Problem
"Are you going to be fine?" Bakas sa mukha ni Alex ang pag-aalala nang ihinto niya ang sasakyan malapit sa restaurant kung saan ako pinapapunta nila Mommy.
Ngumiti ako at tumango.
"If something happens, let me know. Okay?" Saad niya at hinalikan ako sa noo.
Hindi niya ako pwedeng ibaba sa mismong tapat ng restaurant. Mahirap na, baka may makakita. Kaunti na lang naman ang lalakarin ko dahil tanaw ko na ang restaurant.
"Good evening ma'am." Bati sa akin ng nagbukas ng pinto. Ngumiti ako at diretsong pumasok.
Marangya ang disenyo nito. Hindi kumakain si Mommy at Daddy kung hindi sa fine dining restaurant. Kakaunti lang ang tao kaya madali ko silang nakita.
"Good evening Mom." Bati ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya na tumango lamang.
"Good evening Dad." Bati ko bago umupo.
"What is the time of your dismissal?" Tanong ni Mommy.
"6 o'clock po."
Ito ang dahilan kaya mas takot ako sa kanya kumpara kay Daddy. Mas may awtoridad kasi ang boses niya, nakakatakot at malamig. Ganyan na siya simula nang isilang niya ako.
Tiningnan ko dati ang mga litrato ko noong bata pa ako. Palaging si Daddy ang may buhat sa akin kung may litrato man kami ni Mommy, seryoso naman ang mukha niya o di kaya ay hindi nakatingin sa camera.
"How much time do you spend on being your teacher's assistant? Does it affect your studies?" Tanong ulit niya.
Kung minsan, napi-pressure ako kay Mommy. Kahit kasi naging valedictorian ako noong elementary at running for valedictorian ako ngayon, hindi ko pa siya narinig na pinuri ako. Lagi niyang sinasabi na mas may igagaling pa ako.
Consistent top 1 siya noong estudyante pa lamang siya. Kumuha siya ng kursong may kinalaman sa negosyo sa isang kilalang unibersidad sa bansa at nagtapos bilang suma cum laude. Kumuha rin siya ng masteral habang pinapalago noon ang negosyo ng pamilya namin.
"Mga dalawang oras lang po. Hindi naman po naaapektuhan ang pag-aaral ko." Nakayukong saad ko.
Nabuhayan ako nang dumating na ang mga pagkain. Sa wakas ay hihinto na sa pagtatanong si Mommy. Ayaw kasi niya ng nagsasalita habang kumakain.
Ilang minuto pa bago kami natapos kumain.
"Why did you break up with Zachary?" Tanong niya habang dahan-dahang dinadampi ang tissue sa labi niya.
"He's a nice guy." Saad ni Daddy.
"Kaibigan lang po ang tingin ko sa kanya." Saad ko.
Natigilan si Mommy. Diretso ang tingin niya na mas lalong nagbibigay ng kaba sa akin.
"He's a good-looking nice guy, intelligent, and a successor of his parents. Why would you break up with someone like him?" Tanong ni Daddy matapos inumin ang wine niya.
"Nagkaroon po ng maling pagkakaintindihan. Mabait siya at malapit sa akin pero parang kapatid lang po ang turing ko sa kanya." Sagot ko.
"At your age, it is impossible that you do not have anyone in your heart. If it's not Zachary, then who?"
Natigilan ako sa tanong ni Mommy. Hindi ko alam ang isasagot ko. Tama siya, may iba akong gusto pero paano ko sasabihin na yung teacher ko ang nagugustuhan ko?
"W-wala po." Nakayukong saad ko.
I'm sorry Alex.
"Are you sure?"
"Yes po."
Kumikirot ang puso ko dahil sa paulit-ulit kong pag-deny kay Alex. Kilala ko ang mga magulang ko. Siguradong hindi nila magugustuhan si Alex para sa akin kahit na gaano pa katalino, kagwapo at ka-successful si Alex.
Masyadong mababa ang tingin nila sa mga guro.
"Then give Zachary another chance. If you do not want to, bring a guy that is a lot better than Zachary." Saad niya bago tumayo.
Pagdating sa bahay ay nagpaalam ako sa kanila bago dumiretso sa kwarto ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang hinahaplos yung stuff toy na kamukha ni Alex.
Hindi ko pwedeng bigyan ng chance si Zach ngayong boyfriend ko na si Alex, that's cheating! Pero lalo namang hindi pwedeng dalhin ko dito si Alex at ipakilala sa kanila.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ashley.
"Bakit?" Bungad niya.
"May problema ako. Nandito na ang parents ko." Saad ko.
"What?! Kailan pa?!"
Kilala ni Ashley ang parents ko. Minsan na kasi nilang naabutan sila dito sa bahay. Manunuod dapat kami noon ng pelikula kasama si Abegail pero literal silang itinaboy ni Mommy.
Hindi raw magandang impluwensya sa akin ang mga kaibigan ko maliban kay Zach.
"Kanina lang. Sinabihan niya akong bigyan ng chance si Zach kung hindi ako makakapagdala ng lalaking maipapakilala ko sa kanila na higit kay Zach."
"Malaking problema 'yan. Anong plano mo? Ipapakilala mo sa kanila si Sir Alex?" Tanong niya.
"Hindi. Siguradong mapapahamak lang si Alex. Wala na akong ibang choice." Malungkot na saad ko.
"So you'll give Zach another chance?"
"Oo. Iyon lang naman ang paraan pero kakailanganin ko ang tulong mo."
Matapos ang pag-uusap namin ni Ashley ay si Alex naman ang tinawagan ko.
"How are you?" Bungad niya.
"Ayos lang."
"Is there a problem? Do you want to say something?"
Nagpagulong-gulong ako sa kama habang yakap ng mahigpit yung stuff toy. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin kay Alex ang problema ko.
"M-meron." Saad ko.
"What is it?" Ramdam ko ang biglang pag-iiba sa tono niya. Nag-aalala na naman siya.
"Gusto nilang bigyan ko ulit si Zach ng chance."
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Okay." Maikling saad niya.
"Galit ka ba?"
"No, I'm not. I understand everything." Saad niya sa malungkot na tono.
Mabuti na lang hindi katulad ng ibang lalaki si Alex. Lagi niya akong iniintindi kahit na alam kong nasasaktan ko siya.
"Sorry." Mabilis kong pinunasan ang nakatakas kong luha pero nagsunod-sunod ito. Pakiramdam ko kasi ay lolokohin ko si Alex dahil sa gagawin ko.
"Are you crying?"
"H-hindi." Pilit kong pinigilan ang pag-iyak ko pero pumiyok pa rin ang boses ko.
"Shhh. Don't cry. I will still be here for you. I won't get jealous."
"Sorry A-alex." Saad ko habang pinupunasan ang luha ko.
"You don't have to be sorry okay? I'm sorry for giving you a hard time. I should quit my job."
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi pwede. Hindi ako papayag na isakripisyo niya ang trabaho niya para lang sa akin, sa amin. Nakita ko kung gaano niya kamahal ang trabaho niya.
"Hindi Alex. Hindi mo iiwan ang trabaho mo." Mariing saad ko.
"But we can't be together as long as I am your teacher."
Hindi ko akalain na ganoon ako kamahal ni Alex. Handa niyang iwanan ang trabaho niya para sa akin. Handa niyang talikuran ang pangarap niya.
"Kahit na. Kakayanin natin 'to. May iba pang paraan. Hindi mo iiwan ang trabaho mo para sa akin. Hindi ako papayag."
"What is the other way?" Tanong niya.
"Tutulungan tayo ni Ashley."
📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖
![](https://img.wattpad.com/cover/108359733-288-k739873.jpg)
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...