Pictures
"Sorry sir pero sa tingin ko mas makakabuti kung mauuna kaming pumasok sa loob." Saad ni Ashley.
"I understand." Tugon ni Alex na para bang may ideya na kung anong nangyayari.
Hinila ako ni Ashley papasok sa school. Halos tumakbo na ako dahil sa bilis ng paglalakad niya. Agad natawag ng pansin ko ang napakaraming estudyante sa hallway. Lahat sila ay may pinag-uusapan.
"Bakit ba hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawagan." Aniya sa gitna ng pagmamadali namin.
Kinapa ko ang bulsa ko. Napasapo ako sa noo nang maalala kong naka-charge kanina ang phone ko.
"Naiwan ko sa bahay." Sagot ko.
"Tss." Umiling-iling siya.
Huminto kami sa bandang gitna ng ground floor ng building. Maluwag ito pero ngayon ay sumikip ata dahil sa dami ng mga nagkukumpulang mga estudyante.
"Excuse me."
"Excuse me."
Hinawi ni Ashley ang mga estudyante. Walang hirap naman silang tumabi nang makita ako.
Tumigil kami sa tapat ng pinakamalaking bulletin board. Nakapaskil dito ang lahat ng mahahalagang anunsyo ng Principal at ng iba pang matataas na opisyal dito. Pero ngayon, wala akong makitang kahit na anong anunsyo. Halos mabalutan ang buong bulletin board ng pinagdikit-dikit na mga litrato.
Malabo ang litrato, para bang sinadya itong palabuin ngunit natawag ang pansin ko ng nakasulat sa itaas. Malalaki ang letra nito na nagmistulang pamagat ng mga litrato.
'A teacher from MIS caught on camera dating his student. Guess who?'
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ito. Hindi malinaw ang mga litrato pero nasisiguro kong kami 'yon. 'Yon yung suot namin noong nagpunta kami sa isang amusement park, hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unting dumaloy ang kaba sa akin.
Lumapit sa akin si Ashley, hinagod niya ang likod ko para pakalmahin.
"Calm down, walang nakakaalam kung sino ang mga nasa litrato." Aniya.
Hindi ako sumagot, para bang nawala ako sa sarili ko. Nilalamon ako ng kaba at takot.
"Everyone, go to your rooms!"
Lahat ay napatingin sa kararating lang na si Alex. Sumunod naman sila maliban sa amin ni Ashley. Para bang natuod na ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay malalaman na ng lahat ang tungkol sa amin ni Alex.
"You two, come with me." Pormal na baling sa amin ni Alex.
Noon lang ako nabalik sa katinuan, nang marinig ang boses niya. Nauna siyang naglakad habang tahimik kaming nakasunod ni Ashley. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng office niya.
"Ms. Miller, please stay here. I want to talk to Almira." Pakiusap ni Alex. Tumango naman si Ashley saka ako binitawan.
Niyakap agad ako ni Alex nang sandaling makapasok kami sa loob ng office niya. Doon na namuo ang tubig sa mga mata ko. Natunaw agad yung pagpipigil ko kanina dahil lang sa isang yakap niya.
"Shh, calm down. I'm here with you."
Sa halip na tumahan ay lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.
"Shhh, tahan na. 'Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang malaman nila ang tungkol sa atin." Aniya.
Nang mahimasmasan ako ay inalalayan niya akong umupo sa sofa. Tumabi siya sa akin para punasan ang luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/108359733-288-k739873.jpg)
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...