanong ko.

Ngumisi siya.

"Ikaw. Ikaw lang naman ang gusto ko Alexander. Mahal kita. Mahal na mahal."

Mahal? She left me 5 years ago without saying anything. I was so devastated that time. I couldn't find her no matter how hard I try. Until I found out that she was studying in Canada.

"Stop it Tiffany. Wala kang ideya how hard it was to be left without knowing why." Mariin kong saad.

Napaatras ako nang subukan niya akong hawakan.

"Nakahanap ka na ba ng kapalit sa akin kaya tinatanggihan mo na ako? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?" Sunod-sunod niyang tanong. Itinuro niya ang direksyon kung nasaan si Almira.

"If yes, what is it to you?"

"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sa mga litratong ito, Alexander."

She threatened me. I had no choice but to give her what she wants. Ang nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon ay si Almira. Nag-aaral siya at may magandang pangalan sa school. Hindi ko hahayaang masira iyon dahil sa akin.

Nabigla ako nang pumunta si Tiffany sa office at bigla akong hinalikan. Itutulak ko pa lang siya nang biglang pumasok si Almira.

Bago pa ako makapagsalita ay nakatakbo na siya paalis. Marahas kong itinulak si Tiffany.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nakahawak sa braso ko.

"I need to follow her." Seryosong saad ko.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon