Kabanata 3

2.6K 77 6
                                    

Pancake

Nakayuko lang ako habang sinusundan siya. Kahit na may pagitan kami ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya. Hindi ko mapigilang tumitig sa likod niya.

Bakit ba parang lahat sa kanya ay sexy?

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paligid. Baka sakaling kung ibabaling ko ang atensyon ko sa iba ay kumalma ang puso ko.

"Ouch!"

Hinimas ko ang ulo kong tumama sa matigas na bagay. Kinapa ko ang malapad na bagay na tumama sa ulo ko. Pinisil-pisil ko ito, malambot na medyo matigas.

"What are you doing?"

Itiningala ko ang mukha ko para makita ang nakakunot na noo ni Alexander. Uminit ang pisngi ko nang mapagtanto ko kung anong pinisil-pisil ko.

Ramdam ko ang paglipad ng mga paro-paro sa t'yan ko dahil sa pagpisil ko sa matigas niyang dibdib. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan.

"I-I'm sorry, sir." Saad ko. Nag-iwas ako ng tingin, saka ko lang napansin na nasa tapat na kami ng office niya.

Binuksan niya ang pinto kaya sumunod ako. Napalunok ako nang bumalot sa ilong ko ang scent niya. Amoy pabango niya ang buong office niya at pilit itong pumapasok sa sistema ko.

Naupo ako sa sofa at pinagmasdan siyang dumiretso sa table niya. Kinuha niya ang envelopes ni Mrs. Lewis. Inilapag niya iyon sa table na nasa harapan ko.

"My schedule and class records, place it here." Inabot niya sa akin ang isang long folder. "Then, organize these all." Itinuro niya ang makakapal na envelope ni Mrs. Lewis.

Hindi ko na nagawang umangal dahil lumabas na agad siya ng office. Mukhang iniiwasan niyang tumanggi ako. Padabog kong inilagay sa folder na binigay niya ang lahat ng hinihingi niya. Pagkatapos ay inilabas ko lahat ng laman ng bawat envelope para ayusin iyon.

Kung kailangan niya pala ng tulong, dapat kumuha na siya ng assistant niya. Sigurado naman akong maraming magvo-volunteer na maging assistant niya. Hindi niya na kailangang magbigay pa ng incentives katulad ng ginagawa ng ibang teachers.

Mahigit isang oras ko nang inaayos ang mga file na binigay niya pero wala pa rin ako sa kalahati. Humikab ako nang makaramdam ng antok. Pagod na ako, sinabayan pa ng malakas na ulan at mabangong scent ng office niya. Paano ako hindi aantukin?

Nagpasya muna akong humiga sa sofa hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagbigat ng mga mata ko.

Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng pagkain. Idinilat ko ang mga mata ko.

Wala na ang envelopes at tanging pagkain na lang ang nakalagay sa table. Isang pinggan na may tatlong pancakes na magkakapatong. Umaapaw ito sa strawberry at chocolate syrup. Katabi nito ang isang can ng juice.

Umubo si Alexander kaya napatingin ako sa kanya. Nakasuot na siya ng puting t-shirt na fitted sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang naka-salamin. Hindi ko na dapat siya pinigilan no'ng nakaraan na suotin ang salamin niya. Sa halip na pumangit siya ay nakadagdag pa ito sa dating niya.

"I-i thought that you might be hungry." Saad niya na hindi man lang ako tinitingnan. Binuksan niya ang laptop niya kaya hindi ko na nakita ang mukha niya.

Nagdiriwang ang sistema ko sa sinabi niya. Sakto, kanina pa ako nagugutom.

"You're my assistant now."

Muntik na akong mabulunan nang marinig siya. Gulat akong napatingin sa kanya na ngayon ay nagbabasa naman ng libro. Seriously, ano ba talagang gusto niyang gawin? Magbasa o gumamit ng laptop? Ako yung nalilito sa ginagawa niya.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon