Kabanata 4

2.5K 70 0
                                    

Small World

Idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na katok na halos gumiba sa pintuan. Tamad akong bumangon. Nagtatanggal pa ako ng muta nang buksan ko ito.

Napuyat ako kagabi kaya gusto ko na lang matulog ngayon.

Umayos ako ng tayo nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Daddy.

"Where have you been last night?" Seryosong tanong niya. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya siguradong mapapansin niya kung magsisinungaling ako.

"Nasa school po ako." Inaantok pang tugon ko.

"Who were with you? Zachary called me because he couldn't contact your phone." I could feel in his voice, he's losing his patience at kapag nangyari 'yon, katapusan ko na.

"Assistant po ako ng teacher namin. May mga pinaayos lang siyang files na kailangang matapos kahapon." Pagpapaliwanag ko.

Pakiramdam ko ay natanggalan ako ng malaking tinik nang tumango-tango siya.

"I rescheduled my flight. My flight is eleven this morning." Nanlaki ang mga mata ko. Nagising ang diwa ko nang marinig ang sinabi ni Daddy. "I know how happy you are. I'll be gone for awhile but I asked Zachary to look after you." Dugtong niya.

Sabay kaming kumain ng almusal. Umalis agad siya dahil dadaan pa siya sa kompanya bago siya lumipad papuntang France. Naiwan akong nakatunganga sa sala.

Miyerkules ngayon kaya wala kaming pasok. Apat na araw lang ang pasok namin sa loob ng isang linggo. Magsisimula ng alas siyete ng umaga at matatapos ng alas sais ng gabi. Depende sa kung anong oras kami dini-dismiss ng huli naming teacher.

Sinubukan kong matulog sa sofa kaya lang ay ayaw nang bumalik ng antok ko. Nagpasya akong umakyat sa kwarto para magpalit ng damit pang-jogging. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng cabinet at kinabitan ito ng itim kong headphone.

Dahan-dahan kong binagalan ang takbo ko nang makita ko sa di kalayuan ang isang pamilyar na pigura. Kahit na nakatalikod ay nakikilala ko pa rin siya.

Paanong hindi ko siya makikilala? Siya ang dahilan kung bakit buong magdamag akong gising.

Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito, sir?" Tanong ko. Tinanggal ko ang headphone at isinabit ito sa leeg ko.

Huminto ako sa pagtakbo para sabayan siya sa paglalakad. Maliit talaga ang mundo. Kahit na walang pasok ay pinagtatagpo pa rin kami ng tadhana. Mapaglarong tadhana.

Inangat niya ang kamay niyang may dala ng plastik ng grocery para ipakita ito.

Dito siya nakatira?

Madalas naman akong mag-jogging dito pero kahit minsan hindi ko pa siya nakita.

"Ikaw. What are you doing here Ms. Owens?" Tanong niya.

"Almira na lang, sir." Nakangiting saad ko. Nasa labas naman kami ng school so maybe, we should cut the formality.

Pagkatapos ng magdamag kong pag-iisip at paulit-ulit na pag-browse sa internet, isa lang ang nahanap kong solusyon para matigil na ang pag-iisip ko sa kanya.

I need to be close to him. Siguro, kung magiging malapit kami ay mawawala na 'to. Maybe, I feel this because of wanting to be near him so kung magiging close kami, unti-unti ko na rin siyang matatanggal sa utak ko. I hope so.

"Ms. Owens, I'm sti---"

"Almira na nga lang po." Putol ko sa kanya.

Napakamot siya ng ulo niya nang mapagtantong wala akong balak magpatalo.

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon