Witness
"Goodbye class." Paalam ni Ms. Vasquez. Bago pa kami sumagot ay nakalabas na siya ng classroom.
Walang pagsidlan ang excitement ko dahil Calculus na ang sunod naming subject. Makikita ko na naman si Alex. Huli kaming nagkita noong linggo pagkatapos noon ay hindi na ito nasundan. Abala raw kasi siya para sa paparating na Finals sa susunod na linggo. Nag-alok ako ng tulong sa kanya pero tumanggi siya. Ayaw niya lang siguro akong mapagod.
"Good morning class." Seryosong bati niya. Isa ako sa mga ganadong bumati pabalik sa kanya.
Nakinig ako ng maigi sa klase niya dahil kailangan kong makakuha ng mataas na score sa finals para ma-maintain ko ang pagiging running for valedictorian ko.
Napansin kong kahit isang sulyap ay hindi niya ako binibigyan. Seryoso lang ang mukha niya at madalas na nakatingin sa libro. Nadismaya ako nang hanggang matapos ang klase niya sa amin ay hindi niya hiniram ang libro ko.
Galit ba siya?
Hanggang sa mag-lunch break ay hindi pa rin naaalis sa isip ko si Alex. Nababagabag ako dahil pakiramdam ko may mali. Dati, madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin o di kaya ay hinihiram niya ang libro ko at nag-iipit ng kung ano-anong notes pero ngayon, hindi niya iyon ginawa.
"Magkaaway ba kayo?" Pabulong na tanong ni Ashley habang naglalakad kami papunta sa table namin dala ang tray ng pagkain namin.
"Nino?" Tanong ko.
"Sino pa ba? Edi si Sir Alex." Mahinang saad niya.
"Ewan ko." Simpleng sagot ko.
Pagdating namin sa table ay naabutan naming nakaupo na doon si Zach.
"Good to see you bro." Bati ni Drake sa kanya bago umupo. Ngumiti lang siya at ibinalik ang tingin sa akin.
"Why do you keep buying that food? That's not good for your health." Saad niya nang umupo ako sa tabi niya.
"Stop it Zach. 'Wag mong pakialaman si Mira sa kinakain niya." Saway sa kanya ni Ashley.
"Listen to my baby." Nakangising saad ni Drake. Hahawakan niya sana ang pisngi ni Ashley pero naunahan siya nitong hampasin ang mga kamay niya.
"I'm just concern." Nakangiting saad ni Zach habang inilalagay sa tray ko ang binili niyang Peach-Mango shake, caesar salad at toasted bread.
Hindi na ako umangal. Medyo nasanay na rin kasi ako kay Zach. Ganyan na kasi siya simula nang magkaayos kami.
"Do you have a review on saturday?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Good then. So you're free, right?" Excited na tanong niya. Tumigil ako sa pagkain para magsalita.
"Bakit?"
"We'll have a date." Simpleng sagot niya bago bumalik sa pagkain niya. Nagkatinginan kami ni Ashley.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Hinatid pa ako ni Zach bilang simula ng panliligaw niya. Napagisip-isip niya raw kasi na hindi niya ako niligawan bago niya ako tinanong noong birthday niya.
"We'll have a group project." Saad ng teacher namin sa Filipino.
Napuno ng bulungan ang buong klase. Maging ang mga katabi ko ay umaangal.
"Huwag kayong mag-alala. Kayo ang mamimili ng kagrupo niyo." Nagdiwang sila nang marinig ang sinabi ng teacher namin.
"Almira!" Tawag ni Ashley. Nilingon ko siya.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...