He's Taken
Nagbitaw agad kami ng kamay nang tuluyan na kaming makapasok sa school. Mabuti na lang ay hindi ganoon karami ang mga estudyanteng nakakalat. Ilang araw na lang ay finals na, kapag ganitong panahon, karamihan sa mga estudyante ay sa library ginugugol ang oras habang walang teacher.
"I'll see you later." Nakangiting saad ni Alex bago kami tuluyang maghiwalay. Magkaiba kasi ang daan papunta sa classroom namin at sa classroom ng unang klase niya.
Tumango ako.
Pagdating ko sa classroom ay agad na naglapitan si Ashley at Drake sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ekspresyon ng mga mukha nila. Hindi maganda ang kutob ko sa kanilang sasabihin.
"What happened yesterday Mira?" Seryosong tanong ni Drake. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang malaman.
Ibinaling ko ang tingin kay Ashley.
"Nakita namin si Zach kagabi sa Encore." Ani Ashley. Bumaba ang balikat niya at nanlumo habang mukhang inaalala ang kung anumang nangyari kagabi.
"Nasa Encore kayo? Kayong dalawa lang?" Tanong ko.
"Y-yes." Maikling sagot ni Drake, nakahawak siya sa batok niya at nag-iwas ng tingin.
Natigilan kaming tatlo nang makita ang marahas na pagpasok ni Abegail. Dumiretso siya sa aming tatlo. Malamang ay ako ang pakay niya.
"Ano na naman bang ginawa mo kay Zach?!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses ni Abegail. Maging ang mga kaklase ko ay napatingin sa gawi namin. Ngayon ko na lang nakita ulit si Abegail pagkatapos ay ganito na naman ang eksena namin.
"Bakit? May nangyari ba kay Zach?" Nag-aalalang tanong ko.
"Tinatanong ko kung anong ginawa mo sa kanya." Mahina ngunit mariin niyang sambit. Ramdam ko ang pagpipigil niyang sumigaw.
"Mira kasi ..." Nilingon ko si Ashley na ngayon ay nakatungo. Hinihintay na tapusin ang pangungusap na sinimulan niya. "Sobrang lasing ni Zach kagabi, ilang bote ng alak ang ininom niya. Halos hindi na siya makatayo kaya tinawagan namin si Abegail para ihatid siya pauwi."
"Ano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Nag-aalala ako kay Zach at nakokonsensya. Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nagpakalasing. Hindi naman si Zach yung tipo na naglalasing, ngayon niya lang 'to ginawa.
"Alam mo bang galit na galit si Tito Alfred nang makita siya kagabi?! Tapos ngayon hindi siya pumasok at sigurado ak---"
"Ms. Sanchez?"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Ms. Vasquez na nakatayo na sa harap. Hindi man lang namin namalayan ang pagdating niya. Diretso siyang nakatingin kay Abegail habang nakaturo sa pintuan.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Mira." Mahinang saad niya bago lumabas.
Agad na bumalik kami sa mga upuan namin para makinig sa sasabihin ni Ms. Vasquez. Ngayon ko lang napansin na wala siyang dalang gamit.
"I want you to use my time to review our lessons. This coming monday will be our finals and maybe our last meeting for this semester." Saad niya.
May ilang natuwa sa sinabi niya pero may ilan ding nalungkot. Isang semester na naman ang lumipas, matatapos na rin namin sa wakas ang grade 11.
Matapos 'yon ay lumabas na siya ng classroom. Katulad ng sinabi niya, ginamit ko ang dalawang oras para mag-review sa Chemistry. Ganoon din naman ang ginawa ni Ashley at Drake. Himala nga dahil seryoso silang nag-aaral ngayon.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...