Caught
Hinanap agad siya ng mata ko nang mabasa ko ang message niya.
Napangiti ako nang makita ko siya sa labas ng tent nila. Mag-isa lang siyang nakatayo habang hawak ang phone niya. Kahit malapit o malayo, gwapo pa rin siya.
"Mira?"
Nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Ashley kaya umiwas agad ako ng tingin kay Alex. Mahirap na.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Sasama ka ba sa amin?" Nakangiting tanong niya.
"Saan?"
Tumawa siya at hinampas ako ng mahina.
"Hindi ka talaga nakikinig? Maglilibot tayo dyan sa tabi-tabi. Sayang naman ang pagpunta natin dito sa Zambales." Saad niya.
Tiningnan ko si Abegail na nakangiti sa akin, si Drake ay nakabusangot ang mukha at si Zach ay nakahalukipkip habang nakatingin sa ibang direksyon. Si Derick naman ay natutulog pa raw.
"Sasama 'yan! Wala naman siyang pagkakaabalahan dito kung maiiwan siya." Saad ni Abegail na kumapit na sa braso ko. Gusto ko pa sanang lingunin si Alex kaya lang ay ayokong makahalata sila.
Gusto ko sanang siya ang kasama ko.
"Mag-picture tayo dali!" Hinila ako ni Ashley sa tabing-dagat habang naglalakad kami papunta sa karatig na beach ng Nagsasa Cove.
"Kayong dalawa naman!" Saad ni Abegail. Pinagtulukan nila kami ni Zach sa isa't isa.
Ngumiti siya nang ilang inches na lang ang layo ng mga mukha namin.
"Sorry." Saad niya habang diretsong nakatitig sa akin. Tumango lang ako at nag-iwas agad ng tingin.
Naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin, pero kahit ganoon ay kaibigan ko pa rin siya. Hindi ko pa rin siya kayang tiisin.
"Perfect!" Dinig kong saad ni Abegail habang tinitingnan nila ni Ashley ang camera.
"I want to rest." Pabulong na saad ni Drake pero sigurado akong sinadya niyang iparinig iyon kay Ashley.
"Tara na nga!"
Matapos ang mahigit apat na oras naming paglalakad ay nakarating din kami sa Anawangin Beach.
Beautiful.
Manghang-mangha ako sa ganda nito. Napakalinaw ng tubig nito at pino ang buhangin.
Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Nagmamadali ko itong kinuha at binasa ang message galing kay Alex. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Where are you?"
Magta-type pa lang sana ako ng reply sa kanya nang bigla itong nag-vibrate. Nataranta ako nang makitang tumatawag siya.
Tiningnan ko sila Ashley na abala sa paghahanda ng dinala nilang pagkain. May ginagawa naman silang lahat kaya hindi naman siguro nila mapapansin kung mawawala ako.
Nagpunta ako sa mapunong bahagi ng beach bago ko sagutin ang tawag.
"Where are you?"
Napakagat ako ng labi nang marinig ang boses niya. Bakit ang husky ng boses niya? Natataranta na naman ang sistema ko.
"Nasa Anawangin." Saad ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"That's too far. What time are you going back?"
Tiningnan ko ang relo ko.
"Kadarating pa lang namin kaya siguro mga after lunch pa kami aalis dito." Saad ko.

BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...