Revelation
"Dito na lang po." Saad ko. Kulob naman ang sasakyan at umaalingawngaw ang nakabibinging katahimikan pero wala atang nakarinig sa sinabi ko.
Hindi huminto ang sasakyan hanggang sa makarating sa mismong tapat ng bahay namin.
"Salamat po." Pilit akong ngumiti sa kanila.
Akmang bababa na ako nang hawakan ako sa braso ng babaeng katabi ko. Kumikinang na naman ang mga mata niya. Para bang anumang oras ay tutulo ang mga luha niya. Ano bang problema? Parang lagi siyang umiiyak.
"How do you live? Nakakakain ka ba ng maayos? Binibigay ba ni Vivianne at Lawrence lahat ng kailangan mo?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Nag-aalangan man ay dahan-dahan akong tumango.
"Mawalang galang na po pero, sino po ba kayo?" Tanong ko. Punong-puno na ako ng kyuryosidad. Pakiramdam ko kilala niya ako at ang pamilya ko. Halata naman na kilala niya kami, alam niya ang bahay namin, maging ang pangalan ng mga magulang ko.
Pero ang pinagtataka ko, bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Hindi pa ito ang tamang panahon. Darating din ang oras na pwede ko ng sabihin sa'yo lahat." Aniya. Nakangiti niya akong tiningnan hanggang sa tuluyan akong bumaba ng sasakyan.
Pagpasok ko sa loob ay agad na sinalubong ako ni Manang Elena. Kinuha niya ang bag ko para ilapag iyon.
"Bakit po parang abala ang lahat?" Tanong ko. Napansin ko kasing nagkalat sa sala ang mga katulong namin. Kanya-kanya sila ng nililinis.
"Biglang nagpasabi si Ma'am Vivianne na darating na sila." Tugon ni Manang Elena habang pinupunasan ang butil-butil niyang pawis.
Kumunot ang noo ko. Bakit hindi ako sinabihan ni Mommy na darating na sila? Ang akala ko ay matatagalan pa sila doon pero bakit uuwi na agad sila?
Nakarating na ba sa kanila ang tungkol sa amin ni Zach? Kung uuwi sila para pag-ayusin kami, malabo pa ring magkaayos kami. Alam na ni Zach ang lahat, hindi niya naman siguro ipipilit ang sarili niya sa akin ngayong alam na niya na may ibang nasa puso ko.
"Punasan niyong maigi." Saad niya sa kanila.
"Aakyat na po muna ako." Paalam ko. Hindi ko na hinintay na sumagot siya, abala silang lahat kaya malamang ay hindi niya ako narinig.
Pagkapasok ko sa kwarto, sa halip na mag-aral ay ibinagsak ko lang ang katawan ko sa kama. Nakatihaya ako at nakatitig sa puting kisame habang iniisip iyong mga litrato. Awtomatikong pumasok sa isip ko si Alex. Saktong tumunog ang phone ko, natataranta ko itong kinuha mula sa bag.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang mabasa ang pangalan ng tumatawag, si MFL (My First Love). Pinalitan ko na kasi yung pangalan niya sa contacts ko pagkatapos naming magkaayos.
"Bakit?"
"Where are you? Your friends were looking for you." Halata ang pag-aalala sa tono ni Alex.
"Nasa bahay na. Pakisabi na lang sa kanila."
"What? Why? What happened? Are you alright?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Okay lang ako." Pilit akong ngumiti na para bang nakikita ako ni Alex. Ilang beses na akong nagsinungaling ngayong araw.
"I'll go to your house after my last class." May awtoridad sa tono niya, halatang hindi ko siya mapipigilan.
"Okay." Maikling tugon ko.
"Rest well. I love you." Mahina ang pagkakasabi niya ng huling tatlong salita, halos bumulong na lang siya.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomansaCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...